CHAPTER 7
BAGUIO
GM's Pov
Sir GM gising ka na raw sabi ng daddy mo....GM gising ka na riyan,,,, sabi ulit
Mamaya pa po, 5 minutes,,,, sabi ko habang nakapikit parin
Gusto mo bang maiwan dito?,,, tanong niya
Anong oras na po ba?,,,, tanong ko habang nakapikit parin
Tsaka ang aga-aga palang naman po,,, sabi ko
6 a.m. na kaya, kanina ka pa pinapagising ng daddy mo,,,, sabi niya, kaya napamulat ako at bumungad sa akin ang nakapamaywang na matanda este si Manang Cora
Kaya gumayak ka na riyan kong ayaw mong maiwan,,, sabi ni Manang
Si manang talaga, inaantok pa ako,,, reklamo ko habang kumakamot sa ulo ko
Bakit nagpuyat ka na naman ba kagabi, baka gusto mong isumbong kita sa daddy mo,,,, banta ni manang
Tsk.... wala naman po akong ginagawa, kausap ko lang po si Tito ninong kagabi,,,, sabi ko
Kahit na nagpuyat ka parin,,,, sabi ulit ni Manang
Si manang talaga, sige po gagayak na po ako,,, sagot ko, tsaka ako umupo muna at humikab, pero tinitingnan lang ako ni Manang
Sige na po, Manang susunod na po ako mamaya,,, sabi ko
Ok sige,,,, sabi ni Manang tsaka siya lumabas ng kwarto
Dumiretso na ako sa banyo para maligo, baka bumalik pa si Manang Cora mahirap na
...........
Pagkatapos kong magbihis ay inilagay ko na ang laptop at camera, pati narin yong cellphone at earphone ko sa may bag pack ko, tsaka ko na inilagay sa likod ko yong bag ko, at kinuha ko narin yong maleta, tsaka ako lumabas dala dala yong gamit ko
At nakasalubong ko naman si Daddy
Oh kumain ka na ba?,,, tanong ni Daddy
Ah hindi pa po,,, sabi ko
Sige ako na ang magdadala ng mga dala mong gamit, at pumunta ka na sa dining at kumain,,, sabi ni Daddy
Ok po,,, sabi ko, tsaka ko ibinigay yong mga dala kong gamit
Kaya tulad ng sinabi ni Daddy ay dumiretso ako sa dining saktong may nakahain nang makakain, as usual corned beef at itlog ulit yong nakahain, kaya kumain nalang ako
Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa kwarto ko, baka kasi may nakalimutan akong dalhin, alam niyo na baka mabadtrip lang ako sa baguio kapag may nakalimutan akong dalhin
Jian's Pov
Kasalukuyan kaming bumabyahe papuntang Baguio
Daddy maganda ba yong rest house nila tito Joshua doon?,,,, tanong ng makulit kong anak
First time niya kasing pumunta sa baguio kaya parang excited
Oo naman,,,, sagot ko
Sige na matulog ka muna, gigisingin nalang kita kapag nandoon na tayo,,, sabi ko
BINABASA MO ANG
The Lost Memory
Teen FictionPart 2 of My Secretary is A Secret Boss ................ Sabi nila kapag may umaalis, may mga taong dumarating, kung may mga nawawala, may muling magbabalik, ang kailangan mo lang gawin ay maging handa sa lahat ng mga mangyayari at huwag magpaiwan s...