Three

22 0 0
                                    

Kinabukasan ay gumising ako ng bandang alas-syete. Hindi sinabi ni kuya kung anong oras kami aalis kaya naman ay inagahan ko na ang gising at para makapag-handa na ng susuotin para sa araw na 'to.

Pagkatapos akong inisin ni Zio kagabi ay bumaba kami ni Kuya Cade para kumain ng hapunan. Akala ko ay sasabay pa ang tatlo niyang kaibigan pero nauna na pala silang umuwi. Kaya na lang siguro ganoon kalakas ang loob ni Zio mang-inis.

I decided to wear a fitted baby blue Kyran dress matched with a pair of black Timberland boots. I don't really like tying my hair so I let my long and wavy hair hanging freely. We'll be swimming today, hence I decided to use my black Prada backpack to put all my things together inside, instead of using my pouch. I also got my Coach Kristina aviator sunglasses since it's summer. Hindi ako naga-accessory masyado, dahil lagi ko naman suot ang hikaw at kwintas ko.

Nag-lip balm lang ako at nag-sunscreen before going to Kuya Cade's kwarto to check on him.

Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nags-spray ng perfume niya at mukhang handa na. He's wearing a white boardwalk boardshorts matched with his red short sleeves button-down shirt. Naka-bukas ang mga butones nito at kitang-kita ang suot nitong black na sando sa loob. His hair was fixed and he's also wearing a gray nike air max 90.

Masyadong maarte, ayaw na lang bilisan kumilos.

"Let's go," aya ko sa kaniya. He only smirked before taking his Fila fanny pack.

"You're not going to swim?" I asked. Lumabas kami parehas ng kwarto niya at handa na bumaba.

"I will. Nasa sasakyan na mga gamit ko," tumingin siya sa 'kin bago ulit mag-salita. "Are you prepared?" he asked.

"Yes. I brought a cargo pants and spaghetti top," I said. Well, too much information for him but he doesn't really care.

"It's okay, kasama mo naman ako eh," he stated, as if he's comforting himself.

"They're your friends," I said, "No one's going to harm me for sure," I winked at him. He gave me a grin before talking back.

"You don't know my friends," he laughed. Umiling na lang ako at hindi na siya inintindi pa.

Pagkababa namin ay nadatnan namin si lola sa hardin na nagdidilig ng mga halaman. Agad siyang dumiretso sa direksyon namin para alalahanan kami bago umalis.

"Oh, mag-iingat kayo sa Sierra Falls. Delikado roon at baka kung mapaano kayo. H'wag kayong masyado mag-enjoy at baka mapaano ha," alalang sambit ni lola.

"Opo, 'la Yet. Sige na po at aalis na kami ni Kaya. Mag-iingat ho kayo rito," pamamaalam ni kuya bago bumeso sa matanda.

I did the same thing bago dumiretso sa sasakyan ni Kuya Cade. He's got his black Porsche Cayman when he just turned 18. Birthday gift yata nila mom and dad sa kaniya.

Umupo ako sa passenger seat at ipinatong ang backpack sa hita. Nasa compartment ang mga gamit ni kuya. I don't know who's going to bring the foods since niyaya lang din ako ni kuya.

Pagkapasok ni kuya sa sasakyan ay nagseatbelt agad siya at binuhay na ang engine.

"Who's going to bring foods?" I asked normally but then he started laughing.

"You'll see, you'll see," sambit niya. Anong nakakatawa sa tanong ko?

"Baliw," banggit ko, "I'll connect my phone sa kotse mo ha," tumango lang siya sa sinabi ko.

Nang i-plug ko sa phone ay ipinahinga ko ang ulo ko sa headrest at pumikit.

"Magpahinga ka na muna o matulog ka na muna kung gusto mo. Mahaba pa biyahe natin," narinig kong sambit ni kuya.

Summer's HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon