Chapter 16

16 9 0
                                    

PATHRIS POV.

Wah! grabe diko inexpect na pinagtanggol ako ni Cloud kanina, kinikilig tuloy ako hmp paano ba to? totoo naman crush ko naman talaga sya pero grabe nakakatawa si Patty di sya pinagtanggol ni Cloud, sabihin ko kaya to sa mga mananaps kong mga kaibigan?wahhh kilig naman nagblush tuloy ako ahy baka bukas may pimples na ako ah. Nag online na agad ako at nakipag video call sa kanila.

"Hi, Guys!" Masayang pagbati ko sa kanila.

"Wow ah, ang saya ng araw natin ah." Sabi ni Kuya Jerry habang walang ganang magsalita.

"Syempre !" Masayang sagot ko.

"Bakit ka masaya ngayon?" Tanong ni Ate Aira.

"Sana all masaya." Pagsulpot ni Kai owshii bakit boy? sad kaba?

"Pathris?wala pa kaming plano na maisip e, para magbago si Kuya." Sabi ni Zairey habang nakapout, aws ba't naman nag papacute.

"Ah talaga ?pero guys may bad news at good news ako." Sabi ko sa kanila at natauhan naman sila sa sinabi ko.

"Ano naman?" Sabay nilang sagot, sana all sabay.

"Ano uunahin ko?bad news or good news?"Tanong ko sa kanila.

" Bad news. " Sabay na naman nilang sagot.

" Ang bad news, sinabunutan ako ni Patty at sinira nya din damit ko at ginulo nya din buhok ko kanina tapos yung good news ay wait lang nakakakilig talaga. " Sabi ko habang iniisip kung paano ako pinagtanggol ni Cloud kanina.

"Pwedeng sabihin muna inaantok na ako e." Aish panira naman tong si Zairey, oo na ito na nga sasabihin ko na.

"Ito na nga, pinagtanggol ako ni Cloud yung kapatid mo Zairey then, grabi nakakagulat talaga at alam nyo ako yung pinaniwalaan ni Cloud at hindi si Patty." Masayang sabi ko sa kanila.

"Talaga!?" Sabay nilang tanong, ouch! sakit sa ears mga boses niyo.

"Oo nga, tapos alam mo ba tinanong ko sya kung bakit nya ako pinagtanggol? sabi nya para daw sayo Zairey kasi daw importante daw ako sa buhay mo wah! ang sweet siguro bumalik na ang dating Cloud. " Sabi ko at natahimik naman silang apat,may mali ba akong nasabi?

" Sige bye na, see you tomorrow nalang." Masayang pagpaalam ko sa kanila sabay call ended.

Nakakakilig talaga di ko yun makakalimutan iniligtas ako ni crush sya na talaga ang super hero ko! at nagulat nalang ako ng binato ako ng suklay ni Mama dahil daw ang ingay ko di ko alam na sumisigaw pala ako, kinikilig lang talaga ako.

A Journey Through PainWhere stories live. Discover now