III.
"Para kang tanga, Ate!" inis na sabi ni Ina habang hinahatak ako.
Kahit anong hatak niya siya sa akin ay hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko para humakbang papuntang entrance gate. Ngayon ko lang kasi na-realize na marami nga pala kaming memories dito at panigurado akong lahat 'yon ay maaalala ko. Sa amusement parks, public library at arcades pa nga lang nakikita ko na siya. Dito pa kaya?
"Malaki ka na, Meya Trina Ronscevalles! Kaya mo na 'yan. Sige na, baka last ka na sa pila. I'll cheer for you, promise! Tsaka pinag-pray na kita kagabi." wika ko sabay hinahatak ang braso ko na mahigpit niyang hawak.
"Maglulupasay ako dito, Miss Marina Trixie Ronscevalles! Sinasabi ko sa'yo, kilala mo ako. Kapag hindi mo ako sinamahan, isisigaw ko na iniwanan ka ng almost lover mo."
Namalayan ko na lang sarili ko na naglalakad sa hallway kasama ang bruhilda kong kapatid. Halos baliin ko ang leeg kong parati ang paglingon sa lahat ng spots na madadaanan namin. Kung puwede nga lang, tatakpan ko ang mata ko at papaalalay na lang ako kay Ina sa paglalakad. Kasi kahit saan ako lumingon, nakikita ko siya.
Naririnig ko 'yong boses niyang isinisigaw ang pangalan ko dahil parati akong nagmamadaling maglakad sa hallway.
I might forget the shoes he wore that day, or the song he used to play in his guitar.
Sure, I will forget those.
But the sound of his laugh and all of my hidden smiles whenever he is making a face in front of me? The feelings I felt, the way he made me feel so happy and worthwhile? Those are the things I will never forget.
I will bury it at the hidden part of my heart and if I can.. I will take it to my grave.
Because his love? It was worth remembering and only eternal slumber could make me forget it.
Ipinagpatuloy ko ang diretsong lakad at sinubukan huwag sabihin at ituro kay Ina kung saan kami madalas kumain, magpalipas ng oras, maggitara, magbasa, mag-review at kung ano-ano pa.
Nag-dilang anghel yata ako dahil pangatlo nga sa huli si Ina. While she's busy chitchatting with her old friends, I decided to write some lyrics for our band's upcoming song. Hindi naman kami ganoon kasikat since parang everything fell down no'ng umalis siya, ang hirap kasing humanap ng ipapalit sa kaniya kaya ilang linggo rin kami hindi nakatugtog. Tuwing magpapa-audition kami, palagi naming ikinukumpara 'yong tumutogtog sa kaniya.. na walang synchronization, parang gumagalaw lang 'yong daliri at hindi talaga nagi-strum, hindi maganda ang napo-produce na tune ng naggigitara. Mas nahirapan kami kasi siya iyong madalas mag-organize ng gigs namin o kapag sasali kami sa iba't-ibang battle of the bands.
Pero alam namin na hindi na siya babalik. Hindi na siya babalik sa akin.
Kaya bakit kami hihinto? Nadapa lang kami, bumagsak.. hindi naman kami na-lumpo. Hindi namin pipiliing manatali sa sahig at dadamhin lang 'yong lalim at sakit ng mga gasgas at sugat, hindi kami masochists. Pagkatapos malugmok sa putik, kailangan lang naming bumangon ulit. Hindi namang puwede na forever kaming dedepende sa kaniya.
Pagkabalik namin sa lugar kung saan kami madalas tumugtog noon, marami ang nag-offer. We're invited on some popular events and we accepted a lot of gigs. Mayroon pa nga, tumugtog kami sa isang wedding kahit parang kumain ako ng ampalaya sa sobrang pait ng expression ko.
Sulat at bura lang yata ang nagawa ko nang namalayan ko na si Ina na pala ang nagfi-fill up. I removed my earphones when I heard a faint voice calling my name.
"Trixie!"
I can feel the loud banging on my chest when I heard a familiar voice.
Darn, I didn't want to turn my head.

BINABASA MO ANG
Heartstrings
NouvellesHe severed the ties that connects us a long time ago. While I'm still here, holding the broken strings.