Chapter 7

842 44 5
                                    

Gulf POV

“Anak may bisita ka” pagaagaw atensyon saakin ni Mama. Nakita ko si No.

Dalawang araw na mula ng magising ako. Sinabi ni Mama saakin ano ang mga nagyari noong hindi pa ako nagigising.

Nalaman ko rin na sinampahan ng kaso ni Mew si Miyrna ng Attempted Murder. Kaya pala nawalan ng ilaw noon ay dahil pinutol ni Miyrna ang wire ng kuyente para unti unti itong mamatay.

Naghire pala siya ng private investigator kaya nalaman niya ang takot ko sa dilim at sinubukan niyang gamitin iyon para kunin ang mga bata.

Pero hindi niya alam na may vest ang mga bata kaya hindi niya sila nakuha dahil maaari siyang makita. Nasawalang bisa ang kaso dahil hindi pala siya mentally stable.

Kaya hindi pa  makabisita uli si Mew dahil inaasikaso niya ang kaso.

“Kamusta na pakiramdam mo?” pagtatanong ni No ng makarating siya sa gilid ng higaan ko.

“Okay naman na. Little by little my strength is coming back.” Sagot ko naman sa tanong niya. Alam kong nag-alala ‘to ng sobra.

“Ikaw? okay ka na?” pagbabalik ko ng tanong sakanya kaya nakita kong natigilan siya.

Iiyak na ito. Drama na…

“O-OO naman ano ka ba. Buhay ka pa naman.” Pagpipigil niya ng iyak niya pero nababasag na ang boses niya.

Nagpipigil naman ako ng tawa habang siya kunwaring busy sa pagaayos ng mga dala niya. Sa gilid ng mga mata ko kita ko rin ang pagpipigil ng tawa nila Mama.

“Talaga? Eh bakit umiiyak ka?” pagaasar ko. At ayun na lumabas na ang luha. Kahit kelan talaga.

“Eh sinong hindi maiiyak don? Muntik ka nang hindi magising! Alam mo dapat sinasamantala ko habang mahina ka eh. Para hindi ka makaganti.” Pinalopalo naman niya ang binti ko. Tinatawanan ko nalang siya.

“Oh eh oh eh oh eh… halika nga dito. Iyakin ka talaga” niyakap ko naman siya at binalik naman niya iyon. Nasa ganun kaming posisyon ng biglang pumasok si San.

“Hoy No! I just parked the Car and here you are hugging another man! And whats worst is that man is my Friend’s Boyfriend!” pagseselos naman ni San kaya humiwalay si No at umiling nalang pero bigla siyang humarap saakin at nanlalaki ang mata.

“Hoy Gulf kelan pa naging kayo ni Mew? Akala ko ba nagdedate palang kayo?!” gulat na gulat na tanong ni No.

Maski naman ako ngayon ko lang nalaman na kami na pala ni Mew. Tinignan ko si San at nakita kong nakatakip ang kamay niya sa bibig niya. Tumingin rin si No sa boyfriend niya.

“Uhmmm Dapat yata sakanya mo nalang malaman” sagot ni san mga nagtataka naming mga tingin at kinuha ang remote ng TV saking kamay at nilipat iyon ng channel. Nakita kong nilipat niya iyon sa balita at lumabas ang mukha ni Mew. Teka ano ang ginagawa niya? Asa harap siya ng hospital?

“Good Morning everyone. I am Mew Suppasit and I am here to clear the rumors running around” kitang kita ko kung gaano siya kaseryoso.

Itatago niya ba ang relasyon namin? Kumalat na ba? Nahihiya ba siya?

“First, the rumor about Me and Miyrna. Yes we are divorced since last month. We hid it to the press for it may affect the kids. Second, the Rumor about Miyrna attempting to murder someone. That is also true. Miyrna attempted to kill my kid’s Teacher by using his trauma in darkness which cause him to be in coma for more than a week. But now that Teacher is already stable. He is currently gaining back his strength in this hospital.” Pagpapaliwanag niya. Nakita ko siyang huminga ng malalim bago nagsalita.

“And lastly, the rumor about my sexuality” kinabahan ako bigla.

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Mama ang kamay ko na para bang pinapakalma ako. Bumalik ang tingin ko sa TV at nakinig muli.

“That rumor is also true. I am gay. But that is not the reason why me and Miyrna divorced. I dont wanna hide him to the world. So I am proud to say that the man in every picture of me is my boyfriend” biglang nagliwanag ang mukha ni Mew na para bang nabunutan siya ng tinik ng imbes na magBOO ang mga tao ay pinalakpakan siya ng mga ito.

Dahil dito may naisip ako. Huminga ako ng malalim bago ko tawagin si No. Nakapagdesisyon na ako.

“No tulungan moko. Tatayo ako para magbihis.” Sabi ko sakanya habang dahan dahan na umupo sa kama.

“Mama I will go to him. He needs my support” sabi ko kay Mama habang nakangiti.

Naiiyak naman na tumango si Mama ganun rin si Papa. Lumapit sa akin si No at tinulungan akong tumayo at magbihis. Inalalayan niya ako maglakad.

Isa isa at mabagal na hakbang ang ginagawa ko dahil sobrang panghihina ang nangyari saakin at hindi pa nakakabalik tulad ng dati ang lakas ko. Hawak ako ni No sa kanan ko at si San naman sa kaliwa.

“Sigurado ka bang ayaw mo magwheelchair?” pagaalalang tanong ni No. Umiling lang ako.

“Kailangan ko ipakita na malakas ako para ipagmalaki si Mew.” May ngiting sabi ko. Bumuntong hininga si No at tumango nalang.

Tinitignan at pinagbubulungan ako ng mga tao sa ospital pero wala akong pakielam nakikita ko na ang mahal ko and I am ready to shout to the world that I also love him.

Mew POV

Kung kanina ay sobrang ingay ng mga Press ngayon ay bigla silang natahimik at lahat ay nakatingin ang kanilang mga mata sa likod ko. Sinilip ko kung sino iyon at halos maluha ako sa nakita ko.

Si Gulf na inaalalayan nina No at San. Pinunasan ko ang nakaabang na mga luha sa mata ko, mabilis na nilapitan si Gulf at niyakap siya na para bang takot na takot akong mawala siya.

“Bakit ka tumayo? Mahina ka pa” pagtatanong ko habang tinitignan ko ang kabuoan niya. Nakabihis siya ng maayos. Bakit? Tinignan ko siya sa mata at mukhang nabasa niya ang nasa isip ko

“What else? If you can shout to the press that I am your boyfriend then so am I. I love you Mew. I love you so much Khun Phi…” nararamdaman ko nanaman ang luha na bumubuo sa mata ko pero bago ko pa mapunasan iyon ay pinunasan na iyon ni Gulf.

Dahan dahan ay lumapit kami sa press. Pinilit niyang tumayo ng maayos at humarap sa press. Tinitignan ko lang siya sa kanyang mga ginagawa.

“Good Morning everyone. I am so sorry for making you watch that embarrassing confession. I am Gulf Kanawut, a Teacher. Yes, I am the teacher that Mew’s ex wife attempted to kill. But that is not why I am here. I am here to tell you that I am Mew’s Boyfriend. Feel free to judge me but please dont judge Khun Phi… thank you na krub pom”

Tumingin saakin si Gulf at ngumiti. Magkatitigan kaming kinukuhanan ng mga press and all I can say is He is perfect for me…he is the one I will love forever…

Teacher MommyWhere stories live. Discover now