Chapter 19

14 11 0
                                    

JEFFERSON CLOUD POV.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagdrawing kasi ako ang boring e tsaka break na rin kami ni Patty. At mga ilang minuto pa ay nagring ang telepono kaya sinagot ko ito.

"Yes?sino to?" Kalmadong tanong ko.

"Anak ?It's me ,your Mom. " She replied like what the heck.

"Don't call me anak because I'm not your son, akala ko ba nakalimutan niyo na kami?" Kalmadong tanong ko, ayaw kong magalit sa ngayon.

"Nak?never ko kayong makakalimutan kaya nga minsan lang kaming makatawag ng Dad mo because we're busy. " Sagot niya.

"Really Mom? 8 years niyo kami iniwan, 8 years din kayong wala sa tabi namin pag kailangan namin kayo, sabi mo you're busy of your work? and then, Mom ni kahit isang libo di kayo nagpadala ng pera, kami na mismo ni Zairey ang nagtrabaho but now, you don't need to worried dahil okay na ang buhay namin and hindi ka namin kailangan."  Sabi ko habang pinigilan tumulo ang mga luha.

"Anak?sorry if di namin kayo naalagaan, importante din kasi ang work na to e." Sabi nya, wala talaga syang pake sa amin kahit kailan.

"Mom?alam mo bang lagi kaming nag away ni Zairey ?nagkaganito yung mga ugali namin dahil kulang kami sa pagmamahal ng mga magulang! " Sagot ko habang umiiyak.

"Cloud!wag na wag mo kong sagot sagotin ng ganyan ah!napakawala mong respeto!" Sigaw niya din sa akin.

"Kayo din naman Mom, mga wala kayong kwentang magulang!iniwan nyo kami dahil sa work nyo at di ako papayag na uuwi pa kayo o magpapakita pa samin!" Sigaw ko sabay hagis ang telepono.

Sobrang sakit lang kasi e minsan lang sila nagparamdam sa amin, iniwan nila kami at di na binalikan mas pinili pa nila ang work kaysa sa amin napakawalang kwenta nila.

" Kuya? si Mom ba yun? " Tanong niya at paglingon ko ay si Zairey pala ito.

"Oo." Maikling sagot ko.

"Uuwi na ba sila?" Tanong niya habang may ngiti sa kaniyang labi at tinalikuran ko nalang siya.

"Wa'g ka ng umasang uuwi pa sila,dahil ayaw ko na ding makita ang mga pagmumukha nila!" Galit kong sagot sa kanya at nawala naman ang kanyang ngiti sa kanyang labi.

"Kuya wa'g ka namang ganyan kila Mom." Sabi pa niya.

"Bakit? ilang taon na nila tayong iniwan Zairey! at ilang taon na din silang walang pake sa atin! at parang di nila tayo mga tunay na anak dahil iniwan tayo ng basta basta lang!" Galit kong sabi sa kaniya at na tahimik naman siya.

"Kahit ganon Kuya, mga magulang parin natin sila! gusto kong umuwi na sila dito, gusto kong mabuo ulit ang pamilya natin, kasi gusto ko din na magkaayos na rin tayong dalawa kasi lagi nalang tayong nag aaway! alam kong nagalit ka sa akin dahil sa kanila! kasi sinisi mo lahat sa akin! " Sigaw niya habang umiiyak kaya di nalang ako sumagot at hayaan nalang siya.

A Journey Through PainWhere stories live. Discover now