Chapter 14: Dalhia

403 9 0
                                    

CHAPTER 14

DALHIA

GM's Pov

Seryoso po ba kayo at dito na po tayo pupunta?,,, nakakunot noong sabi ko kay tita

Oo naman,,, nakangiting sabi ni Tita

Parang lahat ata ng excitement ko kanina biglang nawala at napalitan nang pagtataka

Kasi naman sa game shop kami huminto ni Tita malamang puro computer lang nasa loob niya, eh hindi naman ako masyado naglalaro ng mga online games dahil pinapagalitan ako ni Daddy dahil masisira raw ang aking mata

Halika na, sigurado akong mag-eenjoy ka rito,,, masayang sabi pa ni Tita, tsaka siya lumabas ng kotse, kaya napahinga nalang ako ng malalim

Mukha nang mabobored lang ako tita,,,, bulong ko

Bilisan mo GM,, sabi ni Tita na nag-aantay sa labas

Opo,,, sabi ko, tsaka ako lumabas

Tsaka nagsimulang naglakad si tita, pero bakit ganon hindi papasok sa game shop


Oh, ayaw mo bang sumama?,,, tanong ni Tita

Ah... eh... tita saan ba tayo pupunta?,,,, tanong ko

May bibilhin lang tayo saglit,,, sabi ni Tita

Ah ok po,,,, sabi ko

Sabi ko nga hindi kami pupunta doon, kaya sumunod nalang ako kay tita, hanggang sa pumasok siya sa isang shop

A flower shop?

Sumunod nalang ako

Goodmorning ma'am and sir, welcome to Sunshine Flowershop kung saan May araw ang bulaklak niyo,,,,, maligayang bati ng staff

Goodmorning Sunnie,,,, bati ni Tita, tsaka siya nakipagbeso, mukha siyang binabae

Nandyan ba si Rose?,,, tanong ni Tita

Ah opo tawagin ko po ba?,,, tanong ni Sunnie

Ah hindi na puntahan ko nalang siya,,, sabi ni Tita

Oh Ms. Thiena at sino naman ito gwapong batang kasama mo?,,, tanong ni Sunnie nang makita ako

Ah anak yan ng bestfriend ng asawa ko,,, sabi ni Tita

Wow gwapo rin siguro ng tatay nito,,, masayang sabi ni Sunnie habang kinikilatis niya ang mukha ko

Tsk... pati ba naman bata pinapatulan mo Sunnie,,, sabi ni Tita

No, parang yong tatay niya ang type ko hehehe,,,, kinikilig na sabi niya

Baka bugbugin ka lang ng daddy ko kapag nakita ka niya,,, sabi ko

Ay ang harsh naman, but I like it,,, sabi ni Sunnie

Tsk... halika na GM,,, sabi ni Tita

Sige po, sunod na po ako kay tita,,, sabi ko, tsaka ako nagmadaling sumunod kay tita

At pumasok si tita sa isang silid at nadatnan namin ang isang babae na nag-aayos ng mga bulaklak


Long time no see, Rose,,, masayang sabi ni Tita, kaya napatingin yong babae sa amin

Oh Thiena long time no see,,, sabi ng nagngangalang Rose, tsaka sila nagyakapan

Ikaw talaga bakit ngayon ka lang ulit dumalaw dito,,,, sabi ni tita Rose, tsaka sila kumalas sa pagkakayakap

The Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon