Tirik na tirik ang araw ngayon sa site. Gustuhin ko mang kumain na ng tanghalian ay hindi pa pwede dahil may kliyente pa ako mamaya.
Abril ngayon at sa mga panahong katulad nito, gusto ko na lang bumalik sa pagiging estudyante. Kung siguro'y high school pa rin ako, nagbabakasyon pa rin ako sa probinsya kasama ang lola at kuya.
Nang dahil sa naisip, biglang nanikip ang dibdib ko. Tatakbo na sana ako papuntang opisina para makainom ng tubig ngunit bigla kong nakita si Lucas.
"Engineer! Halos magkalapit lang site natin pero sobrang bihira tayo magkita, ah?" natatawang panimula ni Lucas, kaklase ko noong kolehiyo. Ngumiti lang ako at umiling bilang sagot.
Ininspect ko lang ang trabaho ng bawat inhinyero sa site kaya ako nasa labas ng opisina. Tinakbo ni Lucas ang pagitan namin at saka ako inakbayan. Halos malaglag ang blueprint na hawak hawak ko sa 'king kamay.
Blueprint. Kinuha ako ng isang malaking kumpanya sa Manila, The Reyes Corporation, pagkatapos ko maipasa ang bar. Sa hindi malamang dahilan, bilib na bilib sila sa abilidad ko. At ngayon, bilang head engineer ng site, naatasan akong tanggapin ang pagtatayo ng isang ospital.
"Masyado mo namang pinapahalatang sabik na sabik kang makita ako," natatawa kong sambit.
Isa si Lucas sa mga sumubok manligaw sa'kin noong kolehiyo pa lang ako. Hindi ko pinaunlakan ang panliligaw niya sa kadahilanang hindi pa ako handa noong mga panahon na yon.
"Baka kapag umamin ako, matahimik ka na naman dyan," sabay tawa niya. Sinuntok ko na lang tagiliran niya at inalis ang kamay niyang nakaakbay sa balikat ko.
"Bahala ka na nga dyan," at saka nagmadaling pumasok sa opisina ko.
Nagmadali akong umupo at inilatag ang blueprint sa lamesa. Kinuha ko rin ang tumbler ko at uminom habang nakatingin doon. Kung ano mang dahilan ni Lucas at na naparito siya sa site namin ay hindi ko rin alam.
Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa blueprint na nakalatag sa lamesa. Blueprint 'yon ng bagong ospital na itatayo sa La Palma, ang probinsyang kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan. Naagaw ang atensyon ko nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.
"Engineer Chavez, sorry to disturb you but the clients have arrived na po," banggit ni Charlotte, one of the engineers in the site. Hawak ko si Charlotte at ang ibang engineers pa sa site na 'to.
"Thank you, a 'lotte?" pagbibiro ko sa pangalan niya.
Napayuko na lang siya at napahawak sa sentido na para bang inis na inis sa biro ko. Ibabato ko sana sa kaniya ang lapis na hawak ko nang pumasok ang mga kliyente.
Agad akong tumango upang ligpitin ang kakaunting kalat na naiwan sa mesa. Tutok na tutok ako sa pagliligpit para masimulan na namin ang meeting.
"No rush, Engineer Chavez," magiliw na sambit ng isang babae matapos sigurong makitang nagmamadali akong maglinis ng kalat.
I looked up just to see a petite girl in her beige bodycon dress with a chanel bag clinging on her left hand and a pair of white ankle strap heels. Naka-bun ang buhok niyang kulay itim.
Naagaw ang atensyon ko nang tumikhim ang isang lalaki sa gilid, dahilan kung bakit natigil ang pagsusuri ko sa babae. Why did I suddenly feel so conscious about myself? Oh god!
"I'm sorry for the short delay. You can all take your seats so we can start the meeting," I smiled at the two gentlemen and the lady in front of me and took the blueprint on my table.
I was about to start the meeting when someone suddenly opened the door... without knocking. How rude.
"I'm sorry for informing you late, Engineer Chavez, but your main client will be joining us today," said the petite lady.
I looked at the man, who just entered my office, in his navy blue dress shirt tucked in his black slacks with a pair of black leather shoes. His natural dark brown hair was damped and a bit messy.
Shocked, but I did not move, even an inch, right after seeing the man from my past.
Is this some sort of a coincidence? Or assuming lang ako? I looked at the petite lady, then the man in front of me. Are they together?
"Sure, I'm pleased to have you here, Mr. Palma," I smiled at him. He squinted first before smiling back.
"It's Dr. Palma now, Engineer Chavez," he shot back. Oh... right.
"Take a seat," ani ko at itinuro ang malapit na upuan sa kaniya.
Nagsimula na ang meeting at tila lahat sila ay nakikinig. Ibinahagi ko lahat ng opinyon at plano ko sa itatayong ospital sa La Palma. Malaking proyekto ito kaya hindi dapat ako maabala ng mga ligaw na alaala ng nakaraan dahil lamang nandito ang taong kasama kong buuin ang mga 'yon.
"Are we clear about all the changes and plans for La Palma General Hospital? Or you still have worries, opinions, or... suggestions in mind? We can still talk about it," I said before looking at my watch, "I still have time," I smiled.
"Buti at may oras ka nang pag-usapan ang mga bagay bagay ngayon," sambit ni Zio, na aroganteng nakaupo katabi nung babae. Nabaling sa kaniya ang tingin ko at sa gulat ay napatigil ako sa pag-rorolyo ng blueprint.
"Y-Yes, Dr. Palma. I also explain myself when I have to. I don't really like leaving people dumbfounded," I shot back, "So, as much as possible, send me all your concerns and we'll work it out," I smiled. I hate faking my smile but faking one wouldn't hurt a butt sometimes.
Nang wala silang naging problema sa diskusyon namin ay nagsi-alisan na ang tatlong kasama ni Zio, leaving only Zio and I in my office.
"Any more concerns you want to talk about, Doc?" I politely asked.
"I want you to work on my house in La Palma," he said.
"Which house? 'Yung luma ba?"
"No.. a new one," he arched his brows, as if I just asked him a dumb question. Right, baka pamilyado na at nangangailangan na ng bagong bahay. Pero bakit ako?
"Give me time to think about it. I'll e-mail you when I have the answer," I said, "Anything else?" I asked.
"Why?" He stood up and rolled up his long sleeves to his elbow. Lito, ngunit sinagot ko pa rin.
"Uh.. because I still need to check my workloads--"
"Why did you leave?" I was taken aback, didn't know how and what to answer.
-
Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
Summer's Heartbeat
RomanceHindi maiwasan ni Kaya ang magalak sa tuwa sa probinsya nilang kailanman ay hindi niya pa napupuntahan. Doon ay natutunan ng bata niyang puso ang umibig. She then found out La Palma wasn't just the place of her serenity, it was also the home of her...