"Saan kayo nang galing? Bakit pareho kayong basa? N-naligo ba kayo sa ulan?" Dere- derechong tanong ni Liz. Nakapamewang pa ito na animo'y nanay na pinapagalitan ang anak dahil sa walang paalam na pag ligo sa ulan.
Nakasalubong kasi namin siya ni Sir Daniel sa may lobby. Pagkatila pa lang ng ulan kanina, nag lakad na kami pabalik dito sa hotel.
At oo! Mag kasabay kami ni Sir na bumalik dito. Feeling ko nga ako lang yung naiilang kanina habang magkapanabay kaming nag lalakad. Wala naman kaming pinag usapan na mag sasabay kami. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na nag lalakad na kasama siya.
Sobra sobra din yung kabang nararamdaman ko kanina. Yung tipong gustong umalis ng puso ko sa loob ng katawan ko. Ganun yung feeling. Nakakapraning!
At maniwala kayo't sa hindi. Bumalik kami dito na hindi man lang nag uusap. Sinubukan ko kanina mag salita o kahit mag kwento man lang para maalis yung awkward sa paligid namin. Yun nga lang, ayaw makisama ng bibig ko. Marami akong gustong ikwento pero parang nag rarambol sila sa utak ko at hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
At nang makasalubong namin si Liz kanina, nakita ko sa mukha nito ang pagkagulat at pag tataka sa amin ni Sir Daniel. Nag palipat lipat pa ang mga tingin niya sa amin ni Sir na tila gustong mag tanong. Samantala isinawalang bahala lang ni Sir ang tagpong iyon na derecho lang ang tingin at lakad papasok sa elevator. habang ako hindi makatingin ng derecho sa mga mata ni Liz.
Sumabay na rin ako sa mga taong pumasok sa elevator-- kasama sa loob si Sir.
Grabe! Kung alam niyo lang ang feeling! Kung may powers lang ako ng evictus gaya sa engcantadia? Ay naku! Ginamit ko na. Mabuti na lang din talaga si Liz ang nakasalubong namin, kasi kung kasama pa sila Head chef? hindi ko na alam gagawin ko.
Nakita kong nag lakad si Liz papalapit sa may kama namin at doon umupo. Nag dekwatro pa ito habang nakasalikop ang dalawang braso sa dibdib at pinagmamasdan ako sa ginagawa ko.
Hindi ko rin namalayan na sumunod sa amin si Liz kanina. Pagkapasok na pag kapasok ko sa kwarto, siya namang dating niya. Pinaligo niya muna ako bago niya ako inenterogate ngayon.
Maging ako rin ay nag tataka kung paano ko nagawang ayain si Sir Daniel na maligo sa ulan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kanina. Parang may kakaibang mahikang bumalot sa paligid namin at hindi ko na nakontrol pa ang sarili ko.
Lalo na ang makita ko siyang ngumiti. Hindi lang siya basta ngiti lang e. Ngiting labas ang ngipin. Ngiting matagal kong hinanap at hinintay na makita sa kanya. Ngiting mababasa mo yung tunay na saya.
Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong hindi kiligin. Paano ba naman kasi! Ang gwapo niya! Oo.. gwapo na talaga siya, pero mas gwapo siya sa paningin ko kanina! Jusko! Ang hot niya!
"Brianna.." rinig kong tawag ni Liz sakin na sinabayan niya ng pagtapik sa balikat ko. Napatingin agad ako sa kanya. Hindi ko rin namalayan na tumayo ito at lumapit sa akin.
Masyadong na'occupy ni Sir Daniel ang utak ko, kaya maging ang pag susuklay ko ay napahinto din.
"Ayos ka lang ba? Bakit nakangiti ka riyan?" Nagtatakang tanong niya.
Agad akong natauhan. Umayos ako ng pagkakatayo at bahagyang napalunok. Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa kanya at lumapit sa may salamin para doon ipag patuloy ang ginagawa ko.
Jusmiyo! Nakangiti? As in nakangiti talaga ako?
Napasulyap ako sa repleksyon ni Liz sa salamin. Nasa likuran ko kasi siya kaya mapapansin ko siya kahit hindi ko ito lingunin. Sumilay ang nakalolokong ngiti nito na bakas sa mukha niya na may hinuha na siya sa kung anong gumugulo sa isapan ko. Dahilan para muli kong iiwas ang mga mata ko at nag kunwaring inaayos ang pagkakalapat ng pulbo sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
ULAN
Romance"Gusto mo bang maranasan sumaya sa ulan? Handa ka bang makasama ako sa ulan?" Simula: Agosto 27, 2020