01

31 13 0
                                    


●○●


"Ethel... may ipapakilala ako saiyong Doctor, he's a Filipino pero nag-aral sa America at Japan ng medisina, and he's your Doctor now, ililipat na kita sa kanya, he's a good Doctor, very good Doctor..." mahabang paliwanag sa'kin ni Doc Maynuel.

Hindi ko alam kung anong dapat na reaksyon dahil pangatlo na itong doctor na sinasabi nila sa'kin. Pangatlo na siya sa mga tumitingin sa'kin pero walang nangyayari, no'ng mga una pumapayag pa akong lumaban dahil sa Doctor sila at sila ang may alam kung paano ako pagagalingin pero sa unang doctor hanggang sa pangalawa walang naging resulta. At ngayon sa pangatlo gusto nila akong umasa.

"Hello... Ethel, I'm Doctor Oliver Joaquin Bernardo,"

Pakilala ng bago kong doctor, hinawakan ni Mommy ang kamay ko para makipagkamay kay Doc Bernardo.

May ginawa siya sa mata ko, na hindi ko alam kung ano basta may nakikita akong blurred surface or something like opaque color. Sa tuwing nakakakita ako ng ganoon, umaasa akong makakakita pa ako dahil may malabo akong liwanag na nakikita, some doctors said that I have sixty to seventy-five percent chance na makakakita pa ulit. That's a high percentage pero sa unang dalawang doctor, walang nangyari. That sixty percent became zero percent.

"We'll have some test first para mas ma-diagnose ko ang kalagayan ng kanyang mata, in her previous records..." he trailed off at may naririnig akong paglipat ng papel.

"The doctors, diagnose her with Absolute blindness, or no perception of light... but in my case, I saw a chance of opacity, her blindness is due to trauma because she had an accident, and that's curable, just work with neurosurgeon, ma-kokorek natin ang kanyang paningin"

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Doc Bernardo. Pero nagulat ako sa no perception of light na diagnose sa'kin ng mga naunang doctor. I saw opaque, anong ibig sabihin no'n?

Nagsalita pa si Doc Bernardo at nakikinig lang ako at kung sino pa ang nasa loob ng consultation room.

Hindi nagtagal, may mga pinagawang test sa'kin. Hindi ko talaga alam kung para saan ang mga ito, nagsasayang lang talaga ng effort at pera ang mga magulang ko sa 'di na masalba-salbang mata.

Matapos ang ilang mga test ay naghintay pa kami para sa resulta at sa diagnosis ni Doc Bernardo.

"Pasok na raw po kayo sabi ni Doc," isang nurse ang tumawag sa'min at pinapasok kami sa consultation room.

Inalalayan ako nila Mommy na makatayo at maglakad papasok sa loob.

"I have good news,"

He doesn't sound excited or happy. Kaya 'di ko rin alam kung matutuwa ako sa good news niya or hindi.

"What is it Doc?" Si Mommy na nasa tabi ko

Mahigpit ang hawak ni Mommy sa kanang kamay ko, at alam kong si Daddy ang nakahawak sa kaliwang kamay. They're anticipating the news that doesn't sound good to me.

"As the result and my diagnosis..." nagpatuloy si Doc Bernardo sa pagpapaliwanag ng kung anu-ano

"Then, she can have an operation?"

"Yes po..." nagpaliwanag pa ulit si Doc sa kung anong dapat na malaman nila Mommy.

Sobrang higpit ng hawak ni Mommy at alam kong masaya siya kapag gano'n. Hindi ko alam kung para saan ang kasiyahan at nakakatunog na naman ako ng isang operasyon.

"Ethel, you can have your operation by next week," si Doc Bernardo

"No..." mababang boses na sabi ko

"What! Anong No?" Si Mommy

"Ethel, please... if this isn't work again, we won't have another operation" si Daddy naman ngayon.

"Daddy, dalawang operasyon na ang nasayang! Walang nangyari!" Galit kong sabi sa kanila

I heard my Mom sighed and she stroked my back.

"We'll have the operation," matigas at firmed na sabi ni Daddy

"Sabing ayaw ko nga!" Sigaw ko sa pamilya ko

"Wala ng pag-asa! 'Wag niyo ng pilitin! Ako lang ang mahihirapan!" I cried

Nagpatuloy pa ang sagutan ng pamilya ko dahil sa kagustuhan nilang pagbigyan ang isang operasyon na ito.

Sa tingin niyo anong magagawa ko sa sitwasyon na ito kahit ayaw ko, wala naman akong magagawa. Wala akong makita, hindi alam ang pupuntahan. I only depend on my parents and my house that full of guides para makalabas-labas din sa kwarto kahit paano. I only depend on that! Kaya kahit siguro pilitin kong ayaw ko, kung gusto naman ng magulang ko, I don't have a choice. Even if I have the rights for myself. Even if I'm an adult, I still don't have a choice but to agree with them.

●○●


Rainbow (Short Story) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon