CHAPTER 2
VYONNE P.O.V
Kala ko talaga puputok na yung ulo ko sa sobrang dami ng knowledge na nailabas ko dahil dun sa napakahabang quiz namin kahapon.Mabuti na lang talaga at natapos ko yun sagutan lahat kaso nga lang ay alanganin din ako sa mga sagot ko.
Halata din naman sa mukha ni Fate kahapon na mukhang hindi siya sigurado sa sagot niya.
"Kaya sure naman ako na tutulungan mo ako, di ba Vyonne?" Dinig kong tugon ni Fate sa gilid ko kaya naman nabalik ako sa kasalukuyan.
"May sinasabi ka?" Tanong ko kaya agarang tumaas ang isang kilay niya saka akma akong hahampasin, mabuti na lang nakailag ako.
"Alam mo bingi ka talaga, kanina pa ako salita ng salita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig!" Mahabang sambit nito saka ako biglang hinampas na hindi ko na naiwasan pa.
"Sadista!" Sabi ko pagkatayo ko habang hinihimas yung braso kong hinampas niya.
"Yan napapala mo, bingi ka kasi! Baka gusto mong dagdagan ko yan." Saad nito
"Ayoko! Tsaka hindi naman ako bingi no, may iniisip lang. Ano ba kasi yung sinasabi mo ha?" Tanong ko saka dahan dahan na akong umupo para kunwari makinig sa sasabihin niya
"Yun na nga! Dahil ako ang president ng section natin eh naatasan kasi akong magdecorate sa gym dahil may darating daw tayong bisita eh kulang kami ng tao kaya sana kung pwede eh tulungan mo kami." Sambit nito saka ngumiti ng malapad sa akin. Yan na naman siya sa puppy eyes niyang yan. Kaya mas lalo akong nahuhulog sayo dahil dyan sa lintik na matang yan at pamatay mong ngiti eh. Hayy!!! Kailan mo ba mapapansin na may nararamdaman ako sayo Fate.
"Oo na! Oo na! Sige na tutulong na ako. Kung hindi ka lang malakas sa akin eh." Napipilitan ko kunwaring sabi.
"Maraming salamat sayo bestfriend! Kaya love na love kita eh. Alam kong hindi mo matatanggihan ang charm ko hahahahaha!!!! Napayakap naman siya sa akin dahil sa tuwa.
Yah! That's me. Raechelle Vyonne Trish G. Sarmiento, ang dakilang best friend ni Jhenzelle Fate. Hayy!!
Sa totoo lang I'm a lesbian at kung idedescribe ko ang sarili ko, two words are enough--- TOTALLY BOYISH 😑 at matagal na akong may gusto sa best friend ko since nakilala ko siya, love at first sight ika nga.
Kaya nga ginawa ko lahat ng best ko para lang mapalapit sa kanya and to think na napakadesperado ko na yata nung time na tinakot ko siya na tatalon ako from 3rd floor ng school building pag hindi siya pumayag na maging magkaibigan kami.