"ELLIIIIIIICE!" wtf?! eto nanaman siya!
Bumangon ako kaagad para batukan yung lalaking tumawag sakin nun! Humanda siya sakin. T_T
"Hoy ikaw! Perty! HAHAHAHA maka-ellice ka ha? Eh yan ngang pangalan mo pambakla eh!" yes! Nakabawi din. Hahaha. "Lagi mo nalang ako iniistorbo pag tulog! Mind your own business bro!"
Bumalik uli ako sa pagtulog. Pero ni isang ingay wala akong narinig. What's happening? Eh kadalasan kapag ganito lalo akong kinukulit ni Rupert eh.
Pagkadilat ko..
"OH SHIIIIIIIT! PERTY! ANO BA! BUKSAN MO PINTO! HUMANDA KA SAKIN PAKSHET KANG BAKLA KA!" humanap ako ng paraan para mabuksan yung pinto pero wala. Ang lakas talaga neto. "HOY ANO BA! SUSUMBONG KITA KAY NAD--"
Hahahahaha! Sinasabi ko na nga ba at yun lang ang makakapagpatigil sa kanya eh.
"Leche Ellice." pagkabukas ko ng pinto ganito ang itsura niya -> = ̄ω ̄=
"Hahaha! Sorry na Perty! Ang aga aga kasi bakit ba ginigising mo ko?" pagrereklamo ko. "Atsaka BAKIT MO KO PINATAYAN NG ILAW? ALAM MO NAMANG DUWAG AKO SA DILIM DIBA?!"
"Eh ayaw mong gumising eh." sabi niya in a cool way at bumaba na sa Sala namin.
Nagayos na ko ng kama at naghilamos and toothbrush. Tsaka ako bumaba sa Sala.
"So anong balak mo ngayon?" tanong ko kay Perty.
"Gala tayo! Pinaalam na kita kay Tita." napangiti nalang ako kasi ewan ko ba. Natutuwa ako kapag ganito si Perty. Minsan lang kasi siyang ganito sakin.
"Ah sige, ligo muna ko. Ayusin mo gamit ko ha? Thanks!" pangaasar ko sa kanya with matching flying kiss pa. Hahaha!
***
"Tara dun! Ice cream muna ta--" so nice. Kaming dalawa magkasama tapos may katext siya. Okay? "Sige tapusin mo muna yan."
Umalis ako para makahanap ng uupuan ko. Kesa naman magantay ako ng nakatayo sa katext niya diba?! Edi ako pa napagod!
Nakakawala ng mood puta. Lagi nalang may kapalit kasayahan ko. Kelan ba nagkawala? Bwiset.
Alam ko namang magkaaway sila ni Nads pero hindi ba dapat na nasa akin muna atensyon niya sa ngayon? Hindi ba ako ang kasama niya at hindi si Nads? ~T_T~
"Sorry na Ellice! Tara na sa ice cream." panunuyo niya sakin. Sumunod nalang ako kahit nababadtrip pa rin ako.
"Ano iyo?" pagtatanong niya habang tinitignan phone niya. At nang mapaangat siya ng tingin sakin, "Ay oo nga pala! Hehe sorry."
Haaay. Alam naman niya gusto ko pero nagtanong pa! Nakakainis. Naiinis ako sa katext niya pero hindi ko dapat kainisan yun diba? Kasi bestfriend ko lang siya. As in bestfriend lang walang malisya.
Eh paano kasi nang dumating yung babaeng yun, halos wala ng oras sakin si Perty. Nakakatampo tuloy! Argh. -_____-
Habang kumakain walang umiimik. Ang tanging naririnig lang na ingay ay ang mga nasa kabilang table.
At ang nakakabwisit, hawak pa rin ni Rupert phone niya! Ano ba? Napaka-manhid naman netong lalaking to! Porket nagka-lovelife!
"Ang manhid mo nakakabwisit" Eh totoo naman eh. Kairita lang.
"Ha? May sinasabi ka Ellice?" talas naman ng tenga nito.
"Wala. Sabi ko dalian na natin kumain para makauwi na."
"HA?! ANONG UUWI NA! GRABE MINSAN NA NGA LANG TAYO MAGSAMA ELLICE TAPOS--" hindi pa natatapos sasabihin niya ng tumayo ako at..
"EH YUN NA NGA RUPERT EH. MINSAN LANG TAYO MAGSAMA! TAPOS WALA SAKIN ATENSYON MO! HINDI BA PWEDENG KAHIT NGAYON LANG! NGAYON LANG RUPERT." Umalis na ko sa store at lumabas na para makauwi na.
BINABASA MO ANG
Summer Break
RomanceSummer has come. But why is the boring summer became a very challenging summer to her? Sit back, Relax, Read and enjoy. =))