| sixth string |

4 1 4
                                        

VI.

Pagkatapos kong kumanta ay dali-dali akong bumaba sa stage. I heard some people chattering but it didn't stop me from walking away. Wala na akong nilingon kahit isa, kahit 'yong mga kaibigan ko na paniguradong nag-aalala. Gusto ko lang talagang maka-alis dito. Gusto kong huminga. It was our first interaction after five years! I mentally prepared myself for this pero ang hirap pala talaga kapag nasa harapan mo na.

Dumiretso ako sa washroom, pinaypayan ko ang ang aking sarili at ilang beses bumuntong hininga. Hinilamos ko ang aking palad sa mukha ko, pilit ginigising ang sarili.

Nang maramdaman kong kumalma na ako, lumabas ako. At pangalawang pagkakataon, hiniling ko na sana ay hindi na ako lumabas.. dahil pagkabukas ko ng pintuan, ang pigura niyang naghihintay ang tumambad sa akin.

"Hi." he greeted.

I can hear the loud banging on my chest when he spoke. That voice.. I missed that voice.

"Hi." I replied while trying to remain my stoic face.

"Can we talk?" tanong niya sa akin.

Mahinahon akong tumango. Tahimik kaming naglalakad nang mapansin ko na bahagya niyang pinahaba ang kaniyang buhok, dati kasi palaging clean cut. Naka-suot siya ng asul na polo na nakatupi hanggang siko and he's not wearing his usual converse shoes which is the first thing I notice dahil paborito niya 'yon.

Pero naalala ko na limang taon na nga pala 'yong lumipas at marami na ang nagbago.

Sumandal kami sa railings, pinagmamasdan ang bawat pag-alpas ng alon. He bought himself a beer while I got myself a cup of coffee. Binuksan niya iyon at ininom. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya, natigil lang nang magliwanag ang kaniyang telepono.

He excused himself and I nodded. Tinitigan ko ang buwan at ngumiti ng mapait.

"Kumusta?"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaan niyang pag-sulpot. Five years na.. pero ganito pa rin ang epekto niya sa akin.

Tumawa siya at muling ininom ang kaniyang beer. I also sipped on my coffee which I regretted immediately dahil mainit pa rin pala.

"Ayos na ayos. Ako pa ba?" I replied after a few seconds, umiling siya at napangiti. "Busy sa banda. Pero minsan tumutulong kina Mommy sa pagma-manage ng pastry shop niya. When I really have free time, nagtuturo ako ng aspiring musicians." dugtong ko habang nakangiti.

When he didn't respond and I don't have the heart to embrace the silence, dumaldal pa ako.

"Ikaw.. kumusta?" tanong ko.

"I am currently working at some Producing Company. You know... the only thing that's constant was my love for music." tugon niya.

"Good for you."

The wind blows and my long hair sway with it. Binubulong nito ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

Funny how we used to talk about a lot of random stuffs but now, we can't even say a single thing.

"I did regret what happened to us.. there are lot of what ifs and what could have been's, you know? But I already stopped hoping and dwelling in it.. because where it will lead me? Sa'yo." pagbabasag niya sa katihimikan.

Natulala ako, nangangapa ng maisasagot.

"Hindi ko naman talaga dapat pang sabihin 'to, ang tagal na kasing tapos and saying it would only open the wounds. But I wanted you to know that leaving you and the band was not also easy for me. I tried to stop myself a lot of times from coming back, because I know that I already caused you pain.. and words? I couldn't take those back. Kilala kita, e. Farmer ka pa naman." Pinanlakihan ko siya ng mata kaya sandali siyang huminto at tumawa.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon