III

46 0 0
                                    

A/N

You might want to listen to Taylor Swift's Eyes Open while reading this chapter :) feel ko kasi bagay sa chappy eh. Hahaha xD yon lang. Ge bye. :3

---------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako mula sa mahimbing at dreamless kong tulog dahil sa tunog ng alarm clock. It's the most annoying sound ever! Mariin ko itong tiningnan at sinubukang patayin ito gamit ang mga mata ko. Remind me again kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa sinisira ang nakakainis na bagay na ito.

Ilang sandali din akong nakipagtagisan ng tingin sa alarm clock hanggang sa sumuko nalang ako at tumayo para patayin ito. But then again, I could always throw it out the window.

Pumwesto ako sa tapat ng bintana at pumorma na parang isang baseball pitcher. Malakas kong ibinato ito palabas sa bukas kong bintana. "Storbo!" Sigaw ko. I've never been so satisfied in my whole life. Feel ko nakaganti na ako sa paggising niya sa akin.

There. Tahimik na. I went back to my bed and hoped to resume my disturbed slumber. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.

Matagal-tagal din akong nagpagulong-gulong sa aking higaan hanggang sa mapagpasyahan kong bumangon na lang dahil hindi na ako makatulog pang muli. Damn that clock. Istorbo sa slumber ko.

I decided to go for a walk outside. Medyo matagal na din simula nung huli kong malibot ang lawak ng lupaing nasasakupan namin. I put on my running shoes and hoodie.

Malawak ang aming lupain. Maaliwalas ang aura ng lugar at hindi mo aakalaing mga kampon ng kadiliman ang nagmamay-ari ng lupa. Medyo isolated ang lugar, malayo sa syudad at mga sampung kilometro ang pagitan ng bahay namin at ng pinakamalapit naming kapitbahay. Napapaligiran ang lugar ng masukal na gubat. Anong magagawa ko? My dad is a lone wolf. Or lone vampire. Basta. Whatever. He likes to be alone. Pft.

Our house, or should I say mansion, is gothic inspired. Nababalot ng misteryo at hiwaga ang aming bahay. Maihahambing ito sa mga palasyo noong Medieval times. May katandaan na din ang bahay namin. Ipinatayo ito noong 1901 ng aking ama pagkatapos nilang ikasal ni mama at nagpasyang dito na manirahan sa bansang ito. Mapayapa daw kasi dito, malayo sa gulo.

May mga bantay sa bawat sulok ng lupain para maiwasan ang mga taong trespassers. Mapanganib sa lugar namin. Pero kahit naman siguro ako, kapag nalaman kong puro bampira ang nakatira sa mansyong ito hindi na ako mangangahas pang lumapit sa lugar. Wala pang taong nakakapasok sa lugar namin, kung meron man, hindi na nakakalabas ng buhay. Ang lupain kasi namin ang nagsisilbing hunting ground ng lahi namin.

Naupo ako sa lilim ng isang malaking puno para magpahinga. Malayo-layo na din ang inabot ko sa paglalakad at umabot na ako sa gitna ng gubat na nasa dulong bahagi ng sakop naming lupain. I rested my head against the trunk and shut my eyes.

I felt the warmth of the sun embracing my body as it shined brightly above the sky. I breathed in the fresh air. Napakarelaxing sa feeling na ang tanging naririnig mo lang ay ang tunog ng mga insekto at ang huni ng ibon.

Bahagya akong naalarma nang maramdaman kong may isang pares ng mata ang palihim akong pinagmamasdan. I couldn't hear any heartbeat. Ang tanging naririnig ko lang ay ang kanyang malalim na paghinga.

"Lumabas ka na. Alam kong nandiyan ka." Wika ko. Hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko. I couldn't care less about who this person is.

Narinig ko ang tunog ng mga tuyong dahon na nadudurog dahil naaapakan. Naramdaman ko ang paglabas ng isang kalahi ko mula sa pagkakatago sa malaking puno ng mangga.

"Mahal na prinsesa." Bungad niya.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng isang kulay tsokolateng leather jacket at itim na pantalon. Nasa early twenty's ang tancha ko sa edad niya at alam kong hindi siya ginawang bampira kundi katulad ko ring ipinanganak na imortal. Kayumanggi ang kanyang balat at malaki ang pangangatawan niya. Nakatali sa likod ang kanyang maitim na buhok pero may kaunting strands pa rin ang nahulog na bahagyang tinatabunan ang kanyang mukha. He looked like a goon, a handsome goon.

Let Love Bleed Red: The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon