Yumakap si Trisha sa kaibigan."Tawag ka agad pag andon ka na, ha?" ani Toni.
"Oo. Tatawag ako agad."
Kumalas si Toni.
"Mamimiss kita, Trish," ani niya.
"Asus, mamimiss ka diyan. Di ka nga makaalis sa tabi ni Alex eh."
Natawa siya nang hampasin siya nito.
"Basta, ingat ka don," ani Toni.
Tumango si Trisha.
Pumasok na siya sa immigration at muling kumaway rito.
Ilang araw ang nakalipas mula nang inimbita siya ng ninang niya para magbakasyon sa lugar nito. Hindi siya tumanggi dahil kailangan rin niya ng bakasyon. Nagpaalam siya sa radio station na pinagtatrabahuan.
Isang buwan.
Sapat na siguro iyon para makamove on siya.
Hindi na siya umiiyak, pero andon pa rin ang sakit.
---
Nang nasa loob na siya ng eroplano, naririnig niya ang panay hagikhik ng katabi niyang babae habang nanonood ng video sa phone nito.
"Ang pogi niya talaga. Haist," anitong kinikilig.
"Si Gray na naman yang pinapanood mo," ani ng katabi nito.
"Di ba ang guwapo niya? Ganda pa ng boses. Ang sarap sarap niyang panoorin."
Napailing si Trisha. Nakita na niya ang video ng Gray na tinutukoy ng mga ito. She is a lesbian just like Alex and Sky. Magaling nga itong kumanta, pero hindi niya talaga maintindihan bakit ang daming babaeng kinikilig rito.
Hindi na lang niya binigyan ng pansin ang katabing walang tigil sa kilig nito sa panonood.
---
SINGAPORE CHANGI AIRPORT
Manghang-mangha si Trisha sa ganda ng airport ng Singapore. This is her first time sa bansang ito, at sa airport pa lang ay super world class na. Ano pa kaya kung nalibot na niya ang buong Singapore?
Ngayon pa lang, excited na siya.
Kaya nang palabas na siya sa arrival area, nagtatalon na siya sa tuwa nang agad masilayan ang babaeng kumakaway sa kanya.
"Ninang Irene!"
"Trish!"
Tuwang-tuwa silang nagyakapan at nagmano si Trisha.
"God, you're so pretty, Trish. I can't believe dalaga na ang inaanak ko."
Natawa siya.
"Nang, 26 na po ako. I'm turning 27 in two months," aniya.
"Oh yeah, but really, Trish, you are so beautiful, anak. I can't wait for you to meet Richard's son. He is so handsome too. But he's not here. Sayang."
Natawa ang dalaga.
"Nang, I'm not looking for any relationship right now. Please huwag niyo muna akong ireto sa iba," aniya.
"Oh, okay anak. Ay, ano ba't andito pa tayo. Naghihintay sa parking lot si Richard."
Bumaba sila sa parking lot kung saan naghihintay ang asawa ng ninang niya.
Nakangiti ang isang malaki ngunit guwapong lalaki nang makita silang papalapit. Humalik agad ito sa labi ng ninang niya.
"This is Trisha, hon. Trish, this is my husband, Richard," pakilala ng ninang niya.
Niyakap siya ng lalaki.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️🌈 𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟯 COMPLETED "I won't promise you anything. Just let me love you and i will show you how sincere i am." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈