Chapter 22

18 10 0
                                    

CLAUDIA ZAIREY POV.

Nandito ako nga ngayon sa bahay nag iisa sobrang bored na ako dito, ano kaya pwede kung gawin?tawagan ko kaya si Pathris ,tapos papuntahin ko sya dito para naman may kasama ako at may makausap ako dito tapos parang may nagmamasid pa. Ito na nga tinawagan ko na sya at buti nalang sinagot agad siguro di sya busy.

"Bes?ba't ka napatawag?" Tanong nya, wala trip ko lang siguro.

"Bakit?bawal ba?" Patanong ko din sa kanya.

"Bakit?may sinabi ba akong bawal ha?" Tanong niya din, oh bakit? sinabi ko bang may sinabi ka?

"Wala naman, busy ka ba today?" Tanong ko sa kanya, ganito talaga kami pag nag uusap nag tatanungan lang.

"Hindi naman bakit?" Sagot nya.

"Pwede ba kung pumunta ka dito ngayon sa bahay? kasi bored na bored na ako e." Sabi ko.

"At bakit ka naman na bored ha?" Tanong nya, wala trip ko lang mabored Pathris ano sa tingin mo? okay ba? Pft.

" Kasi ako lang mag isa dito e. " Sagot ko.

"Ano?e nasaan yung pinakamabait mong Kuya ha?"Tanong nya, psh! parang may galit to kay kuya kasi di crinushback.

"Pumunta sya ng tagaytay kaya sige na pumunta kana dito para naman may kausap ako dito, bilisan mo ah maghihintay ako sayo!babush!" Sabi ko sa kanya.

"Wait lang!"Sigaw nya na para bang nakakita ng multo.

"Bakit ka ba sumisigaw ha? di ako bingi, ang laki laki ng boses mo sakit sa ears!" Sigaw ko din sa kanya.

"Kapagod kaya pumunta dyan, pwede ba kung ikaw nalang mag adjust?ikaw nalang pumunta dito tinamad kasi ako e." Sabi pa nya, bahala sya basta sya dapat pupunta dito, bakit naman ako ang mag adjust?

"No way!basta punta kana dito ngayon din! kung hindi, bahala ka na sa buhay mo ano? may reklamo?bilisan mo na dyan!"sigaw ko sabay call ended naiinis lang kasi ako ngayong araw kasi iniwan ako ni Kuya ditong mag isa tapos ayaw nya naman kasi makasama ako, gusto ko pa naman makapunta sa tagaytay ayan tuloy inggit ako kay Kuya kasi lagi syang nakagala samantalang ako lagi nandito sa bahay tapos di pa din ako nakapag boyfriend kasi ayaw ni Kuya ang sad lang ng life ko.

Dalawang oras akong naghihintay kay Pathris at wala pa rin sya at tamang tama pala nandito na sya kung hindi sya dumating bahala na sya sa buhay nya kaya pinapasok ko na sya dito sa bahay, bakit parang feeling ko masungit na ako ang wierd pft.

"Hi bes, buti pumunta ka talaga." Sabi ko na natatawa.

"Pinagtritripan mo ba ako ha?" Sabi nya hindi naman bored lang talaga ako.

"Hindi noh! At bat naman ha?" Tanong ko habang natatawa.

"Aba!malay ko ba?" Sagot nya habang wala sa mood.

"Ang bored talaga dito lalo na pag wala si Kuya." Sabi ko at napatingin naman sya sa akin...

" Yung kuya mo?parang walang pakealam sayo e iniwan ka lang mag isa dito!" Sabi nya na parang nagagalit, siguro concern lang sakin kaya sya ganyan magsalita.

"Hayaan mo muna si Kuya, gusto nya lang mapag isa."Mahinahong sabi ko para naman kumalma na sya.

"Kailan pa kaya yan maging mabait?pag may mga sariling pamilya na kayo?ganon?"Tanong niya, ahy hala siya kalma muna bes,galit nga sya kay Kuya kasi nireject lang sya nahh kawawa naman ng kaibigan ko.

"Calm down,calm down my bestie hindi naman ganon, di pa nga tayo sure di ba ?baka pag uwi dito ni Kuya mabait na sya." Sagot ko habang kumakain ng pop corn.

Pagkatapos naming mag usap ay ihahatid ko na sana si Pathris ng may tatlong lalaki ang pumunta sa direksyon namin pero di namin nakita ang mga mukha nila dahil nakatakip ito at bigla nalang nilang tinakpan ang aking bibig at ganon na rin kay Pathris at ang sigaw ni Pathris ang huli kung narinig.

Nagising na ako at nakita ko si Pathris na wala paring malay kaya tinawag ko nalang sya dahil nakatali ang aking kamay pati na rin ang aking paa at ganon na rin kay Pathris.

"Pathris!!wake up!" Tawag ko ng mahina at gumalaw naman sya at dahang dahan nyang minulat ang kanyang mata.

"Bes? saan tayo?" Tanong nya at alam kung natatakot sya kita naman sa kanyang mukha.

"Ewan ko nga e. "Sagot ko.

"Bes !kailangan nating makatakas dito."Paiyak niyang sabi.

"Pero paano?"Tanong ko.

"Siguro di na kayo makatakas dito, ngayon ito na ang katapusan niyo. "Sabi ng babae na nasa aming harapan sabay tawa, baliw na ba siya.

"Patty!?" Sabay naming sabi ni Pathris.

"Oo ako nga!" Sagot pa niya habang may hawak na baril.

"Patty! b-bat mo to ginawa!?"Sigaw na tanong ni Pathris.

"Ginawa ko to dahil inagaw mo sa akin si Cloud, ang landi mo Pathris !" Sagot ni Patty sabay hawak sa pisnge ni Pathris.

"Hindi ako malandi!at never akong naglandi Patty !at never ko ding inagaw si Cloud sayo!alam mo Patty walang gusto si Cloud sa akin!at alam kung ikaw lang yung babaeng gusto nya!" Sigaw ni Pathris habang umiiyak.

"Sana nga Pathris !pero ano? ikaw ang kinampihan nya nong araw na nag away tayo!"Sigaw din Patty,syempre sino ba naman ang kakampihan e siya ang unang nagsabunot kay Pathris.

"Oo ako nga ang kinampihan nya dahil alam nyang nagsasabi ako ng totoo!at hindi katulad mo na sinungaling!"Sabi ni Pathris at agad syang sinampal ni Patty.

"Tama na patty!kami na nga tong kinidnap mo!nanakit ka pa! nakakabwesit kang babae ka, you know, Patty, the only thing Kuya really doesn't like in a woman is the liar, bad and most of all flirtatious like you! if Kuya doesn't want you anymore! don't force him , if he doesn't want you anymore, accept that kaya ayaw na ni Kuya sayo dahil sinungaling ka! "I told her and she stopped slapping Pathris and she came to me and suddenly she slapped me really hard left and right, if I get revenge on you Patty I will destroy  your face.

"Tumahimik ka, isa ka na rin!" Sabi niya sabay turo sakin.

"Patty pwede ba!pakawalan mo na kami!"Sigaw ni Pathris.

"Hindi pwede path!papatayin pa muna namin kayo!bago namin kayo pakawalan!" Sagot niya at tumawa ng malakas.

"Wala kang kasing sama Patty!hayop ka!"Sigaw ko din sa kanya,at pinilit kong hubarin ang nakatali sakin.

"Boys, halika kayo dito!pahirapan nyo nga tong dalawang babaeng to! nakakabwiset na e!" Tawag niya sa tatlong lalaki at agad naman kaming kinuha ng mga lalaki at itinali malapit sa pinapabukalang tubig.

A Journey Through PainWhere stories live. Discover now