CHAPTER 6

5 0 0
                                    

CHAPTER 6


     Kararating lang ng kanilang bahay si Vyonne, pasado alas nuebe na. Alas syete ang pasok niya sa school ngunit hindi siya pumasok. Hindi siya dumiretso sa bahay nila Fate. Pagkaalis niya sa park kagabi ay umuwi siya sa bahay at kinuha ang kotse niya at nagtungo sa bar.

     Nilunod niya sa alak ang sarili niya para makalimutan ang nakita niya kagabi. Sobra siyang nasaktan sa nasaksihan niya kahit alam niyang di sila ni Fate ay apektado pa rin siya. Alam niya sa sarili niya na kahit umamin na si Fate na may nararamdaman din ito sa kanya ay malabong maging sila ni Fate dahil alam naman nito na pinapahalagahan din ni Fate ang pagkakaibigan nila.

***************

SOMEONE'S POV

      Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng makarating kami ng pinsan ko dito sa Pilipinas. Galing kami ng New York dahil dun kami nakatira but we're staying here for good. May bahay naman kami dito kaya hindi problema ang titirahan namin. Pinauwi kami dito ng parents ni Keith dahil nagkaroon daw ng problema sa company namin. Hindi ko nga alam kay tita kung anong problema, wala pa naman kaming masyadong alam pagdating sa pagpapatakbo ng company.

     Dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga. Ito kasing pinsan ko. Pagkadating na pagkadating namin dito sa Pilipinas, kinabukasan inaya akong magshopping. Actually isang linggo na kami dito at puro gala ang inaatupag nitong pinsan ko.

     Oh by the way! I'm Andrea Lei Agustin, Andy for short but Keith use to call me Ands. I'm a lesbian. Hindi ko kailangang itago kung sino ako. Basta tanggap ako ng family ko, sapat na sa akin yun at isa pa wala akong ginagawang masama so why do I need to hide it?

      I'm proud of what and who I am. 4th year student. I'm taking up Business Administration under Marketing Management because soon kami ng pinsan ko ang magpapatakbo ng company namin.

      Lumaki ako sa New York pero marunong akong magtagalog dahil yun sa tita ko, mama ng pinsan ko which is kapatid ng papa ko.

     Ulila na akong lubos dahil namatay ang parents ko dahil na rin sa business. Yung kapatid ko naman namatay DAW nung 7 years old pa lang kami. Sila tita na ang tinuring kong pamilya mula noon at sila din ang nag take over sa kumpanya namin.

     Gabi na at andito ako ngayon sa kwarto ko para magpahinga dahil napagod ako sa kakulitan ng pinsan ko. Pagkahiga ko ay siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa non ang pinsan kong si Keith.

     Nagtulug- tulugan ako para hindi na niya ako kulitin, good thing at nakapatay ang ilaw kaya walang kailaw ilaw dito sa kwarto ko maliban sa liwanag ng buwan na nagmumula sa aking bintana, ang kaso...

     "Hay nako Ands, hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo!. Mas mabuting tumayo ka na dyan at kakain na tayo. Nakapaghain na si manang Rosa. Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sayo pag hindi ka pa kumilos dyan di ba!?" Sabi niya sa akin. Naku naman. Nagsisimula na naman siyang maging halimaw!!

     "Oo na!, babangon na po ako." sabi ko, at saka napilitang bumangon, ayokong makitang magalit tong taong to mamaya kung anong gawin sa akin. Naalala ko lang yung time na may bumastos na lalaki sa kanya nun nasa New York pa kami. Sa galit niya ayun bugbog sarado yung lalaki at ilang linggo dun sa hospital. tsk. tsk. tsk. Padalos-dalos kasi eh kaya ayun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till we meet AGAIN (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon