Chapter 5: Skip A Beat
Kiera's POV:
Nandito na kami sa General Assembly and pansin na rin na padami na ng padami ang mga students. Umupo kami sa unahan ,malapit sa stage. Malamang mga S.C members kami eh. Buti na nga lang at hindi kami MC ngayon eh. Yung representative ng 3rd year. Kasi sila din naman papalit sa pwesto namin.
Baka nagtataka din kayo bakit may Student's Council kami kahit na college na kami. Well, idea din ito ng Dean at may-ari ng TUP eh. Kami nga yung pioneer na batch kasi samin nag start yung S.C ,kung inaakala nyo din na foreigner ang may ari ng TUP, dahil sa Tennessee ang pangalan. Well mali na naman kayo. American nga ang may ari pero yung lupa lang na pinag tatayuan nito ang pag aari nya. Ayaw ibenta ni Mr. Tennessee yung lupa unless ipangalan sa kanya. Kaya kung sino man ang may-ari ng TUP. Nako,malamang billionaire sila.
"Good morning TUPIANS!!!!" Nag echo pa yung boses nya sa mic. Haha, si Dominique pala yung MC. Nice guy yan. Pwedeng pwede sa pwesto bilang President next year.
Nag-palakpakan ang mga tao at kasama na din kami dun.
"Thank you dahil nandito kayong lahat sa Gen. Assembly ng unang pasukan . Well before we start let's have a brief silence for a moment para sa opening prayer.''
Tumahimik naman ang lahat at nag-pray ang lahat. Nag-lead ng prayer is yung 4th year representative. Aba kami lang ata ang walang ginagawa ah. Haha
Sumunod naman ang iba pang opening remarks. In-acknowledge sin ang presence naming S.C members. Ako-secretary. Ivin- Auditor. At si Aomi- S.C Pres. Dumating din si Mr.Michael Rodriguez. Ang Dean namin.
"Magandang umaga, students. I'm Mr. Michael Rodriguez ang Dean ng Tennessee University of the Philippines. '' masayang bati ni Dean sa amin.
"Bago,pa natin matapos ang G.A na ito . I'm grateful to have this privilege to introduce to you. Ang may-ari ng Tennessee University of the Philippines''
Huh? Yung may ari?. Kanya-kanyang batikos at murmur ang naririnig sa paligid. Sino kaya ang may -ari ng TUP?
"Mr. Mark Anthony Flemington "isang lalaki ang lumabas sa likod ng stage. Mid-40's na sya siguro base sa preferences nya. Mukha din syang may lahing banyaga base sa kulay at sa tangos ng ilong nya. Nang tuluyan kong makita ang mukha nya. He was directly looking.........at me...
--------------------------
" Babe?" Nabalik lang akosa self ko ng tinap ni Ivin ang braso ko.
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Ivin.
Di ko na lang pinahalata yun reaction ko. I tried to make a smile.
"Ye-yeah, i - I'm okay,babe" sinusubukan kong mag mukhang calm sa kanya. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon para makalma ang sarili ko.
Yung 'strange' na pag-tingin sa akin ni Mr. Flemington, it gave me goosebumps talaga. Di ko maipaliwanag. Yung pag tingin nya kasi parang may ibang ipinapahiwatig.
"Good morning ,students. Di ko na kailangan pang ulitin ang pangalan ko dahil nasabi naman ni Mr. Rodriguez ang lahat ng details'' shems... pati yung boses nya parang nakakatakot para sa aking mga tenga.
"Gusto kong malaman nyo na this is my first time na makita ang University na ito. Nakakatawa hindi ba? Ako ang may-ari. Ako ang nag-patayo but di ko nakitang ganito kaganda sa University ko. Hahahaha" humalakhak pa sya. Nakikita kong nakikitawa din si Ivin at maging ang mga students ngunit ako. I just have this urge para takpan ang tenga ko to avoid hearing his voice. Grabe,i don't know what is happening to me.
"Gusto ko naman i-congratulate ang mga S.C Members ng TUP. Because i heared a lot of great feedbacks from Mr. Rodriguez. Maari bang umakyat sa stage ang mga miyembro ng Organisasyong ito?" Dug.dug.dug.
Yung sinabi nya mas lalong nag-bigay ng pakla sa mukha ko. Parang noon ay gusto kong naa-acknowledge yung S.C,pero ngayon parang kinasusuklaman ko na nging member ako. Gees. Kiera?! What the heck is happening to yourself.
Dali-dali namang tumayo si Ivn and he held my hand. Parang ayoko talagang umakyat eh. >.<
Di na nag-tagal ay nasa taas na kami ng stage. Mabuti na lamang at nasa bandang dulo kami ni Ivin. Nakita ko namang isa-isang kinamayan ni Mr. Flemington ang mga kasama ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Di ko alam bakit ako nag-kakaganito eh. I hold Ivin's arm tightly. Nakita kong lumingon sya sa akin siguro ay naramdaman nyang may mali sa akin dahil sa pag-kapit ko. He was about tu say something...
"Hello, young man" napalingon kami ni Ivin sa nag-salita and it was Mr. Flemington. Gees, mas nakaka-kaba pa pala seeing him up close. Parang mahihimatay na ata ako.
And the moment of truth . Nasa miamong harap ko na sya. Ewan ko but everthing went black and silent. Parang dalawa lang kami ni Mr. Flemington. Akala ko it was forever hell sa akin.
"Her name is Kiera Taramoto ,Sir. S.C secretary" parang bumalik ako sa mumdo ng sinabi ni Ivin iyon. Nakatulala pala ako dun.
"Hahaha, what a nice name Ms. Taramoto, masyado ba akong nakak-flatter sa presence mo?" Inabot nya ang kanyang kamay. Nung una ay tiningnan ko lang ito pero di nag-tagal ay kinuha ko din at nakipag-kamay sa kanya.
''Not so, Sir. " at binawi ko na ang kamay ko. Whoo, nakahinga na din ng maluwag.
Pero akala ko tapos na ang intense moment na iyon.
"Pero bago ang lahat, i want you to meet someone, magiging student din sya sa school na ito. My son, Mr. Marcle Louis Flemington"
----------------------------------------------------
And my heart skip a beat.....
A/N: omoo, what happened kaya? Bakit kaya naging ganyan ang reaction ni Kiera sa Dad ni Marcle??
Abangan sa susunod na mga chapter :)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Love
Teen Fiction---late updates They say love is better the second time around? eh paano kung ang second time na yun.... Ay ang first heart break mo pala... would you risk the present? Or remember the heart aches of the past?
