Chapter 3

549 22 0
                                    

"BAKIT tulala ka?"

Napatingin si Gray kay Sky, na abala sa pag-aayos ng plano para sa project na gagawin nito.

"I can't take her out of my mind," sagot niya rito, ang tono ay puno ng pagkabahala.

"Babae na naman. Akala ko ba ayaw mo munang magka-girlfriend uli?" sabi ni Sky, medyo nagtataka.

"I did say that. Pero tol, iba siya eh. There is something about her. Yung parang minamagnet yung sarili ko sa kaniya," aniya, habang sinisipat ang mga detalye sa kanilang proyekto.

"Baka siya na ang soulmate mo," sagot ni Kyden, na kalalabas lang galing sa kwarto nang marinig silang nag-uusap.

"Kai, look at this. Ano sa tingin mo, okay ba na ganito kalaki ang dance floor?" tawag ni Sky rito para ipakita ang gawa.

Si Gray naman ay walang pakialam sa ginagawa ng dalawa. Ang nasa isip lamang niya ay ang babae kagabi sa club, na hindi maalis sa kanyang alaala.

"I don't believe in soulmates," aniya, ang boses ay may pagka-dismayado.

"Sus, Kuya Gray, nasabi mo lang yan kasi wala pang dumarating. Pero sa oras na tamaan ka, lagot ka," ani Kyden, tila kinukulit siya.

"I'm in love with Natalie," sagot niya, na may halong pag-aalinlangan.

"In love? Kung in love ka sa kaniya, bakit hindi mo siya kasama?" tanong ni Sky, na tila hindi makapaniwala.

"Kasi nakipaghiwalay siya sa akin."

Hindi na siya pinansin ng dalawa dahil abala na ang mga ito sa pagpaplano sa project ni Sky, habang siya ay nababalot ng mga alaala.

She really can't stop thinking about her.

Her smell.

Her taste.

Napakagat labi pa siya nang maalala kung paano niya ito kinain kagabi na parang gutom na gutom siya.

What's wrong with her?

Hindi naman siya ganito. Ang dami na niyang naging girlfriend, pero hindi ganito ang epekto sa kaniya pagdating sa sex.

Sana man lang nakuha niya ang number nito.

Balikan kaya niya ang club na pinuntahan last night? Baka sakaling makita niya ito.

Kagabi, habang kasama si Kyden sa club, nakita niya itong sumasayaw sa dance floor.

The way she moved her body kasabay ng tugtog, naiimagine niya kung paano ito gumiling kapag nasa ibabaw niya.

The way she swayed her hips, she can only imagine how she would take her from behind.

Hindi nga siya nakapagpigil sa sarili at nilapitan niya ito.

At nang saluhin niya ito mula sa muntik na pagkakatumba, yung init na naramdaman niya habang nakamasid rito mula sa malayo ay naging doble ang naramdamang pagnanasa.

At nang samahan niya ito sa comfort room, she was willing to do anything maikama niya lang ito.

And when she kissed her first, wala na siyang sinayang na sandali.

"Bakit hindi mo balikan sa club?" tanong ni Sky, nagulat pa siya sa pagsalita nito.

"Naisip ko nga rin," sagot niya, nag-iisip na sana ay makita ang babae.

"Samahan ka namin ni Kyden mamaya," alok ni Sky, may ngiti sa mga labi.

"Great. Anong oras?" tanong niya, puno ng excitement.

"Magpapaalam muna ako kay Nikki," sagot ni Sky, na tila nagmamadali.

Sana lang, makikita niya uli ang babaeng nagpapagulo sa isipan niya ngayon.

---

KANINA pa sila naghihintay.

Kanina pa si Gray panay tingin sa paligid. Sa mga nagsasayaw, sa mga nasa bar, ngunit hindi niya makita ang hinahanap.

Hanggang sa ipinasya nilang umuwi na lamang.

Bukas, babalik uli siya rito. Isang linggo bago siya bumalik ng Singapore, hindi siya titigil kakabalik sa club na ito hangga't hindi niya makitang muli ang gustong makita.

"Baka may hangover pa 'yun, Kuya," ani Kyden sa kaniya paglabas nila ng club.

"Baka naman nagkataon lang na nandito siya kagabi. Hindi naman lahat ng babae gabi-gabi nasa club," ani Sky, subukang iwasan ang pagdududa.

Baka nga tama si Sky o si Kyden.

Nanlulumong umalis ang tatlo, ang mga isip ay puno ng pag-asa at takot.

Ni hindi na niya nakita ang pagbaba ni Trisha mula sa taxi na nadaanan nila.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon