Kung ano man ang gustong iparating ni Zio sa sinabi niyang 'yon ay hindi ko rin maintindihan. Ano 'yong hindi niya na pala dapat ginawa?
Pagkatapos kumain ng mga magkakaibigan ay bumalik sila sa talon at nagtagal nang kaunti bago magsipag-ligo at magbihis. The smiles on their faces show how happy they are today. Masaya rin ako ngunit ay may bumabagabag pa rin sa 'kin.
"Hindi pa tayo tapos! Pumunta tayo sa hacienda ng mga Palma para sa truth or dare!" sigaw ni Sebastian.
"Sure ka? Pumayag na ba si Zio?" tanong ni Vien.
"Oo, niyaya pa nga tayo nung nanay niya," pagpapaliwanag ni Seb. "Tara na! Tapos na ba kayo?" dugtong nito.
Lahat sila ay sumang-ayon sabay bitbit ng kaniya-kaniya nilang mga gamit. I took my bag and waited for kuya.
"Bilisan niyo, alas-syete ang paglubog ng araw! Maganda 'yon tignan sa dagat malapit sa hacienda nila Zio," pagmamadali ni Seb.
Nagulat naman ako dahil 6:28PM na. I'm a big fan of sunset. Sobra akong narerelax makita ko lang ang kulay na binibigay nito sa langit kahit saglit lamang. Isang mahiwagang mensahe lagi sa akin ang paglubog ng araw. Mawawari mo na kahit ang mapait na katapusan ay may taglay pa ring kagandahan. May mga hindi man kanais-nais na araw ang nagdaan o dumating, alam kong sa dulo ay hindi pa rin ito ganoon kasama.
"Kuya! Bilisan mo!" sigaw ko.
Hindi nagtagal ay sumakay na kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan at dumiretso na sa hacienda nila Zio. Siguro nga ay nung umpisa, hindi ako naniwalang laking La Palma si Zio ngunit sa mga nangyayari ay na-wari kong La Palma ang tahanan niya.
Napakamot tuloy ako sa ulo pagkatapos maalala ang nangyari noong una kaming nagkita. Sinabihan ko siyang baguhan kaya naman siguro ay nainsulto ito kaya ganoon na lamang ang naging tugon.
"Lalim naman ng iniisip mo, Kaya. Kung tinutulungan mo kaya ako magbuhat ng gamit," reklamo ni Kuya Cade na kinakarga ang mga pang-sapin mamaya.
"Gamit mo, bitbit mo," pang-aasar ko sa kaniya kaya naman ay nilagpasan ko siya at nagtungo sa direksyon kung nasaan si Noah kasama ang barkada.
"H'wag kang uupo mamaya ha!" narinig ko pang sigaw nito.
Tinignan ko ang paligid ngunit hindi ko pa rin makita ang hacienda malapit sa kinatatayuan namin.
"Nasaan tayo?" tanong ko pagkalapit kay Noah.
"Nasa hacienda nila Zio," sagot nito.
"Nasaan?"
"Ah! Maglalakad pa tayo patungo roon," turo niya sa mapunong lugar na hindi naman kalayuan.
"Gaano katagal tayo maglalakad?"
"Saglit lang, mga dalawang minuto. Hindi lang kita ang hacienda dahil maraming puno," pagpapaliwanag nito.
Tinanguhan ko lang siya at binalikan ng tingin si Kuya Cade na nasa tabi na namin.
"Wala pa sila?" tanong ni kuya sa mga kaibigan niyang kasabayan namin makarating dito.
"Si Zio siguro ay malapit na," sagot ni Ally na siyang balik ang atensyon sa cellphone.
"Sila Tristan, Aiden at Josh?" tanong pa ni kuya.
"Magkakasabay siguro 'yung tatlo," kibit-balikat na tugon ni Seb.
Hindi nagtagal ay dumating na sila Tristan at Josh. Magkasabay 'yung dalawa sa iisang sasakyan. Lumabas ang dalawa galing sa sasakyan at naglakad patungo sa amin. Lahat sila ay nakasuot ng shirt, ilan ay nakasuot ng khaki shorts at ang ilan naman ay naka-cargo shorts.
BINABASA MO ANG
Summer's Heartbeat
RomansaHindi maiwasan ni Kaya ang magalak sa tuwa sa probinsya nilang kailanman ay hindi niya pa napupuntahan. Doon ay natutunan ng bata niyang puso ang umibig. She then found out La Palma wasn't just the place of her serenity, it was also the home of her...