Chapter 60

311 13 2
                                    

Chapter 60


Princess/Jade Pov

Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ng mommy at daddy ko, dahil tumakas ako sa hospital kung saan may nakabantay sa akin.
Dumaan ako sa may bintana ng room ko, buti nalang naaalala ko pa yong training ko noon, sa pag-akyat at pagbaba ng building, kaya nakatakas ako sa hospital


Mas lalo lang hindi ako makakagagalaw kong nandoon ako

Matagal na akong hindi nakakadalaw dito, pero ang nakapagtataka, sino kaya ang naglilinis dito, dahil natrim ang mga damo sa paligid ng puntod ni mommy at daddy, tsaka may nakalagay dito na bulaklak, baka noong isang araw lang ito inilagay dahil hindi pa masyadong lanta ang mga bulaklak



Humiga ako sa pagitan ng puntod ni mommy at daddy, habang nakatingin ako sa langit


Mommy, Daddy, pasensya na po kung ngayon lang ako napadalaw, pasensya po kung nakalimutan ko ang promise ko sa inyo, I'm sorry,,,, bulong ko


Pero dahil bumalik na ang alaala ko, pagbabayarin ko siya,,, sabi ko, nang humangin ay napapikit ako




Miss, bawal pong matulog dito,,,,, sabi ng kung sino, kaya napamulat ako, at bumangon narin


Pasensya na po, dinadalaw ko lang ang mga magulang ko,,,, sabi ko


Magulang po, sigurado po ba kayo?,,, tanong ni kuya

Ako nga po pala ang naglilinis dito,,,, sabi ni kuya, at tumango ako



Oo naman kuya,,,, sagot ko



Bakit po, may problema po ba?,,, tanong ko



Ah eh... wala po, ngayon ko lang po kasi kayo nakitang dumalaw dito,,,, sabi niya



Naging busy po kasi ako,,, sabi ko, pero nakikita ko parin sa kaniyang mga mata na hindi siya naniniwala, dahil siguro sa suot ko, dahil nakasuot parin ako ng hospital dress

Kaya tumayo na ako


Sige po, kuya aalis na ako,,, sabi ko, tsaka na ako umalis

Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, buti nalang walang mapaghusgang mga mata dito, baka dukutin ko lang ang mga mata nila




Paano kaya ako makakapunta sa mansyon


At nang may biglang tumama sa ulo ko, kaya napahawak ako sa ulo ko, at napatingin ako kung sino ang bumato sa akin


Ahhahahaha, baliw,,, tawa ng mga bata


Sige batuhin niyo pa, ah baliw, ah baliw hahahaha,,,, sabi nila

Wala akong ibang ginawa kundi tumakbo, dahil hindi ako pumapatol sa mga bata



Beep.... beep....

Busina sa akin kahit na nasa gilid na ako ng kalsadang tumatakbo, kaya napahinto ako upang tingnan kong sino yong bumubusina



Ano ba miss Princess kanina pa kita binubusinahan, parang hindi mo naririnig,,, sabi ng lalaking driver



Kilala mo ako?,,,, tanong ko


Oo,,, sagot niya, kaya napakunot noo ako


Papaano?,,, tanong ko


Mabuti pa, sumakay ka na Miss Princess at ipapaliwanag ko sayo ang lahat,,,, sabi niya


Kaya hindi narin ako nagdalawang isip na sumakay sa kotse niya, hindi ko siya kilala, pero pamilyar siya






The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon