NGUMITI SI TRISH.Ngiting hindi nakasanayang makita ni Gray.
"Are you okay? Bakit ang tamlay mo?" tanong niya.
"Yes, I’m okay. I met your girlfriend nga pala."
"Si Natalie? She's my ex."
Si Natalie ba ang dahilan ng pagbabago ng mood nito ngayon?
"I don't care if she's your ex or not. Labas muna ako, need ko kausapin si Ninang."
Naguluhan siya sa biglang panlalamig nito.
"Trish?" tawag niya rito bago ito lumabas ng silid, ngunit hindi siya nito pinansin.
Napakunot-noo siya.
Sinundan niya ito, ngunit sinalubong siya ni Natalie na yumakap sa hallway.
"Ich vermisse dich, Baby (I miss you, baby)," anito, at bigla siyang hinalikan sa labi.
Tagpong kitang-kita ni Trisha.
Tumingin lang ito, walang emosyon ang mga mata.
Saka tumuloy siya sa living room kung nasaan ang Tita Irene niya.
"Natalie, what are you doing?" tanong niya sa babae nang wala na sa paningin si Trish.
"What do you mean? I miss you, you didn't miss me?"
"You can't just kiss me like that."
"Why? I am your girlfriend, why can't I kiss you?"
Napabuga ng hangin si Gray.
"Nat, we broke up, remember? You broke up with me."
"Yes, but you know I overreact sometimes."
"You overreact all the time, Nat."
"I'm sorry, baby. I'm here now, which means we are back as a couple, right?"
Napailing si Gray sa ipinapakita nitong ugali. Ang hirap kapag childish masyado ang kausap niya.
"Nat, go back to Germany," seryoso niyang utos rito.
"Warum? (Why?)" tanong nito.
"Because we are not getting back together. I'm done with your childish acts, Nat."
Biglang sumeryoso ang kaharap.
"Just like that?" tanong nito.
"You are the one who pushed me away. You are the one who didn’t want to come with me. Did you forget how you humiliated me in front of your friends?"
"I'm sorry about that. I didn't know you would take it seriously. We were just having fun that day."
"And you asked one of them to fuck me."
There, she finally said it. It had been hard for her to forgive what she did.
"Es war nur ein Witz (It was just a joke)."
"No, Nat, it wasn't just a joke. Das war das Ende von uns (That was the end of us)."
For the first time, nakita niyang umiyak ang dating nobya.
She's always been this tough spoiled brat since nakilala niya ito at maging sila.
"I'm sorry, Nat," aniya.
Ayaw niyang makita itong nasasaktan.
"Es tut mir auch leid (I'm sorry too)," sagot nito habang nag-aalis ng luha. "I was selfish. But can you let me stay with you? Three days will be enough. After that, I'm going back to Germany."
"Of course you can."
"At least give me a hug?"
Napangiti siya.
Yumakap siya rito.
Walang hard feelings, napagtanto niya.
Hindi niya kinaphate si Natalie.
Wala lang siyang maramdaman para dito.
---
TUMALIKOD agad si Trish nang makitang magkayakap sina Gray at Natalie.
Agad siyang lumabas sa penthouse para makahinga ng maluwag.
Nilapitan siya ng Ninang niya.
"Nak, nakakuha ako ng ticket. Four ng madaling araw ang available na flight pabalik ng Manila," anito.
"Thank you po, Ninang."
"Sure kang hindi mo sasabihin kay Gray?"
Tumango siya.
"I don't know bakit biglaan ang uwi mo, anak, pero hindi na kita tatanungin pa. Alam kong may dahilan ka."
Ngumiti siya rito. Hindi niya lang alam kung umabot sa mga mata niya ang kaniyang ngiti.
"Na-message mo na ang kuya mo?"
"Mamaya po, Nang."
"Okay. Ihahatid ka namin ni Richard mamaya."
"Salamat, Nang."
Mabigat ang dibdib niya.
Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito.
She should be happy dahil makikita na naman niya ang kapatid, sila Toni at Xander, si Alex.
Ngunit bakit parang pinipiga ang puso niya?
Mas worst pa ito kaysa sa break up nila ni Aaron. Hindi naman niya naramdaman ang ganito noong mahuli niya ito.
Umiyak lang siya, uminom, umiyak, at pagkatapos, she moved on.
With Gray's help.
Hindi niya akalaing makasama si Gray. With her, lahat ng sakit hindi na niya naramdaman.
She was happy. Sayang, hindi peke; lahat totoo.
But now, she can't even look at Gray nang lumabas ito kasama si Natalie.
Baka hindi niya mapigilan ang sarili.
Baka manghina siya, which is hindi niya ugali.
Baka maipakita niya sa mga ito na nasasaktan siya.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️🌈 𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟯 COMPLETED "I won't promise you anything. Just let me love you and i will show you how sincere i am." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈