Wakas

32 13 0
                                    

WAKAS

●○●


Red...

Orange...

Yellow...

Green...

Blue...

Indigo...

Violet...

Nakakaiyak sa tuwa na makakita ulit. Sa ilang taong wala akong ibang kulay na nakikita kundi itim, kalungkutan lang ang aking nararamdaman.

Lahat ng kulay nakikita ko, lahat ng kwento ni Mommy nakikita ko na. Lahat ng...

Napatingin ako sa malaking larawan ni Michael na nasa harap ko, he's smiling widely. Like he's telling me that I did a good job, I did wait to see a light again, I hoped.

Madadalaw na ulit kita Michael... I missed you so much.

Binigyan ako ng ilang eye test para ma-check kung gaano na kaayos ang aking paningin. Unang mga kulay na pinakita nila sa'kin ay rainbow. I still have confusiom between, blue, indigo and violet but the other color are correct.

Kaya kong mag-hintay hanggang sa maayos na ulit ang aking paningin, until I able to tell all the colors.

Umiiyak sila Mommy, Daddy, and Tita Marian ngayon sa harap ko, and I'm just smiling in front of them.

Matapos ang ilang test ay iniwan na ulit kami ng doctor. Nakikita ko na ang mga ngiti, mga ekspresyon ng mga taong nasa paligid ko. For how many years, hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mga magulang ko sa tuwing nakikita nila akong nahihirapan sa araw-araw na wala akong nakikita.

Hinayaan muna nila akong pag-aralan ang mga kulay at kung ano-ano pa. Hindi ko mapaliwanag ang saya at pananabik, na noong una'y akala ko ay sa mga maiinit na kamay lang ni Tita Marian, madama ulit si Michael pero ngayon ang pananabik at saya ko ay dahil sa mga nakikita ko.

I remain amazed for a while until I feel exhausted. Hindi ko na hinintay na makabalik ang pamilya ko, nahiga na agad ako at natulog na. Sabi naman kanina normal lang na makaramdam ng antok o pagkapagod dahil sa gamot na nasa sistema.

"We received permission now... pupunta ka na talagang America?"

Tumango ako sa tanong ni Daddy. I have to visit Michael, kailangan kong magpasalamat sa kanya, because he didn't fail to give me words of hope and he's patiently telling me not to give up.

Nag-iimpake na ako ngayon ng gamit para sa ilang araw na stay ko sa America. Tita Marian offered me a stay to their home but I refused. I just want to give Michael a visit. I love him and always be, but I have a new life now, new light, I have to follow it. Si Michael na rin mismo ang nagsabi sa'kin, get out of the dark, and follow the light. Ayaw kong umamin, but Michael is my darkness and also my light, but he's giving me now a freedom to go, to find and follow that new light that has given to me.

After long travel, dumiretso ako sa sementeryo kung saan nila nilibing ni Michael. I saw his name, his precious name along with our picture. Ito ang larawan na nasa loob ng wallet niya, this was our first picture when we first met.

May pinagawa sila Tita Marian na parang maliit na lagayan sa mismong grave, kung saan nakalagay ang aming engagement ring. I cried again. Ilang taon na naging bakante ang daliri ko dahil isa sa treatment na sinasabi nila para sa'kin. I want to take it with me and buried beside my name, who lost few years ago, who lost hope, I want to buried the old Ethel Mariano and the ring. Because I want to embrace my new light hanggang bago pa, ayaw ko ng maghintay, ayaw ko ng matagalan. I waited for too long kaya gusto ko ng magmadali.

Umalis ako doon na dala ang singsing, nagpaalam naman akong kukunin ko iyon. Nagkaroon pa kami ng ilang usapan nila Tita Marian. Umalis lang din ako no'ng matapos na.

Sabi nga nila that there's always a rainbow after the rain. Totoo nga ang katagang ito. Rain is darkness and sadness. Rainbow is hope and patience. Sa tagal kong nasa dilim at kalungkutan, ilaw ng pag-asa at pasensya ang tumulong sa'kin na bumangon muli.

Sa buhay natin hindi palaging may liwanag, hindi lahat puro saya. Darkness is our struggles, kung hindi tayo magtitiwala, kung hindi tayo aasa at kung hindi tayo maghihintay, walang liwanag na magpapakita, walang liwanag na magpapaginhawa.

Kaya nga paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko at paulit-ulit na sinasabi ni Michael sa'kin na don't lose hope and patience, you'll see the light afterwards.  And it is infront of me right now, I'm in the light, seeing colors, appreciating the beauty of all.

Don't just give up, don't lost hope. Trust yourself and trust few people around and let them guide you out of the darkness. Sarili mo at ang iilang tao ang makakaalam ng daan palabas, kaya only few people, hindi mo kailangan ng marami, hindi ko kailangan mangarap ng madami, just few is enough already to help and guide you around.

Let yourself be the light of you and the light for other people. Help and guide them also out of darkness.

●○●


Rainbow (Short Story) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon