"Ang gwapo ni Sir Daniel no? Iba talaga mga lahi nila sir Leo di ba? Parang hindi uso ang pangit!" Wika ni Liz sabay subo sa piatos na binili nya kanina. Nasa labas kami ngayon ng restaurant, break time kasi namin.
"Nalilito na tuloy ako kung sino ang pipiliin ko sa dalawa. Si Daniel ba o si Leo?" Dagdag niya pa.
Daniel. Daniel pala ang pangalan niya. Naalala ko tuloy yung sinulat ko sa diary ko noon na, sana sa pangalawa naming pagkikita ay makilala ko sana siya at makapag pasalamat sa kanya. At nangyari naman ngayon. Hindi nga lang sa paraan na inaasahan kong mangyari. Iba kasi ang naiisip ko e, yun bang makakasalubong ko muli siya tulad ng nangyari sa unang pagtatagpo namin. Yun nga lang higit pa pala ito inaasahan ko.
Pero bakit ganun? Hindi ko man siya kilala ng lubusan o nakasama ng matagal pero bakit parang may nag bago sa kanya?
Kanina nung magkatitigan kami napansin ko na may kakaiba sa mga mata niya. Parang may lungkot akong nakikita dito. Ibang iba ito sa mga matang nakita ko noon sa kanya. At tsaka, mukhang hindi nya din ako na aalala. Kumpara sakin na hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin siya.
Wait.. sino ba naman kasi ako para matandaan nya? Isa lang naman ako sa mga pasahero nung gabing iyon na walang dalang payong at nag mamadali ng makauwi.
"Sa tingin mo Bri? Sino ang mas bagay sakin?"
Pero kahit na, at least ngayon masaya ako dahil muli ko siyang nakita. Iba rin pala talaga mag laro ang tadhana no? Si Sir Leo pa pala ang magiging dahilan para muli kaming magkita. Ibang klase.
"Hoy!" Sigaw ni Liz na sinabayan pa ng pagtapik sa balikat ko. Gulat akong napatingin sa kanya. "Ano bang iniisip mo riyan? Kanina pa ako salita ng salita hindi ka naman nakikinig."
Umayos ako ng upo at umiwas ng tingin sa kanya. Pinapanood ko ngayon ang mga taong naglalakad sa tabi ng kalsada. Nasa may tindahan kasi kami ngayon at tumatambay. Mabuti na lamang kanina pa tumila ang ulan at sumilip na din si haring araw.
"Wala." Sagot ko.
"Sus.. wala daw. Eh bakit nakangiti ka kanina?"
Agad akong lumingon sa kanya. "Pinag sasabi mo?" Tanong ko at muling ibinaling sa harapan ang tingin ko. Nakangiti ba talaga ako kanina?
"Nakangiti ka kaya kanina. Hoy! Brianna Alvarez! Tigil tigilan mo ko ha?" Sambit nya kasabay ng pag duro nya sa akin. May food color pang nakadikit sa daliri nya.
"N-naka ngiti ako dahil sa mga pinag sasabi mo." Depensa ko.
"Talaga? Aber, ano bang sinasabi ko kanina?" Taas kilay na tanong niya na para bang isa siyang abogado at nililitis ang nasasakdal ngayon gamit ang mausisa nyang pagtatanong.
"Y-yung kay Leo. As if naman na magiging kayo di ba?" Nauutal kong sagot ko.
Inilapit nya ang mukha nya sa akin habang naniningkit ang mga mata nito. Ano bang problema ng babaeng to?
"Mali!" Biglang sabi nya na sinabayan ng pag ayos ng upo. "Kasama dun si Sir Daniel e. Ang tanong ko kung sino sa dalawa ang bagay sakin. Hmn.. ikaw Bri ha, may hindi ka sinasabi sakin."
"Ha? Wala naman akong sasabihin sayo e." Pagmamaang-maangan ko.
"Hindi e. Meron Bri. Kanina kasi napansin ko na nakatulala ka kay Sir Daniel. Iba yung tingin mo sa kanya e." Sambit niya sabay ngiti ng nakaloloko.
Shocks! Napansin nya pa yun? Nakakahiyaaaaaa!!!
"E-ewan ko s-sayo." Nauutal kong sambit.
"Hahaha! Ikaw ha. Crush mo siya no? Na love at first sight ka ba sa kanya?"
BINABASA MO ANG
ULAN
Romance"Gusto mo bang maranasan sumaya sa ulan? Handa ka bang makasama ako sa ulan?" Simula: Agosto 27, 2020