chapter 2

1.1K 56 46
                                    


Zoe pov


Nakaupo lang ako sa gilid ng pool para magpahinga at nakangiting pinapanood sila kuya Zin at Zein na nagaasaran.

Nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa'kin si kuya Zack at umupo sa gilid ko. Ramdam ko agad ang pag-aalangan niya na magsalita. 

"I miss them kuya Zack," malungkot na sabi ko bago ko naramdaman ang akbay niya sa magkabilang balikat ko dahilan para maisandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila kaming iwan. Wala akong maintindihan kung bakit kami humantong sa ganitong sitwasyon," ramdam ko ang pagkirot sa puso ko dahil sa nangyayari sa buhay ko.  Nanatili lang naman siyang nakikinig sa mga sinasabi ko at hinahayaan na maglabas ako ng saloobin.

Kahit na kita ko pa ring nagtatawanan sila kuya Zin ay napapangiti pa rin ako dahil naalala ko 'yong mga bagay na ginagawa rin namin dati. 'Yong mga bagay na alam kong hanggang ala-ala na lang talaga.

"It's really hurts kuya Zack, knowing na pag uwi ko ay sasalubong sa'kin iyong tahimik at malungkot na bahay namin. Bakit kase---" hindi ko na kayang tapusin lahat ng sasabihin ko dahil nagsipagtuluan na ang mga luha ko.

Pinikit ko 'yong mga mata ko at bahagyang isinubsob ang mukha sa bandang dibdib ni kuya Zack dahil pakiramdam ko na anytime lang ay mapapahagulgol na ako. Ramdam ko ang marahan niyang  paghaplos sa buhok ko na mas lalong nakapagpaluha sa akin.

Dahil na rin siguro sa mga nangyayari ay naipon-ipon lahat ng sakit na nararamdaman ko kaya kusang nagsipagtuluan ang mga luha ko.

Kailan ba ako hindi iiyak?

Luha na sumisimbolo ng sakit, luha na hindi dahil masaya ka kundi luha dahil sa kalungkutan at pangungulila.

"Gusto ko na silang makasama ulit, mayakap at mahalikan kuya Zack pero pa'no? Pa'no ko gagawin iyon kung wala na sila?" umiiyak na tanong ko kay kuya Zack habang mahigpit ang kapit sa braso niya.

Ilang sandali lang ay  ramdam ko ang presensiya ng kung sino sa harapan namin. Hindi ko na kailangang magmulat ng mga mata dahil alam ko na agad kung sino sila.

"Trishe," sabay na tawag ni Zein at Kuya Zin pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko at hinahayaan na umagos ang mga luhang wala na yatang katapusan.

"Malulungkot sila kapag nakita ka nilang nagkakaganiyan," biglang sabi ni kuya Zin.

Bahagya akong napamulat at dumiretso ang titig ko sa kaniya. Malungkot silang nakatingin at nakatayo sa harapan ko. Alam ko na kahit anong pag-aalo nila sa akin ay hindi pa rin mabubura n'on ang katotohanan na kasalanan ko lahat.

Napanguso ako habang umiiyak na nakatingin sa kanila. "Ginawa naman na natin ang lahat pero bakit wala pa sila? Kung sana hindi ko na lang--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang naglahad ng kamay si kuya Zin sa'kin.

Alam ko na minsan niya lang gawin 'to dahil siya 'yong tipong tahimik pero pagdating sa'min ay napakacaring niya. Zein is so luck to have him as his older brother and I know I am lucky too because he's my cousin.

Dahan dahan kong inabot at hinawakan ang kamay ni kuya Zin bago umalis sa pagkakasandal kay kuya Zack at medyo lumapit ako sa kanila at doon ko pinatong ang noo ko sa balikat ni kuya Zin.

Rinig ko ang buntong hininga niya at marahang paghaplos sa buhok ko. "It's not your fault Trishe. Don't worry magiging maayos rin ang lahat pero lagi mong tatandaan na hindi mo kailangang harapin ang lahat ng 'to ng mag-isa dahil nandito kami. Hindi ka namin papabayaan," sabi ni kuya Zin kaya doon ako mas lalong naiyak dahil pakiramdam ko sila lang talaga 'yong mga taong hindi ako sisisihin sa lahat. Ibang-iba sa tratong ibinibigay sa akin ng daddy ko.

Revenge Of love (Heartache Series 1) Completed Where stories live. Discover now