chapter 1

2.7K 73 65
                                    

Zoe pov

"Hindi!! Please, maawa ka!! Wagggggg!!!" Napabangon ako sa higaan ko dahil sa panaginip na iyon.

Same nightmare that keep appearing in my dream every night. I can't help but to cry and hugged myself because of so much fear.

Parang kelan lang normal na tao lang ako, pero ngayon halos takot na ako sa lahat dahil natatakot ako na bak------------

"Ma'am Zoe, pinapatawag na po kayo ni sir Zian sa baba," rinig kong sabi ni manang.

Inayos ko ang sarili ko at kinatok ang pinto bilang senyas na 'cge', halos wala akong ganang nagbihis at lumabas sa kwarto ko.

Habang pababa ako ng hagdan ay natanaw ko na ang daddy ko na nagbabasa ng dyaryo habang inihahanda naman ng mga maid ang dinner namin.

"What do you want?" Cold kong tanong sa kaniya ng makalapit ako sa mesa.

Kita ko kung pano niya unti unting binaba ang dyaryong binabasa niya at tumingin sakin.

"Sit down." Ma-awtoridad na sabi niya sakin, inirapan ko naman siya at padabog na umupo.

I'm Zoe Patrishe Montenegro, ang bunsong anak ni Zian Montenegro at ako ang tagapagmana ng lahat ng ari arian niya.

"You're going to transfer in our school Trishe." biglang sabi niya, kaya halos makuyom ko ang kamay ko.

"I . don't. want. to." Madiin na sabi ko sa kaniya, dahil hinding hindi ko iiwan 'yong buhay na meron ako sa school ko ngayon.

"Whether you like it or not Trishe, you will go, dahil ako ang ama mo kaya ako ang masusunod." Madiin na sabi niya, kaya halos matawa ako sa mga narinig ko.

"Seriously!! Ikaw naging ama? Sa'kin?" Natatawang turo ko pa sa sarili ko, "Kailan pa? Hindi yata ako nainform." Ngising sabi ko sa kaniya at galit na tinignan siya.

"Anak." biglang sabi niya * bakit ang sakit? * , kaya wala pa man ay nangingilid na ang luha ko kaya tumayo na ko at tinalikuran siya.

'"Ngayon na nga lang kayo umuwi, ganiyan pa ang sasabihin niyo." Mapait na sabi ko sa kaniya at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto.

Hindi ba pwedeng kamustahin man lang niya ko?

Sana tinanong man lang niya kung okay lang ako.....

Saktong pagkahiga ko ay may tumawag sa cellphone ko, medyo nangilid ang luha ko ng nakita ko ang pinsan / bestfriend ko.

"Hello Trishe," rinig kong sabi niya, kaya humiga ako at niyakap ang unan ko.

"Umuwi si daddy, akala ko kaya siya umuwi dahil gusto niya, iyon pala meron siyang ibang pakay," mapait na sabi ko sa kaniya, hindi siya nagsalita pero alam kong pinapakinggan niya ako.

"Alam ko naman kasalanan ko ang lahat eii," sabi ko sa kaniya at doon tumulo ang mga luha ko.

"Wala kang kasalanan Trishe," seryosong sabi niya kaya umiling-iling ako bago ipinikit ang mga mata ko.

"Pero ako iyong puno't dulo ng lahat nang nangyari Zein. Ako ang dahilan kaya ang dating masayang pamilya namin ay bigla na lang naging ganito," hindi ko na naiwasang hindi umiyak dahil sa kaniya ko lang inilalabas lahat ng nararamdaman ko dahil alam kong siya lang ang nakakaintindi sa'kin.

Revenge Of love (Heartache Series 1) Completed Where stories live. Discover now