Prologue

136 26 4
                                    

Mga ilang katanungan, na nais ko ng kasagutan, dahil sa isang tanong palang ay wala ng sasagot, at sana ang lahat ng to ay isang bangungot.

Hindi ko alam kung bakit to nagawa ng may kapal sakin, gusto lang namang maging masayahin, pero bakit hindi ko yun kayang maramdaman? bakit kailangan pa akong pahirapan?

May pagkakamali ba ako? para lahat ng mahal ko ay kukunin mo? lahat na lang ba sila, ay mawawala? paano naman ang sarili kong ubos na ubos na?

Ang dami kong katanungan, pakiusap at bigyan mo ng kasagutan, ako ay sobra ng nahirapan, lalo na at lahat ng mahal ko sa buhay ay hindi mo man lang hinayaang mabuhay ng pangmatagalan.

Isang pamilya na nga lang natitira, pero ang aga mo namang kinuha aking, panginoon. Lahat ng pagsubok na ibinigay mo sa akin ay kay pait at puno ng paghihirap at sakit.

Gusto kong baguhin ang sarili pero mas lalo mo akong tinulak na maging ganito, ang lahat ng mga bagay na pinaranas mo ay hindi ko na kayang labanan pa.

A Journey Through PainWhere stories live. Discover now