CHAPTER 1

2 0 0
                                    

Maude Bexley PoV

"Dad! Ayoko!". Nanggigigil kong sambit.

"Kailangan mong mag pakasal sa kanya maude, hindi pwedeng ayaw mo". Mahinahong sambit ni dad. Huminga ako ng malalim at nag cross arm.

"Wala akong pakealam sa gusto mo dad, gusto ko ako naman ang masunod sa buhay ko!". Napapikit si dad sa inis, eh sa ayaw kong mag pakasal eh. Mahal ko ba yun?! Ha?! Hindi naman ahh.

"Para sa company anak please. Ito na lang naiwan ng mom mo kailangan nating mag tulungan". Mahinahon parin nyang sambit, tinarayan ko sya.

"May ibang paraan pa dad, hindi yung ibebenta moko sa di ko naman kilala at di ko naman mahal na lalaki". Napapalo sya sa lamesa, akala mo masisindak moko dad? No!

"MAU!". Tumingin ako sa kanya.

"Don't call me mau, hindi ikaw si mom". Sabay lakad ko palayo, di kami close ni dad bakit ba. Wala naman na akong narinig pa kay dad, buti naman.

This is my life mayaman kami pero bumabagsak na dahil sa pag kamatay ni mom mag kaiba kasi si dad at mom ng company na hawak kaya nahihirapan si dad na paangatin ulit ang company ni mom, di sikat ang company ni dad kaya di sapat yung pera na inuuwi nya, mas malaki at sikat ang company ni mom kaya madaming gustong pabagsakin ang company na nangyayari na nga, unti-unti ng bumabaksak ang company ni mom. Ayokong mag pakasal, ako na lang hahanap ng ibang paraan para bumalik ulit sa taas ang company ni mom.

Andito ako ngayun sa SM at kikitain ko ang bestfriend ko kailangan ko ng tulong nya kailangan ko ng mga plano, nakikipag date daw sya sa isang restaurant na andito sa SM, kailangan nya muna ako unahin bago yung date nya noh. Dinukot ko ang phone ko at tinawagan sya.

"Where are you? Im here in the entrance meet me here, ASAP! Ok?.' Narinig kong huminga sya ng malalim.

"Ok ok, wait moko dyan. Istorbo ka talaga sa mga dates ko. Kaibigan ka ba talaga? di ko ramdam na suportado ka sa pakikipag date ko." Alam kong nakapout sya.

"Bilisan mo na lang please? I need you." May tonong pag mamakaawa.

"Ok bestfriend papunta na, bye." Ipinasok ko agad ang phone ko sa bulsa ko kahit bag di ako nakapag dala kakamadali.

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon