CHAPTER 5

4 1 0
                                    

CHAPTER 5

JHENZELLE FATE POV

     Tiktilaok!!! Tiktilaok!!!
     Tiktilaok!!! Tiktilaok!!!

     Ay bwisit na manok na yan, kung saan lupalop man ng Pilipinas nanggaling yan. Sarap pasabugan ng missile bomb!!!

     Tiktilaok!!!

     Bigla akong bumangon at hinanap ang salarin ng pagkawala ng antok ko...

     Tiktilaok!!! Tiktilaok!!!

     At ayun!! Nakita ko ang phone ni Vyonne na umiilaw at tumutunog pa rin hanggang ngayon.

     Napasulyap ako sa wallclock na nakasabit malapit sa pinto ng kwarto ko, nakasaad do'n na ang oras ay 12:50 am na.

     Problema ng taong to? Mag-aalarm ng dis-oras ng gabi, aba matinde!! Kahit kailan talaga, tsk.tsk.tsk. Topakin talaga tong taong to. Ano naman kaya natira ng taong to at nag-alarm?

     Bumangon ako para kunin yung phone ni Vyonne para patayin dahil hanggang ngayon ay tumutunog pa rin. Nakakairita na kasi, kaya lang nagulat ako dahil hindi pala alarm ang sanhi ng tunog kundi isa pala itong tawag, unregister number.

     Gigisingin ko na sana si Vyonne kaya lang nagcall ended na ito so hindi ko na tinuloy ang paggising sa kanya.

     Inilapag ko na ang phone ni Vyonne sa ibabaw ng lamesa na katabi lang ng kama ko. Magkatabi kaming natulog ni Vyonne dahil maluwang naman ang kama ko, nasa kaliwang bahagi siya katabi ang study table ko samantalang nasa bandang kanan naman ako.

     Pagkalapag ko sa phone ay nagtungo na ulit ako sa higaan upang ipagpatuloy ang naantala kong tulog ngunit ng akmang hihiga na ako ay muling tumunog ang phone niya.

     Sa inis ko ay agad kong kinuha ang phone niya at sinagot ang tawag

     "Hoy ikaw--!! Naputol agad ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita

     "Musta ka na Vyonne?" Narinig kong sabi sa kabilang linya. wow ha! Infairness napakahusky ng boses niya pero teka ako lang ba o talagang malungkot yung boses niya but wait sino ba ito at bakit niya kinukumusta si Vyonne. Hindi naman kaya ex niya to? May tinatago tong matakaw na to sa akin ah.

     I know ever since we're 1st year na she's not straight. Halata naman sa kilos niya eh. Kaya nga pinipilit ko syang magpakagirl noon dahil...... yun nga nahuhulog na ako sa kanya. Pero this time okay naman na kami.

     Iba lang kasi talaga pakiramdam ko noon pag lumalapit siya sakin with her boyish look, lalo na nun inimbitahan niya kong manood ng game nila sa basketball. I don't know what is happening to me that time. But one thing is for sure that every time na nagtatama ang aming mga mata, I always feel butterflies on my stomach. Maybe nasa in denial stage pa ako that time.

     "Kumusta na, pwede ka bang makipagkita sakin ngayon sa park please. Gusto lang sana kitang makausap. Maghihintay ako." Nabalik ako sa reyalidad ng muli siyang magsalita then after that pinatay na niya yung tawag.

Till we meet AGAIN (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon