ATSW 35

0 0 0
                                    

CHAPTER 35

SOBRANG TAHIMIK nang paligid.  Matapos akong iwan ng mga loka loka dahil nga raw ay mag-uusap kami ni Clinton.. I really appreciate it. Pero naisip ko, ako lang siguro ang makikipag-usap na lamang ay naka-schedule pa. Halos pagtawanan ko na ang sarili ko dahil do'n.

Umiling ako nang isipin ang dahilan ni Koura nang makita ko siya kanina. Siyempre'y natuwa ako sa pagdating niya, pero siyang nakapagpa-tawa sa'kin ay ang dahilan niya. Narinig niya raw kasi na may pogi akong kasama kanina, which is si Josh. Late na raw niya iyon nalaman, saka lang daw kasi siya nagising, dahil pa raw sa paborito niyang kanta. Pero talaga raw na nagmadali siya nang marinig ang mga boses namin mula sa labas kami namang nag-aaway sa loob, ayaw pa nga raw mabuksan ng pinto, pero nandoon naman daw si Dad upang buksan.

Nananabik ako sa pagkikita namin ni Clinton pero naroon sa'kin ang niyerbiyos. Dahil, ano nga ba ang sasabihin ko. Ano nga ba ang pinaghahawakan ko? Wala na, kun'di ang salitang Girlfriend at Boyfriend. Iyon na lamang.

Ni Hindi ko naisip na magiging ganito ang unang pagsabak ko sa relasyon. Ang pagkita ko ng halik nila.. sobrang sakit no'n, ang maisip ko na hindi ako nararapat para sa kaniya, sino ba naman kasi ako? Isa pa lang istudiyante, magiging teacher. Isa pa lang akong istudiyante, ano pa nga ba sa kaniya na isang world class business man? HAHAHAHA napaka-layo, Hindi ba? Pero pinagtagpo pa rin kami. Ha! Nanliliit ako tuwing iisipin ko 'yon. Sobrang liit ko ikumpara Kay Ryze na mas Sexy, mas maganda, at mas mayaman.

Tumawa ako nang mapait. Wala pa akong napipiling damit, walang sinabi si Maica kung saan kami mag-uusap kaya't maga-assume ako na pupunta siya rito upang sunduin man lang ako.

Tumayo na ako at naghanda, naligo at ngayon ay mamimili na ng damit. Sa huli'y ang pinili ko ang isang dress na siyang malaki sa'kin pero nilagyan ko na lamang ito ng belt upang maging mas presentable tignan. Pinaresan ko na lamang ng flats ito.

"Hoo, kaya 'yan." Pilit akong ngumiti sa salamin na kita ang buong katawan ko. Wala akong dinala, naghintay na lamang ako sa kitchen kung sino man ang dumating. Magg-gabi na. Hindi ako nag-abala na tumingin sa mga orasan o sa telepono ko. Naghintay ako, nakain at tulala.

Tinignan ko ang bintana na nasa harap ko, gabi na. Madilim na. Nakikita ko na ang mga bituin sa langit. Ang buwan na siyang nagbibigay liwanag.

Malungkot akong tumayo, mukhang hindi na mangyayari ang sinabi ni Maica. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at umupo sa lapag. Hindi alintana ang pagsusuot ng dress, mayroon naman akong shorts sa ilalim nito.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at Isinandal ang likod sa nakasarang pinto. Hindi na kami magkikita, Hindi na kami makakapag-usap, paano ko masasabi na mahal ko siya? Paano ko siya mapipilit.. na sabihin naman sa'kin na mahal niya ako.. sana, sana, sana dumating ka.

Kumuha ako nang bato na nasa gilid ko lang. Agad ko jtong binato sa kung saan. Malaki iyon kaya't maririnig kung saan man ito tumama. Natawa ako nang tumunog ang kotse na nasa harapan ko. Pero napawi iyon nang malungkot na naman ako. Bumuntong hininga ako. Bakit ba kasi Hindi ka pumunta.. bakit? Tumayo ako sa kinauupuan habang pinapagpagan ang sarili. Naramdaman ko ang masikipa na belt sa beywang ko kaya't marahas ko iyon na tinanggal. Inihagis ko na lamang ito sa loob at tumingin nang muli sa langit.

Maybe those starts would still shine without your love.

Natawa na namang muli ako, masyado akong broken. Talaga ngang tanga ako.

Akmang tatalikod na ako nang bumukas at umilaw ang front light ng kotseng siyang natamaan ng bato. Tinitigan ko ito nang halos Ilang minuto bago mapawi ang paningin ko, ayaw kong maisip na siya ang may-ari niyan, ayaw kong umasa. Pero nang tatalikod na muli ako'y busina naman nito ang sunod sunod na tumunog, nakabukas pa rin ang ilaw sa harapan. At doon, ang isang makisig na lalaki ang lumabas mula sa kotse. Isang lalaking siyang Hindi ko alam kung maayos ba ang kami. Kung paano ba ako napalitan sa loob ng tatlong buwan. Siguro'y Hindi lamang ako sapat sa isang tulad niyang mayaman.

Along The Side Ways (Along Series 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now