Kabanata 3
I can feel my hands sweating.
My heart is beating so loud and fast. Hindi ako mapakali.
Panay ang lingon ko sa labas ng bintana. Umaasang malapit na kami sa paroroonan namin.
Finally..
After years of waiting makikita ko na ang kapatid ko. I can't help but to cry with joy and happiness when Greg told me about the information his team found. I'm excited to see my brother!
"Malapit na ba tayo?" I asked Greg who's in the drivers seat driving.
"Medyo malayo pa, kung gumising ka lang sana ng maaga edi malapit na sana tayo sa paroroonan natin," he said accusing me.
Napabaling kaagad ako sa kaniya.
"Sinisisi mo ba ako? You could have told me na malayo pala ang pupuntahan natin," nakakunot ang noong saad ko.
Hindi ko naman kasi alam na hidden island pala ang pupuntahan natin at hindi mo po kaya sinabi sa akin anong oras pala dapat gumising! I want to tell him that pero itinikom ko na lang ang bibig ko.
I don't want to argue with this man anymore. Arguing with him is a waste of time! Para siyang abogado na hindi nagpapatalo sa debate!
Tahimik lang din siya hanggang sa tumigil kami sa isang drive thru.
"Let's buy our food first, I'm starving," he said.
Sinabi ko lang ang order ko at ganoon din sa kaniya. Nang ibigay na ang order namin, iaabot ko na sana ang bayad ko ng pigilan niya ako.
"I already paid, just keep it," aniya at nagsimula ng ipaandar ang kotse.
Nagkibit balikat na lang ako at sinimulan nang kumain. Bahala siya diyan.
Tahimik lang kami hanggang sa napansin ko ang mga nagtataasang mga puno at puno ng niyog na nadadaanan namin. Binuksan ko ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin. This place is nice and peaceful. Malayo sa siyudad. Malayo sa traffic at sa usok ng tambutso. Malayo sa stress. I sighed.
I check my wrist watch. It's already 5:31 pm. Malayo layo na rin pala ang binyahe namin.
"Take a sleep I'll wake you up when we get there," he said his eyes fixed on the road.
Tumango lamang ako hanggang sa dalawin ako ng antok.
When morning came Greg wake me up telling me nandito na kami sa isla. Napabalikwas kaagad ako ng bangon at hinarap siya.
"Where's my brother?" tanong ko kaagad sa kaniya.
"Calm down will you? We will see your brother soon. Kailangan muna nating mag check in sa hotel," he chuckled and got out of the car.
I was waiting for him to open the car door for me pero sa sobrang bait niya ay hindi niya nagawa. Such a gentleman!
Lumabas kaagad ako sa kotse ng nakasimangot. Kukunin ko na sana ang mga gamit ko when he stopped me.
"Ako na, mabigat 'to," sabi niya at nauna ng pumunta sa hotel bitbit ang mga gamit namin.
Buti alam mo!
Si Greg na ang kumausap sa receptionist na kanina pa lumuluwa ang mata kakatitig sa kaniya. I rolled my eyes at her. Di dapat siya nilagay sa trabahong iyan! Umabot na ng ilang minuto ay nandoon pa rin si Greg nakatayo at kinakausap ang receptionist ng nakakunot ang noo.