KABANATA 6

1 0 0
                                    

Naalimpungatan ako ng biglang magring ang cellphone ko. Dali dali ko itong kinapa at kinuha na nasa uluhan ko nakalagay. Bahagyang napapapikit pa ako dahil  mahapdi sa mata ang ilaw pero pinilit kong alamin kung sino ang tumatawag 'saka ko ito sinagot.

"Hello ma." Bungad ko. Umayos muli ako ng pagkakahiga at muling ipinikit ang mga mata. Nanatiling hawak ko ang phone na nakatapat sa kanang tenga ko.

"Nakauwi na ba kayo?" Tanong ni mama sa akin. Nauulinigan ko pa ang dramang pinapanuod niya tuwing hapon.

"Opo 'ma, kanina pa pong umaga." Sagot ko.

"Kumain ka na ba?" Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko. Naramdaman ko ang pag alburuto ng sikmura ko, sensyales na hindi pa ako kumakain. "Hindi pa ma. Natulog kasi agad ako pagkabalik namin dito."

"Bumangon ka na muna. Kumain ka na." Utod niya. Napangiti ako sa sarili ng ma-imagine ko ang gusot na mukha ni mama. Sa lahat kasi ng ayaw ni mama, ay yung nag papalipas kami ng gutom. At ang palaging katwiran niya..

"Masama ang mag palipas." Mag kapanabay naming saad ni mama dahilan para matawa ako ng mahina. Solong solo ko na kasi yan.

"Sige na ma. Mag luluto muna ako para makakain na." Paalam ko. Bago ibaba ni mama ang phone, nag bilin muna siya sa akin na palaging mag ingat at kumain ng maayos. Saka niya tuluyang pinutol ang tawag.

Idinilat ko na ang mga mata ko at napatitig sa puting kisame. At mayamaya pa, hindi ko napansin ang dahan dahang pagngiti ko nang isang alaala ang muling nanumbalik sa isipan ko.

"Pwede bang makisukob?" Gulat akong napalingon kay Sir Daniel na nasa gawing likuran ko pala. Tinaas ko ng konti ang payong para silipin siya at nakangiting mukha ang tumambad sa akin.

Tila nagliliwanag ang awra niya ngayon dahilan para matulala ako at mapaawang ng konti ang bibig ko. Ang ganda ng umaga ko ngayon! Ang gwapo niya! Yung buhok niya halatang sinuklay lang ng mga daliri. Medyo messy look kasi ito na lalong nag padagdag ng kagwapuhan niya.

Ang akala ko nakaalis na siya kanina. Hindi ko rin kasi napansin dahil abala kasi ako sa pag bukas nang zipper ng bag ko. Naiinis na nga ako dahil natatagalan na ako. Ang tigas kasi ng zipper. May naipit na tela kaya hirap na hirap akong buksan ang bag ko kanina. Kung kailan naman kasi kailangan saka pa tinopak. Ngunit hindi ko akalain na, magiging daan ang zipper para makisukob at sumabay sa akin si Sir Daniel.

Agad akong natauhan at mabilis na umiwas ng tingin nang mapagtanto ko na napapatulala na naman ako sa kanya. Ibinaling ko ang mga mata ko sa may harapan. Nakita kong nag lalakad na ang mga kasama ko at sinusuong ang malakas na ulan. Nakasukob sila Head Chef at George kay Kevin. Si Liz at Emily naman nakasukob naman kay John. Napansin kong parang hina-harass pa ni Liz si John dahil nag pupumiglas ito sa pagkakakapit ni Liz sa braso niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ULANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon