Kinuha ko ang natitirang damit na nakapatong sa kama at maayos na tinupi ito. Pagkatapos, maingat ko itong inilagay sa loob ng travel bag. Bago ko tuluyang isara ang bag, sinugurado ko muna kung may naiwan pa ba akong gamit. Mahirap na, malayo ang pupuntahan ko kung sakali man na may naiwan ako.
"Tadhana nga naman." Ani Rosabella na tila kinikilig pa. Nasa may coffee shop siya ngayon.
"Sa hindi inaasahan, pagkatagpo ng mga mundo.. 🎶" kanta naman ni Mhim na ngayo'y nasa byahe. Pabalik na sila dito sa cavite ng mga kabandmates niya. Galing pa silang pampangga at doon ay nag gigs sila.
"At least, magkaka lovelife na siya di ba? Hindi na siya magiging manang sa grupo." Turan ni Cath na ngayo'y nag aayos ng mukha dahil papasok na rin siya sa trabaho.
Sabay sabay naman silang natawa sa pinagsasabi nila. Napailing na lamang ako at nakitawa na rin. Puro kalokohan din 'tong mga kaibigan ko.
Magkakausap kami ngayon via video call. Naikwento ko kasi sa kanila yung nangyari kagabi kaya naman, puro kantiyaw ang inabot ko sa kanila imbes na damayan ako. Pag naiisip ko yun? Di ko mapigilan ang sarili kong hindi mabadtrip! Aish!Hindi ko inaasahan na makikita ko muli siya sa gitna ng malakas na ulan. Ang bawat patak na aking naririnig ay tila sumasabay din sa mabilis na tibok ng puso ko. Ano bang meron sa kanya at ganito ang nararamdaman ko?
"S-sir Daniel." Nauutal na usal ko. Maging ang aking tinig ay tila mahirap hagilapin. Nanatili pa rin nakatitig sa kanya ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit di ko magawang iiwas ito sa mga mata niya. Parang isang magnet na hindi ko magawang alisin at ibaling sa iba.
Mayamaya pa'y nag salita ito dahilan para muling bumalik sa reyalidad ang isip ko.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa mababa at malalim na boses.
"P-pasukob?" Alanganing sagot ko. Hindi ko alam kung itatanong ko ba o hindi ang sagot ko. Nag aalangan ako kung sasagutin ko ba siya o hindi. Pero bakit ba nauutal ako? At higit sa lahat bakit ba ako kinakabahan?
"Get your own umbrella." Sagot niya sabay iwas ng payong at humakbang ng isa. Agad akong napanganga sa inasal niya sa harap ko at di makapaniwala sa aking narinig. Dahil dun, dagliang napalitan ng inis ang kaninang kakaibang nararandaman ko.
BINABASA MO ANG
ULAN
Romance"Gusto mo bang maranasan sumaya sa ulan? Handa ka bang makasama ako sa ulan?" Simula: Agosto 27, 2020