Mew POV
"Yai Nong…Wake up Gulf." Nandito kami ngayon sa ospital.
Ilang araw na mula ng isugod namin siya. Hindi parin siya nagigising. Dumating na rin ang mga magulang ni Gulf. Grabe ang pasasalamat nila saakin dahil nadala ko agad si Gulf dito.
Ang sabi ng doktor ay napagod ng sobra ang puso ni Gulf dahil sumobra sa bilis ang pagtibok nito. Nagpapahinga pa raw ang puso niya kaya wala pa siyang malay. Sariwa pa sa akin ang galit noong araw na yon.
Flashback...
"He just needs some rest." huling sabi ng doktor bago niya tinapik ang balikat ko at umalis.
Nakaupo ako sa labas ng kwarto ni Gulf. Hindi ko pa siya kayang makita na ganyan ang itsura. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Dapat talaga hindi ko na siya iniwan. Nagmadali sana ako.
"Mew kamusta si Gulf?" pagtatanong ni No saakin. Ramdam ko ang pagaalala sa boses niya
"His heart pumped too much. His heart was too tired to wake him up." Mangiyak ngiyak kong balita sakanya.
"Shia ito na nga ba sinasabi ko. Kasalanan ito ng babaeng iyon! Mabuti ngang mabulok siya sa kulungan. Pinadala ko siya sa police station malapit dito. Dapat lang. " puno ng inis ang boses niya kung kaya naman pati ako ay nagalit na. Tumayo ako at tinignan sila.
"No kayo na muna ang bahala kay Gulf. May kailangan lang ako kausapin." hindi ko na sila hinintay na sumagot umalis nalang ako agad.
Hindi ako magpapapigil. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar iyon sa pinakamalapit na police station.
"Nasaan Si Miyrna Wanathorn?!" puno ng inis na sabi ko sa isang pulis. Kaya naman nagmadali siyang ituro saakin nasaan siya.
Nilingon ko yon at nakita ko siyang nakasandal sa rehas at parang tuwang tuwa pa na makita ako. Nagiinit ang dugo ko. Nararamdaman ko ang mainit na dugo na dumadaloy papunta sa ulo ko.
"How dare you?!" hindi na ako nakapagpigil pa. Hinawakan ko ang kwelyo ng suot niyang damit at hinila siya palapit saakin. Wala na akong pakielam kung babae pa siya.
"ALAM MO BA ANG GINAWA MO?! MUNTIK MO NA SIYANG MAPATAY!?" puno ng galit ang boses ko. Pinipigilan na rin ako ng mga pulis kaya naman nabitawan na siya.
"Hahahaha! Dapat lang un sakanya! AKIN KA LANG! AKO LANG ANG MOMMY NG MGA BATA!" tuwang tuwang sabi niya na halos ikadilim na ng paningin ko.
Inalis ko ang hawak ng mga pulis sasakalin ko sana siya kung hindi lang ako nahabol ng mga pulis.
"SISIGURADUHIN ko na hinding hindi ka makakalabas sa kulungan na ito." paninigurado ko sakanya. Halata ang takot sa mga mata niya akala niya siguro ay kakampihan ko siya.
Umalis na ako doon at bumalik sa hospital. Karating ko ay nanduon na ang mga magulang ni Gulf at pinasasalamatan ako.
End of Flashback
"Daddy..." naputol lang ang pagiisip ko ng tawagin ako ni Type.
"Yes baby? Where is your brother?" kinuha ko siya at inupo sa lap ko.
"He is with Uncle No in the canteen" sabi niya habang nakatingin sa natutulog na si Gulf.
"Will mommy be okay?" he said. I can see tears that wants to go out of his eyes.
"Of course Baby. Mommy is strong. C'mon don't cry." pagpapatahan ko sakanya.
Yumakap siya sa akin at unti unti kong naramdaman ang malalim na paghinga niya. Nakatulog na siya. Kaya naman tumayo ako at sinayaw siya ng dahan dahan. Hinehele ko siya ng bumukas ang pintuan at pumasok ang Mama at Papa ni Gulf.
"Auntie, Uncle. Nakapagpahinga na po ba kayo? Kaaga niyo naman po atang nakarating dito" tanong ko sakanila. Nginitian nila ako bago nila ibinaba ang mga gamit at mga pagkain na dala nila.
"Oo nakapagpahinga na kami Mew. Ikaw nakapagpahinga ka na ba? Kailangan mo rin ng pahinga." may pagaalalang sagot ng Papa ni Gulf
"Okay lang po ako Uncle. I can do this all day." nakangiting sagot ko naman sakanya.
"You know Mew. We can't thank you enough on how you take care of Gulf. We know he is hard sometimes but he is also soft on the inside. Specially on your twins. Whenever he call us. He always say that "the twins are this and that" "Mew is like this". We are so happy that finally there is someone who can take care of him" mangiyak ngiyak na sabi ni Auntie.
Hiniga ko muna si Type sa couch tapos ay pinuntahan ko si Auntie para hawakan ang kamay niya.
"Auntie, Uncle I should be the one thanking you for bringing Gulf to life." niyakap ko silang dalawa at ganun din naman sila.
"Daddy!! Look oh binilhan ako ni Uncle No!" masiglang bati naman ni Tharn saakin ng bigla siyang pumasok sa kwarto patakbo saakin. Sinalo ko naman siya at binuhat.
"Baby shhh. Your brother is sleeping oh" pabulong kong sabi sakanya. Natawa naman ako ng bigla niyang inilagay ang hintuturo sa bibig at bumungisngis.
"Di parin ba gising? Itutuloy mo ba ang kaso?" pagtatanong ni No. Tumango lang ako lang ako at tinignan si Gulf.
Naputol ang pagtingin ko ng mapansin kong gumalaw ang pilikmata niya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na ibinaba si Tharn.
"A-Auntie nakita niyo po ba un?" nanlalaking matang tanong ko kay Auntie. Nagtataka naman niya akong tinanong.
"Ang alin?" pati narin ang mga tao sa buong kwarto ay nagtataka. Nilapitan ko si Gulf at hinawakan ko ang kamay niya.
"Gulf nakita ko un. C'mon wake up. Everyone's here. Please..." hinalikan ko ang kamay niya habang nakatingin ako sa maamo niyang natutulog na mukha.
Maya maya pa ay naramdaman ko na humigpit ang hawak ng kamay niya sa kamay ko.
"Yai Nong..." iyon lamang ang nailabas ng bibig ko. Maski ang mga tao sa kwarto ay naiiyak na.
"Khun...Phi..." mahinang rinig ko sa akin naikinaluha ng mga mata ko. Sa wakas nagising na siya.
YOU ARE READING
Teacher Mommy
FanficHe was in the dark when he saved him For foreign readers!! Please read the announcement at the end!!