Chapter 15

372 16 1
                                    

KUNG ipinakilala siya ni Gray sa kuya nito, ipinakilala rin ni Trisha si Gray sa kuya niya.

Pagkatapos nilang makipagkwentuhan ng tatlong oras kay Marco, dinalaw nila ang kapatid sa club na pagmamay-ari nito.

Mag-aalas tres pa lang ng hapon kaya sarado pa ang club para sa mga customers.

Nasa opisina sila, nakaupo, habang seryosong nakatingin sa kanila ang kapatid ni Trisha.

Kaibigan lang naman ang pakilala niya kay Gray, pero kung makatitig ito sa bisita, parang handa nang pumatay ng tao.

"Kuya, 'wag mo namang titigan ng ganyan si Gray," aniya rito.

"Let me handle this, sis," sagot nito sa kaniya sa seryosong tono.

"Kuya naman eh."

Hindi siya nito pinansin.

"Hindi mo pinopormahan ang kapatid ko?" tanong nito kay Gray.

"Pinopormahan ko po si Trish," sagot agad-agad ni Gray.

Nagulat ang dalaga.

Bakit ito umamin?

"Alam mo bang kakahiwalay lang nila ng ex niya?" tanong ulit ng kuya niya.

"Alam ko po. At willing akong maghintay kay Trish until she is ready."

"Tomboy ka, so how will you protect my sister sa lahat ng mambabash sa kaniya kapag nalaman ng lahat na babae rin ang karelasyon niya?"

"Kuya..."

Hindi na niya gusto ang mga tanong nito. Nahihiya siya kay Gray.

"I will show everyone how much I care about Trish. I will protect her with my life if I could. Tomboy lang ako, but I can love her more than any man could do."

Tumango-tango ang kuya niya.

"Umiinom ka?" tanong nito.

Tumango si Gray.

"Good. I welcome you to our family, Gray. But first, let's have a drink."

Napanganga si Trisha sa tinuran ng kapatid.

Nakangiti na si Gray nang tumingin sa kaniya.

At kumindat pa nang pinandilatan niya ito ng mga mata.

Ngunit napangiti rin siya.

Masaya siya sa nakikitang tanggap ng kuya niya si Gray.

Kahit hindi pa man sila officially mag-on.

---

NANG nagpaalam na sila sa kapatid, bigla na lamang siyang pinigilan ni Gray nang dumaan sila sa ladies' room.

"What?" tanong niya rito.

"Gusto mong mag-CR?"

Napataas kilay siya rito.

"No. Why?"

"Gusto mo bang subukan ulit 'yung first night natin dito?" bulong nito sabay kindat sa kaniya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

Natawa naman ito.

"That was a mistake," aniya. "At nakakahiya."

Biglang sumeryoso si Gray.

"That was not a mistake, Trish. I'm the one who wanted it. Dahil ako yung hindi lasing that night. I am ashamed of myself. But I did not regret any second of it. Kaya huwag mong ikahiya ang nangyari that night. Because that was the most memorable night na nangyari sa buong buhay ko. Kaya nga gusto kong ulitin natin eh."

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon