VII

8 0 0
                                    

It's one lazy saturday morning. It's an unusually calm saturday morning. Walang masamang panaginip. Kasi ilang linggo ko nang paulit-ulit na napapanaginipan ang isang lalaking duguan habang nakayakap sa akin at paulit-ulit na sinasabing huwag kong kakalimutan kung sino ako. I have had visions of this guy in my dreams many times, I have had visions of somebody being killed, I have had visions of my family being captured. Pero sabi nga nila, habang papalapit na ang ika-18 na kaarawan ng isang maharlikang bampirang katulad ko maraming magbabago. Maraming visions, unti-unting lalabas ang kapangyarihang taglay at unti-unting lalabas ang tinatagong lakas. Siguro senyales lang to, kasi malapit na ang aking kaarawan.

"Franchester!" Sigaw ni Tia na ikinagulat ko. "Tulala ka na naman." Sabi niya sabay upo sa tabi ko at inilapag ang kanyang sketchpad at bag sa sahig ng bench na kinauupuan ko dito sa basketball court.

"Feeling ko may crush sayo si Kyle." Dugtong niya. "Ha? Sino yan?" Sagot ko at kumunot ang noo.

"Yun." Sabi niya sabay turo kay Kyle na nakaupo sa bench na katapat ng aming kinauupuan at nakatitig sa direksyon namin.

"Ah. Siya." Bored ako. Wala akong pakialam kay Kyle kasi alam ko namang kaya siya nakatitig sa akin ay dahil ibinilin ni Kuya Zandro na bantayan niya ako dito sa campus.

"Pag bantay, bantay lang. Wag masyadong nakatitig. Psh." Bulong ko sa sarili ko.

"Ha? Sinasabi mo?" Sagot ni Tia habang sumusubo ng apple at inaayos ang kanyang sketchpad.

"Wala." Sagot ko at isinubsob ang mukha ko sa mesa. "Tiabells, wala talaga akong maisip na idea para sa plates. Gusto ko nang tumigil at maging housewife nalang ng isang Architect."

"Edi, asawahin mo si Kyle or mang akit ka ng mga graduating students diyan." Sagot niya at tumawa.

"Ew." Tanging sagot ko.

Tumahimik kami ng sandali. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala naman akong nararamdamang kalaban sa paligid pero parang may mali.

"Feeling ko may mali." Sabi ko kay Tia na abalang-abala pa din sa kanyang plates. Jusko, dapat busy ako sa mga plates ko pero tinatamad ako. Wala din talagang idea na pumapasok sa utak kong tuyong-tuyo na.

"Utak mo may mali." Pabirong sagot ni Tia.

"AHHHHH!!! Tuyong-tuyo na talaga ang utak ko. Ayoko na." Sinubsob ko ulit ang mukha ko sa mesa at hinihila ko na ang buhok ko.

"What a weak specie." Isang pamilyar na boses ang narinig ko at naramdaman kong umupo sa tabi ko. Inangat ko ang aking paningin at bumungad sa akin ang mala-anghel na mukha ni Miguel. Kahit anong sungit ng taong to, ang gwapo pa din. The universe is a very unfair place to live in. Hayst.

Napailing lang ako at sinubsob ulit ang mukha ko sa sketchpad ko. Gusto ko na sumabog, ayoko na mag aral. Magiging right hand nalang ako ni kuya Zandro kapag kinoronahan na siya. Sure naman ako na hindi ako mamumulubi kahit di ako mag aral eh. Bakit ba kasi kailangan namin magblend in sa mga normal people. Ang hirap maging normal person. Oh my Dracula, save me.

"May pagkabobo talaga siya, Miggy. Pero meron naman siyang nice ideas minsan." Mahinhing sagot ni Tia kay Miguel at sumubo ulit ng apple.

"Ouch." Sagot ko. "Why are you here, monster?" Tanong ko kay Miguel na nakatitig sa akin na animo'y rinding-rindi sa akin.

"I-- I have a question." Nag aalinlangan niyang tugon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Love Bleed Red: The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon