Chapter 4: Tennessee University of the Philippines

31 2 0
                                    

Chapter 4: Tenessee University of the Philippines

--------------------------

Kiera's POV:

Sinuot ko ang simpleng blouse na may floral print,at pinair up ko with my skater's skirt na light blue ang kulay. Sinuot ko din ang white doll shoes ko at kinuha ko na yung heartstrings kong bag. Ang teen lang ng peg. Well matagal na rin kasi itong mga gamit ko ayaw ko lang palitan sayang eh.

Nag vibrate yung phone ko kaya madali ko itong kinuha habang pababa ako sa hagdan.

"Babe, I'm here na. " si Ivin excited much eh.

''Excited much ,babe? Haha.. pasok ka muna. Let's eat..'' yaya ko sa kanya.

"Wag na, i brought foods here. Sa school na lang tayo kumain.'' Aba, excited talaga ang boyfie ko ah ,haha

"Okay,okay... coming", dumaan na ako sa sala at nakita ko naman doo si Ata Sally.

"Kiera, kain kana oh," alok nya sa akin.

"Wag na po, Ate Sal, kayo na lang po kumain dyan nila Ate at Kuya, mauna na po ako" gusto ko sana sumabay pero okay na rin at least makapag agahan na sila agad. Wala kasi dito minsan si Mom, kaya sila kasama ko kumain.

"Pero Kie-----" mag sasalita pa sana si Ate Sal.

"Okay, lang po. Meron naman pong dala si Ivin. Sa school na lang po kami'' sabi ko sa kanya.

"Okay ,Kiera. Mag iingat kayo ni Sir Ivin" sabi nya pa.

Kiera lang ang tawag nila sa akin. Di kasi ako sana'y na tinatawag pa akong Maam, Miss, or yung nag- 'po' at 'opo' pa sila. Well, ayaw ko ng ganun eh.. Dapat nga sa kanila pa ko mag po at opo dahil mas matanda sila sa akin. Kaya yun, sinanay ko sila na wag akong tawaging Maam or mag 'po' sa akin.

Lumabas na ko ng bahay at nakita ko ang boyfriend kong naka sandal sa kanyang BMW. Naks, may pa shades- shades pa syang nalalaman

"At ano naman itong ka dramahan Mr. Ivin Luke Sherrington?" Napa smirk nalang sya sa ainabi ko. Nag lean forward na lang sya. At nung inches away na lang sya sa labi ko.

"Gwapo lang talaga ang boyfriend mo, Miss Kiera Ochoa Taramoto" and he kissed me sa lips.

"Now? Shall we?"inalok na nya sa akin yung front seat. Umiling na lang ako at pumasok sa loob. Dami talagang alam itong boyfriend ko. Kaya mahal ko eh. XD

In less than 30 minutes nakarating din kami agad sa TUP. At tulad nga ng ini expect ko marami na namang mga students at bagong freshmen ang nag kalat sa TUP grounds.

Nag park na kami ni Ivin at HHWW lang naman ang peg habang papunta sa Main Building ng TUP.

'Omo!!!! Sina Ivin at Kiera!!!!!!'

'Whaaaa!!!! Iviera couple!!!!!'

'Shemsss...sila pa din hanggang ngayon?! Kakaingget'

Sari-saring komento na naman ang naririnig ko sa paligid namin. Well paano naman kasi. Lead vocals ako ng 

'Two-lips' o yung TUP band ng school. At si Ivin naman eh Soccer player ng school din namin. Parehas pa kaming kasali sa school orgs and clubs. Kaya yun, kilala kami halos lahat ng mga ka batch namin.

"Kiera!!!!!!!" May narinig kaming nag sisigaw sa likod namin at alam naman ni Ivin kung sino iyon.

"Na miss kita bess!" Yep. Kaibigan ko si Aomi Kashimiri ,Half Korean at American. But may step-dad syang Japanese kaya nag-iba ang apelido nya, but dito lumaki sa Pinas. Well, nakilala ko sya nung first year at sya yung naging kaibigan ko simula nung mag ka amnesia ako, nung last year kasi may umaaway sa akin eh. I don't know kung bakit, they say baka naiinget lang daw sa akin. Pero ewan ko ba. Buti na lang at wala na yung babae na yun at naging tahimik na yung buhay ko.

"Yah! Matapos mong di sumipot sa birthday ko,last sem eh magpapakita ka sakin ngayon.psh" tampo ako kunwari. Nag Japan kasi yang babaeng yan para sundan yung ka band member ko, adik lang eh. Crush nya kasi kaya yun ginulo bakasyon nung ka band member ko. Natatawa nga ako eh kasi ang ganda ganda nitong si Aomi, habol sya ng habol kay Ishin, half Korean at half Pinoy sya. Playboy nga eh. Pero bahala na sila si Aomi din nagpupumilit eh. Wala daw kasi magawa.

"Ehhh, sorry na friend, alam mo naman na gusto ko makasama sa Japan si Ishin baby ko eh" nag pout pa sya.

Naramdaman ko naman na binack hug ako ng kasama ko, nga pala hindi lang kami ni Aomi ang nandito hehe

"Ang tanong? Gusto ka ba nya kasama?" Sabi ni Ivin.

"Aish... ang sama mo, Ivin!!!!" Tumawa na lang kami ni Ivin sa expression ni Aomi. Sabay-sabay na lang kaming pumunta sa cafeteria, hindi pa pala kami nag breakfast ni Ivin.

Hindi masyadong puno sa cafeteria kasi halos nasa labas yung mga students, may mga booths kasi dun at events. Yup,ganito kami mag start ng school year, parang party lang. Haha. Next day pa kasi yung tunay na pasukan. Yung may orientation na ng mga professors ba. Inaayos pa kasi yung mga sections and para masanay yung freshmen sa ambiance ng kanilang college life. At alam nyo kung sinong naka imbento nyan? Ako syempre. Proposal ko sa Student's council ito eh. Hehe at alam nyo ba sino ang nag approved? Si Aomi. Haha. Sya kasi ang President ng SC eh. Haha diba halata?

"Wow! Omelet, penge ako!!" Kukuha na sana si Aomi ng pitikin sya sa kamay ni Ivin.

"Aray!!! Masakit yun ha!" Nag pout na naman si Aomi.

"Paano, eh di naman sayo, kukuha kuha ka dyan. Di pa nga kumakain babe ko. Kaw na lalamon" sabi ni Ivin.

Maniwala kayo guys. Mag kaibigan yang dalawa di lang halata. Haha,parati silang nag-babangayan eh. Pero asaran lang naman.

"Yae na babe. Hati na lang kami dito sa Omelet" hinati ko na yung omelet pero inabot ni Ivin yung box ng pagkain nya kay Aomi.

"Tayo, na lang mag share babe. Subuan mo din ako" nag-grin pa sya.

"Ewwww,, disgusting nemen" kunwaring nandidiri si Aomi sa amin. Haha. Nako eh sya nga dati sinubuan nya bigla si Ishin ng pizza ,eh madami pa lang nailagay na hot sauce ayun grabe pamumula ni Ishin. Napahiya pa si Aomi. Natatawa na lang ako pag naaalala ko.

"Sows, bitter ka lang ,Mi! Kasi nung ginawa mo ito kay Ishin,EPIC FAIL ka!!" Haha, sabi ko sa inyo eh. Alam din yan ni Ivin.

Puro kami tawanan habang kumakain di na namin namalayan eh time na para dun sa general Assembly. Wala ngang pasok ngayon pero kailangan ang general Assembly para sa freshmen ,parang mga announcements ba.

Sabay-sabay na lang kaming pumunta sa gym.

--------------------------

Marcle's POV:

Im home. Nakauwi na ako ng Pilipinas. Yung mga memories, still wala pa rin akong matandaan kahit isa man lang. Hayst.

"Sir Marcle andito na po tayo sa school" nakita ko na ,na papasok na kami ng parking area ng school.

>>flashback last week>>

"Dad, kailan ako mag aaral?" Tanong ko kay Dad abang kumakain kami.

"Next week..." matipid nyang sagot sa akin. Noon close na close kami ni Dad yun lang ang bagay na natatandaan ko. Saka yung namatay si Mom, but other stuff wala na. Clueless na ko.

"Ah, okay po. Saan naman?" Tanong ko muli sa kanya. Siguro sa NYU na ko mag papa enrol.

"Sa Pinas" sabi ni Dad.

<<end of flashback <<

Kaya yun I'm back Manila.

Bumaba na ko ng sasakyan at tiningnan ang malaking statue sa gitna ng parking area.

'' Tennessee University of the Philippines ''

----------------------------------------------------

----------------------------------------------------

XOXO

A/N: NAKO ano na kayang mangyayari ngayon.? Kung ang dalawang POVs ay nasa isang lugar na??

P.S keep reading mga dudes :)

Unforgettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon