Two

29 0 0
                                    

"Talo ka pala sa katarayan ni Zio eh," pang-aasar pa ni Kuya Cade sa 'kin. Inirapan ko lang siya at umupo sa kama niya.

Nang lumabas si Zio kanina, natumba na nga si Sebastian sa kinau-upuan niya at halos gumulong na siya sa sahig kakatawa. Grabe naman ang kaligayahan ng isang 'to.

"Tangina, pare! Offer-an daw ba ng whisper si Zio eh!" at nagpatuloy siya kakatawa. I really think Sebastian haven't heard of a joke until now.

Si Aiden naman ay natatawang umiiling habang binabasa ang papel na kanina niya pa hawak.

Nang tawagin kami para kumain ng merienda ay bumaba kaming apat. I wonder where their weird friend is. I shouldn't be worrying about him, though. Naiinis lang ako sa pagiging mahangin niya. Akala niya ba ay ikinagwapo niya ang pagiging arogante?

"Oh, nandito na ang mga bata," narinig naming banggit ni Lola Yet, "Hali na kayo at may hinanda kaming merienda. May turon, pansit at ibang putahe sa baba," anyaya pa ni lola.

Tumungo agad ako sa hapag at tumabi sa kinau-upuan ni Kuya Cade. Lumawak ang ngiti ko nang makakita ako ng banana cue. Sobrang tagal ko nang hindi nakakatikim nito!

Nang kukuhanin ko na ang bandehado ng banana cue ay bigla itong umangat at nakita kong kinuha ito ng katapat ko. Nakakunot ang noo kong tinignan si Zio habang presko itong kumu-kuha ng dalawang stick ng banana cue. Hindi man lang nag sorry!

"Sorry ha? Baka kasi kukuha ako ng isang stick at sinadya mong kuhanin 'yung isang bandehado," inis kong banggit. I didn't care about the people around me.

I'm grumpy when I'm hungry! At sa kinamalas-malasan pa ay sinusubukan nitong lalaking 'to ang pasensya ko.

"Apology accepted," tamad niyang banggit. Naiinis talaga ako sa kapreskuhan nito!

"Marami akong ipinalutong banana cue, Kaya," sambit ng nag-aalalang si Lola Yet. "Julie, makiki-kuha pa nga--"

"Hindi na po, 'la. Hindi naman po siguro kayang ubusin ni Zio ang isang bandehadong banana cue," magalang kong banggit, ngunit hindi nakatakas doon ang inis kong tono para kay Zio.

Narinig ko ang pagtikhim ni Sebastian sa tabi ni Kuya Cade. Hindi na lang ako umimik dahil ayokong simulan ang bakasyon ko nang may kaaway. Pero, napaisip ako saglit. Hindi kaya si Zio 'yung tinutukoy ni mommy na mangha-harass sa 'kin? Posible.

Pagkatapos kumain ay nag-offer ako maghugas ng plato kaso ay hindi ako pinakinggan ni Lola. Ano na ang gagawin ko ngayon?

"Kuya, may lakad ka ba?" tanong ko kay Kuya na kasalukuyang nagpupunas ng mesa.

Sila Aiden at Sebastian ay umakyat ulit sa kwarto ni kuya dahil may naudlot yata silang gawain. Samantalang si Zio ay lumabas at hindi ko alam kung saan pumunta.

"Ngayon?" tumigil siya sa pagpupunas at napa-isip. "Wala sa ngayon kasi may tinatapos kami. Bukas naman may pupuntahan kaming talon, gusto mo ba sumama?" sagot niya.

"Oo. Wala pa naman akong kakilala dito eh,"

"Ay, oo nga pala. May lakad ang barkada namin bukas. Pwede ka sumama, tutal naman may mga kaedaran ka ron na pupunta," at natapos niya na punasan ang mesa.

Tumungo siya papuntang kusina upang ibalik ang basahan, kaya naman sinundan ko siya.

Eighteen years old na si Kuya Cade at sa tingin ko ay ang edad ng mga kaibigan niya ay hindi nalalayo sa kaniya. Fifteen pa lang ako. Kakatapos lang nung birthday ko nitong April 5.

Nag-aalala lang ako na baka wala akong makasalamuha sa mga kaibigan niya. Pero sabi naman ni kuya may mga kaedaran ako. Siguro ay magiging maayos naman ako sa lakad bukas.

Summer's HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon