chapter 7

618 30 21
                                    

Zoe pov

Sa sobrang gulat ko ay bahagya kong naitulak si Cloud ng makitang si kuya Zin ang nasa harapan namin.

"Ku-ya, 'yong nakita mo, wala lang 'yon! Meron kase akong dumi sa mukha kaya ano..... ahm....kase ano...... tama..... napuwing kase ako," gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa mga nasabi kong salita.

"Tsk. May dumi ? tapos napuwing? Oo na lang Trishe," ngising sabi ni kuya Zin.

"Hindi naman natuloy iyong halik, ehh," biglang lumabas sa mga bibig ko at  nakita ko kung pa'ao ngumisi si Cloud habang nakatingin sakin.

"Fine, sorry kung naistorbo ko kayo. I just wanted to ask you about something but never mind.  Sige na at ipagpatuloy niyo na kung ano man ang naudlot," sabi ni kuya Zin bago tumalikod sa amin.

"Kuya!" Inis na sigaw ko pero kinawayan niya lang ako at umalis na.

Halos hindi ko matingnan si Cloud dahil sa kahihiyang nagawa ko ngayong araw.

Shit! Nakakahiya

Shit! Ngayon ko pa lang siya nakilala tapos halik na agad ang mamgyayari! Bakit ba gan'to huhuhu!

"Nahiya ka pa, sige labas mo lang 'yan." biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tang*na, nakakahiya mga pinaggagawa ko ngayong araw, aghhhhhh!!" inis na sigaw ko at bahagya pang sinasabunutan ang buhok ko.

"Yeah, nakakahiya nga," natatawang sabi ni Cloud kaya halos samahan ko siya ng tingin.

"Kasalanan mo to ehh! Sana hindi ka muna bumalik nung umalis ka edi sana prepared ako kung magkita man tayo kinabukasan!" inis na sabi ko sa kaniya pero hindi ko naman siya sinisisi kumbaga inaalis ko lang ung hiyang nararamdaman ko sa kaniya.

"Ako pa huh? Sino kaya sa'tin ang nagclaim na jowa ko?" biglang tanong niya at unti unting lumapit sakin .

"Ba-kit ka lu-ma-lapit?" Nauutal na tanong ko sa kaniya pero seryoso lang siyang lumapit at pinantay ang mukha namin.

Natikom ko ang bibig ko at tinitigan ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit may sariling isip ang mga kamay ko ng mapagtanto kong hinahaplos ko na ang mukha niya.

Wala siyang sinabi dahil nanatili lang siyang nakatingin sa mga mata ko, kung gano kabilis ang oras ganun din kabilis ang tibok ng puso ko.

"I'm not expecting to see you again but when I saw you earlier I felt happy, and God knows how I wanted to know why." biglang sabi niya pero patuloy lang sa paghaplos ang kamay ko sa mukha niya habang pinapakinggan siyang magsalita.

"I don't know why I feel secured in your arms. I'd never felt it before and I'm scared that someday I'm gonna regret everything," mahina ngunit seryosong sabi ko.

Napangiti ako ng mahaplos ko ang labi niya tyaka nag angat ng tingin sa kaniya.

"We have the same shape of lips," nakangiting sabi ko sa kaniya at medyo nagulat pa ko ng haplusin niya rin ang pang ibabang labi ko pero nanatili ang mga init na titig niya sakin.

"A-huh, and I want to know also if your lips have the same taste like mine." biglang sabi niya.

Shit! What was that Trishe?

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa intense ng mga salitang sinasabi niya isabay pa ang mga init ng titig niya sakin.

"Want an answer?" Biglang tanong ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit pagdating sa kaniya ay sobrang gaan ng loob ko.

Revenge Of love (Heartache Series 1) Completed Where stories live. Discover now