Four

19 0 0
                                    

Natulala ako sandali pagkatapos akong lagpasan ni Zio. Sobrang labo ng sagot niya. Hindi tugma sa kung anong isinagot niya sa tanong ni Ally.

Lito ang isip ko nang biglang nagsalita si Ally kaya naman nabaling sa kaniya ang atensyon ko.

"H'wag mo na pansinin yung sinabi ni Zio. Magulo lang talaga 'yon," pilit siyang ngumiti sa 'kin. "Baka kasi kung ano agad ang isipin mo," kung ano ang ikina-amo ng mukha nito ay siyang pait nang pagkakabitaw niya sa mga salita.

"Ano ba yung dapat kong isipin?" nagtataka kong tanong.

"Wala. Marami lang kasi talagang nagkaka-gusto kay Zio. Baka lang naman iba agad ang isipin mo dahil sa nangya--"

"'Wag ka mag-alala, wala pa 'yan sa isip ko," at nginitian siya.

Babae rin ako at alam ko ang ipinahihiwatig ni Ally. Hindi pa man kami tuluyang magkaibigan ay parang karibal na agad ang tingin niya sa 'kin dahil lang sa nangyari kanina.

"Mauuna na 'ko lumangoy, Kaya," sabay ngiti niya sa 'kin. "See you there," sabay lakad hanggang sa malagpasan niya na ko.

"See you," sambit ko na lang.

Pumunta na ko sa pwesto kung saan nag-iihaw si Noah at tinutulungan ni Kuya Cade. Si Zio naman ay naka-upo lamang sa harap ng dalawa at tingin ko ay kinakausap niya. 

"Kaya, gutom ka na ba?" tanong agad ni Noah pagka-kita niya pa lang sa 'kin. Nginitian ko lang 'to at umiling.

"Hindi pa. Kukuhanan ko lang muna kayo ng pictures," binilisan ko ang lakad ko patungo sa kanila.

"Mamaya na kaya. Nag-iihaw pa kami," singit ni Kuya Cade. Inirapan ko lang ito at inayos ang camera na hawak ko, pagka-upo sa upuan katabi ni Zio.

"Eat first," narinig kong sambit ng katabi ko.

"Later na," sabay tunghay ng ulo ko dahil sa biglaang naisip. "Sino nga pala ang nagdala ng mga 'yan?" sabay nguso ko sa mga pagkain na iniihaw nila.

Tumawa nang malakas si Kuya Cade habang si Noah naman ay napangiti na lang habang umiiling. Huli kong tinignan ang reaksyon ng katabi ko pero ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"'Yung mga babae na kasama bukod kay Vien at Lily," sambit ni Noah. 

Noah's not new to them. Lumaki si Noah sa La Palma at dito rin nag-aral bago lumipat sa Manila. He knows Kuya Cade's friends, not all of them but most of them I guess.

"Bakit?" tanong ko. Hindi ko rin alam kung 'Bakit?' ang agad na lumabas sa bibig ko.

"What do you mean?" tanong ni Noah habang nakakunot ang noo.

"I mean, bakit di nagdala sila Vien at Lily?" tanong ko.

"Ikaw, bakit hindi ka nagdala?" singit nung katabi ko, kaya naman ay nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ikaw, bakit hindi ka nagdala?" I said, mocking him.

"They brought those," turo niya sa mga iniihaw nila kuya, "for me," sabay turo sa sarili.

"Ang hangin Noah!" biglang inarte ni Kuya Cade na may paghawak pa sa mesa sabay tingin sa langit. "Sa sobrang hangin may nakikita akong nalipad na whisper sa langit," sabay hagalpak niya ng tawa.

Biglang tumawa si Noah at hinampas si kuya ng tong na hawak niya.

"Bastos mo, gago," natatawang sambit ni Noah. Hindi niya yata alam ang ipinaparating ni kuya.

"Sure ka? Dinala nila 'yon para sayo?" tanong ko kay Zio na prenteng naka-upo.

Hindi 'to sumagot at imbis ay tinignan lang niya ako.

Summer's HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon