02

30 12 0
                                    


●○●

"Wala akong pakialam kung ikaw ang pinaka-magaling na Doctor! Basta ang sabi ko ayaw kong magpa-opera! Paano kung hindi ako makakita after the operation? Nagsayang lang kayo ng effort!" Pagalit kung utas sa Doctor

Hindi ko alam kung anong ekspresyon niya ngayon sa mga sinasabi ko, hindi ko alam kung anong mga naiisip niya.

I don't hear anything, kaya ang alam ko lang ay pinapanood niya ako, ang reaction ko at ang ekspresyon ko.

Isang katahimikan ang bumalot sa'min. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil wala talaga akong marinig kahit isa. Pati na ba pandinig ko nawala na rin?

"Fine... I'll follow your Dad," mataman niyang sabi

Kunot-noo ko lang siyang pinakinggan. Should I tell him more hurtful words para mas matauhan siyang ayaw kong magpa-opera? He's a Doctor for goddamn sake! He should've considered my opinion hindi yung parents ko, I'm at legal age, I don't need guardian para sila ang magdikta sa'kin.

Padabog akong tumayo at kinapa ang stick, kahit wala akong nakikita, I can walk-out of anger. Natumba ang upuan dahil sa dabog ko kaya nagulat ako, binalewala ko 'yon at hinanap ang pintuan. Fuck! Kahit bulag na ako, ma-pride pa rin ako! What the heck!

Nakapa ko naman ang doorknob at lumabas na, may sumalubong na kamay agad sa'kin at naamoy ko ang mabangong buhok ni Mommy. Nagpasalamat sila kay Doc Bernardo kahit na alam kong narinig nila ang sigaw at pagbagsak ng upuan. 

"Pwede na po siyang ma-confine next week, and I'll have a consent from the guardians before the operation" sabi ni Doc na nakasunod lang pala sa'kin.

"Thank you Doc," mangiyak-ngiyak na tinig ni Mommy.

Kumapit lang ako ng mabuti sa mga magulang ko habang inalalayan nila akong lumabas ng ospital.

Nasa byahe na naman kami at naaalala ko na naman ang lugar. Kinapa ko ang katabi para utusan na ipaliwanag kung anong makikita sa labas, kung anong kulay ng langet, kung nasaan na kami.

Si Mommy ang palaging nasa tabi ko kaya siya ang palaging nagpapaliwanag sa kung anong makikita sa labas. Nakikinig lang ako sa kanya at hinahayaan siyang magkwento.

If I could see, nakapag-paint na ako tungkol sa kwento ni Mommy. Naiimagine ko kung gaano kaganda ang mga gagawin ko kung nakakapag-pinta lang ako.

Huminto ang sasakyan at ang sabi ni Mommy ay nasa bahay na kami, bumukas ang pintuan at inalalayan akong bumaba. From the garage ay alam ko na kung paano makapasok sa loob, using the strings I followed it paakyat sa aking kwarto.

"Ethel..." isang boses ng lalaki

"Hmm?" I replied

"You have to fight, you have to... for yourself"

Nagpalinga-linga ako para mahanap ang boses ng lalaki at para makilala na rin ito.

"What?"

"I'm always here, watching you and guiding you, don't lose hope... you'll see the light soon, I promise you that..."

He's... He's Michael!! I know that voice! Guiding me? Light? Hope?

Wala na akong liwanag na nakikita! Wala na akong pag-asa! What is he talking about?

"Wait!! Michael? Where are you?" I hesterically asked

"I'm here..." bulong niya sa'kin

"Why I can't see you?" Naiiyak kong tanong

You're blind Ethel! Of course you can't see him! Damn it!

But if this is a dream, bakit hindi ko pa rin siya nakikita? I could see in dreams right? Dapat may nakikita ako!

"Believe, trust and hope..."

Pahina ng pahina ang tinig ni Michael, nawawala na naman siya! Kailangan ko siyang mahabol! Kailangan kong sumama! I don't want to live in this darkness, I don't want to be alone again, I don't want this sadness. Please...

Isang mainit na haplos ang nagpagising sa'kin. I thought pagdilat ng aking mga mata ay may liwanag na akong makikita pero nabigo ako, I still can't see. Wala nga naman talagang himala, wala na kasing pag-asa.

"We're here now..."

Bulong ni Mommy. Isang linggo na ang nakakalipas no'ng huling dalaw namin sa ospital at ngayon ay ma-co-confine na ako para sa operasyon bukas ng umaga.

Tulad ng sabi ko noon, kahit may karapatan ako bilang pasyente ay hindi iyon nasunod. Natuloy pa rin ang balak na operasyon sa aking mga mata, wala na akong magagawa, that's my parents decision and money. Sana lang hindi sila biguin ni Doctor Bernardo.

●○●


Rainbow (Short Story) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon