Six

19 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw ko rito sa La Palma. I spent a couple of weeks just touring myself around our mansion. Halos lahat na nga 'yata ay napansin ko, kahit ang bahay ng mga anay sa gilid ng bakuran. 

"Lola Yet, ako na ho ang mamamalengke," sambit ko pagkapasok ko sa silid ni lola.

May sakit siya ngayon at kahit na may mga kasambahay kami ay nagpasya pa rin ako, na ako na lang ang mamili.

"Kaya mo na ba Kaya? Magpahatid ka papuntang palengke ha. Hihintayin ka na lamang ng driver sa labas," nanghihinang tugon nito.

Pinakain ko na kanina pa si lola at pinainom na ng gamot. Kailangan niya na lang magpahinga at magpagaling. Nginitian ko na lang si lola at tumango bago ako tumungo papuntang palengke.

Walang naitutulong si kuya sa 'kin dahil kakatapos lamang ng school year nila at nagpapahinga siya. Magku-kolehiyo na 'to kaya naman naghahanda na rin siguro. Kahit bakasyon ay nag-aaral pa rin.

"Ate magkano ho ang kamatis?" nakangiti kong tanong sa tindera. I don't even know why I bothered asking. I have no knowledge about the prices of foods in markets!

"Kwarenta ang isang basket, hija," sagot nung tindera.

"Kwa.. Kuwaresma po? Ano ho?" nakakunot kong tanong sa kaniya.

Bigla namang natawa ang tindera. Tatanungin ko pa sana siya nang biglang may nag-abot ng dalawang papel ng twenty pesos sa harapan ng tindera. Pagka-lingon ko ay nakita ko si Zio.

The last time I saw him was when we went to their hacienda! Pinamulahan ako ng pisngi kaya naman napahawak ako sa magkabilang pisngi ko at umiwas ng tingin! What the hell? Why am i blushing?!

"Kwarenta. Makinig ka nga sa Filipino subject niyo," bulong pa nito kaya naman agad akong napalingon sa kaniya.

"Hey! Don't belittle my Filipino subject, 'no! I got ninety-five in that subject!" singhal ko pa sa kaniya, a bit offended.

"What's ninety-five in tagalog then?" hamon niya sa akin.

Napatingin ako sa tindera na ngayon ay naiiling-iling habang inilalagay ang perang binigay ni Zio sa belt bag niya.

"Ninety-five is.. uhm.. wait, okay! Wait!" nagmamadali akong mag-isip. Parang feeling ko anytime iju-judge niya na ko!

"Basic na nga, nag-isip pa," at binawi nito ang tingin sa akin.

"Oh bakit? Alam mo ba ha? Ang yabang nito!" singhal ko sabay kuha sa plastik ng kamatis na inaabot sa 'kin nung tindera.

"Siyamnapu't lima," simple niyang sambit.

"I already know that's the answer. I was just testing you," mayabang kong sambit. Alright! Ako na walang alam sa tagalog!

"Seriously? Why did you take the tomatoes? I paid for it," sabay agaw niya sa kamatis ko!

"That's mine!" hahablutin ko na sana 'yong plastik nang itaas niya ang kamay niya.

"I paid for it. Bayaran mo muna si ate ng kwarenta," napalingon naman ako sa tindera at nginitian ito.

"What's kwarenta po, ate?" nahihiya kong tanong. Narinig ko naman ang mumunting tawa ni Zio sa gilid kaya naman siniko ko ang tagiliran nito.

"Forty, ineng," nangingiting sambit ni ate. Nag-abot ako ng bayad bago niya ibigay sa akin ang isang plastik ng kamatis.

"Why are you still here?" tanong ko sa lalaking nasa gilid ko.

"Ano pang bibilhin mo? Mamaya madaya ka pa," at nilagpasan na nga ako.

Sinundan ko na lamang si Zio at naghanap pa ng bibilhin. I have the list of what to buy, si Zio naman ang nagtatanong at nagbubuhat. Taga-sabi lang ako ng kung anong bibilhin namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer's HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon