//3//

13 2 0
                                    

Next, pumunta kami sa World of Fun. Unang pinaglabanan nila, basketball.

Yes, naglalaban sila. Parang mga bata lang diba! Hindi ko alam kung matutuwa ba ko or what.

Are they impressing me?

Umiiral nanaman pagka-assumera ko. Aminado naman ako dun, pero hindi ko naman maiiwasan yun no! Sa nakikita ko palang ngayon, ramdam na ramdam ko ang pagkainit ng dalawang nasa harap ko ngayon.

Oops, not the init thingy na naiisip mo ha. I mean yung tensyon na namumuo sa kanilang dalawa. Feeling ko nga nakalimutan na ata nila ko kasi wala silang ibang ginawa kundi makipagkompitensya eh.

Marami pa silang pinaglaruan gaya nung parang tekken na naglalaban. Hay ewan! Basta yun!

Tapos yung may isang bilog na pindutan and pag pinindot yun, may malalaglag na maliit na bola tapos kailangan mashoot tapos may itatae na tickets.

At marami pang iba. Too many to mention. Hahahaha.

"Ayan. Buti naman naubos na pera niyo." natutuwa kong sabi. Sino ba naman hindi matutuwa eh halos mangawit na ko sa tagal ng paglalaro nila? "Tara, ice cream muna tayo."

Nginitian lang nila ko at naguunahang tumabi sakin. Really? Daig pa talaga sila ng mga bata. So immature. Ganito ba talaga ko kaganda para pag-agawan? Chos lang.

***

On the way na kami pauwi. Siyempre wala nanaman sa passenger seat. Napaka-possesive kasi netong baby k-- ni Perty pala. Hehe. Abuso na ko masyado.

"Uunahin na kita Ruper--" hindi pa natapos sinabi ni Cams ng biglang sumigaw si Perty.

"NOOOOOO. DUN NAKO BABABA KELA ELLICE." okay. Chill lang Perty? "Mahirap na. Baka.."

Hobby na ba netong baklang to ang bumulong?! Ano ba pumapasok sa isip neto at pabulong bulong nalang ang loko?

Narinig ko nalang nagbuntong hininga si Cams. Gusto ko tuloy humingi ng sorry. Dapat kasi lakad lang naming dalawa to eh. :( Kahit ako rin naman, di ko inexpect na pupunta yan eh.

"Malapit na tayo." inayos ko na gamit ko. Joke, phone lang dala ko. Hahahaha.

So here we are..

"Tara pasok muna kayo."

"Talagang papasok ako!" naunang pumasok si Perty. Hay nako kahit kelan talaga tong baklang to.

"Ako, hindi na. Sige uuwi na ko."

"Ay hindi! Tara! Pasok ka muna Cams." nginitian ko lang siya pero mukang ayaw niya talaga.

"Hindi na! Eto nga pala para sayo Ely." i was surprised my gosh. Di naman obvious no?

Binigyan niya ko ng necklace. Nagpagawa pa talaga siya ng pangalan shet.

MyEly

Kaso parang nakakailang namang suotin to. Lalo na kung hindi kami. At mas lalo na kung may iba akong gusto..

"Huy! Tulala ka? Hahahaha!" kinabigla ko ng tumawa siya ng may pahawak hawak pa sa tiyan. Okay? "Wag ka magalala. Hindi gaano mahal yan. Minsan lang ako magbigay sayo. Sana ingat mo yan."

"O-oo naman! H-hahaha. Salamat dito Cams." ngumiti ako.

Palapit siya ng palapit sakin. Di ko alam dapat kong gawin. Hindi tama to. Wala akong ibang ginawa kung hindi pumikit.

"Hahahaha! Ang cute mo!" naramdaman kong dumampi yung kamay niya sa mukha ko. "May dumi ka lang Ely. Hahaha. Dont worry, may respeto naman ako sayo."

Okay, medyo pahiya ako dun. Pakibaon nga ako sa kailalim-laliman ng lupa pls?

Kinuha niya sakin yung necklace na hawak ko. Pinatalikod ako at sinuot niya sakin.

"Yan. Bagay sayo." ngiting ngiting sabi niya.

"S-salamat." ang awkward. Wtf. "Oo nga pala. Ano pa yung sasabihin mo?"

"Hmm. Wala yun! Sige na. Uwi na ko. Bye." ginulo niya muna buhok ko bago siya umalis.

May itsura naman si Cams. Pero bakit hindi ako dito nainlove? Bakit sa iba pa na may mahal na iba? Sana sa kanya nalang ako nagkagusto.

Sana siya nalang minahal ko. Hahahaha! Bwisit na buhay to. Ang unfair. =)))

Kumaway ako sa kanya bago siya nagpaandar ng kotse niya at nagsign siya na mauna na kong pumasok ng bahay bago siya makaalis.

Nginitian ko lang siya at pumasok na ko sa bahay na may pagmumukang bumungad sakin na...

"Pffft!!!! Ba't ganyan itsura mo?!! HAHAHAHAHA!!" sabog tawa ko shet.

Ang isang Rupert Valencia na akala kong nanonood lang sa sala namin, eh nakasalubong ko with his kilay (may nakamark na pa-slant. Pakiimagine nalang ang galit na mukha) na galit at nakapamewang pa.

At ang matindi..

"AT NAG-DASTER KA PA TALAGA HA?! PFFTT-- ANG EFFORT PERTY!! HAHAHAHA! HINDI KO KINAYA." sasabog na talaga ko sa sobrang laughtrip. Yung itsura niya.. Sobrang priceless.

Hanggang bago matulog, ngiting ngiti pa rin ako ng maalala ko si Perty. Hahahaha!

To Perty♡
Hoy Pertylicious! HAHAHAHAHA you made my night. lol thanks. Goodnight =))

Tapos natulog na ko. Kailangan ng beauty rest ng prinsesa..

Summer BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon