Prologue

14.2K 144 20
                                    

Prologue

Ito ang unang beses na tumapak ang dalagang halos walang kamuwang-muwang sa isang pribadong bar.

Someone said that, someone can help her in this place that's why she grabbed it without hesitating.

She needs at least 45,000 pesos for her Mother's hospital bill, she'll be alone for sure if she let her mother die in a public hospital. For sure the hospital won't focus on her mother's case if she can't pay the bills. Kaya kahit na wala naman siyang alam sa nangyayari sa lugar na ito, nagtungo siya kaagad.

She sighed and decided to enter the colorful and loud place. Halos mapatakip pa siya ng tainga sa sobrang ingay ng lugar, nasisilaw din ang kanyang mga mata dahil sa sobrang tingkad ng mga ilaw.

That someone gave the dress she's wearing tonight. Ang tumulong sa kanya ay ang kilalang prostitute sa kanilang lugar, mabait naman ito sa kanya kaya hindi na niya pinag-isipan pa ng hindi maganda ang babae. Pinahiram siya nito ng kulay pula na bestida na hapit sa kanyang katawan na nagdudulot para mas makita ang magandang kurba ng kanyang katawan.

Sigawan at hiyawan ang kanyang naririnig mas lumalakas pa iyon kapag papalapit siya ng papalapit sa dumog-dumog na mga tao. Nakikisiksik siya para mahanap ng kanyang mga mata ang lalaking nasa litrato na ibinigay ni Tiana na siyang tumulong sa kanya. Ngunit sa dami ng tao ay nahihirapan siyang ilibot ang kanyang magagandang mata lalo na't iba't-ibang kulay ng ilaw ang patuloy na paikot-ikot sa buong club.

"Hey Miss. What a sexy body. Let's dance." halos mapatalon sa gulat ang dalaga nang may kumapit sa kanyang lalaki na amoy alak. Mabilis niya itong itinulak at nagmamadaling naglakad papalayo. 

Marami pang lalaki ang nagtatangkang lumapit sa kanya habang siya ay naglalakad papalayo, itinutulak niya lamang ang mga iyon at binibigyang proteksyon ang kanyang katawan upang hindi ito mahawakan ng kung sino mang nagtatangkang lumapit sa kanya.

Nang matagpuan niya ang palikuran ay dali-dali siyang pumasok roon, napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa kaba na nararamdaman.

Hindi naman lingid sa kanya ang pinunta niya sa lugar na ito, pero kung iyon na lang ang paraan para makapagbayad siya sa ospital, gagawin niya.

Napatitig siya sa salamin at sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan. Inayos niya ang kanyang bahagyang kulot na buhok at pinunasan ang isang patak na luha na nakatakas mula sa kanyang mga mata.

"Kaya mo 'to, Martini. Para kay Nanay." mahinang bulong niya sa sarili. Kung may ibang paraan na mabilis lang para makakuha ng pera ay hindi niya tatahakin ang lubak at nakakadapang daanan na ito.

Ilang minuto niya pa pinakatitigan ang kanyang mukha. Hindi maipagkakaila na may lahi si Martini. Kakaiba ang kulay ng mga mata niya, kasing asul nito ang karagatan, ang ilong ay napakatangos, ang kilay ay katamtaman ang kapal at ang labi niyang tiyak makakakuha ng atensyon ng mga tao na nasa club, ubod ito ng pula at para bang nanghihila ito sa tuwing tititigan mo. 

Kinakabahan niyang binuksan ang pintuan ng banyo, ngunit bumungo siya sa isang bagay, hindi ito pader ngunit ito ay matigas kaya napaangat siya ng tingin. Isang matangkad na lalaki ang kanyang nakabangga. 

Nakasuot iyon ng puting polo, ang mga manggas nito ay nakatupi hanggang sa kanyang siko at nakikita ang kanyang mga ugat sa kanyang braso, kahit na may kadiliman ng bahagya ang puwesto nila, agaw pansin ang mga ugat nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa mukha nito. 

Halos maubusan siya ng hangin sa kanyang dibdib, dahil sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganito kakisig na lalaki. Ang mga mata nito ay kulay chocolate ngunit walang emosyon at nananatiling blanko.

Nang makita nito ang pagkagulat ni Martini, ang labi nito ay kumurba sa isang ngisi bago hinatak si Martini sa gilid ng banyo.

"Why are you here in mens bathroom?" bulong nito sa kanyang tainga. Nakakakiliti ang bulong na iyon, ramdam niya pa ang pag-amoy nito sa kanyang buhok ngunit hindi naman nito hinahawakan ang mga parte ng katawan niya bukod sa kanyang braso.

"A-Akala ko k-kasi sa pambabaeng palikuran." sagot ni Martini at iniiwasan pa rin ang mga titig ng lalaki.

"What's your name, sweet vanilla?" tanong nito sa kanya. Amoy na amoy niya ang amoy alak na may halong menthol na hininga nito, nakakalunod at nakakawala ng wisyo.

"N-Nandito lang ako kasi may h-hinahanap ako." sabi ni Martini at yumuko.

"Tell me his or her name, I'll help you find him or her." sabi nito sa kanya. Hindi niya batid pero iba ang epekto ng paos na boses nito sa kanyang sistema.

Napakagat labi siya, hindi niya alam ang gagawin para makaalis sa sitwasyong nagdadala sa kanya sa delikadong puwesto. 

"F*ck. Don't bite your lips." sabi nito at hinaplos ang kinagat niyang labi gamit ang hinalalaki nito.

"S-Sorry. Hinahanap ko si a-ano. Si Sir C-Corvus." sabi ni Martini at bumawi ang titig sa lalaking kaharap, ngunit batid na niyang siya ang talo.

"I'm Corvus. What do you need from me sweet vanilla?" tanong niya kay Martini ngunit mas inilapit pa ang kanyang mukha.

"Sabi ni Ate Tiana l-lumapit daw ako sayo, Sir." sabi ni Martini. 

"Tell me your name or I won't hesistate to bite your lips." saad nito.

"Martini Michaela." sagot ni Martini dahil sa kaba na nararamdaman.

"Are you sure about this?" tanong sa kanya ni Corvus.

"Yes po Sir." hindi, hindi ako ganoon kahanda, pero para kay Nanay. Handa akong ibigay lahat.

Hindi niya namalayan ang mga minuto na lumipas, napansin na lamang niya na hawak-hawak na ng lalaki ang kanyang kamay bago iginiya sa isang silid.

"Just make sure you're ready about this Martini. Because with that beauty of yours, I don't think I can stop myself." saad nito bago siya sinugod ng isang mainit na halik. 

Her mind is being taken away by this man. This man can make her feel a different and unique feeling that makes her feel floating in a sea of clouds and see thousands of stars.

Hindi niya batid sa mga sandaling iyon kung bakit niya nararamdaman ang ganitong bagay. 

Inangkin siya ng lalaking tanging pangalan lang ang kanyang alam. 

Ang mga paghawak nito sa kanya ay kay lambot, malayo sa iniisip niyang paraan ng paghawak sa kanya habang patungo siya sa lugar na ito. 

Puno ng pagdadahan-dahan ang lalaki, na para bang iniingatan ang lahat na parte ng kanyang katawan. Ang paghawak at paghaplos nito ay dahan-dahan kahit na malaki at medyo magaspang ang kanyang kamay, tila siya humahawak ng babasaging bagay.

"You're mine tonight, my sweet vanilla." bulong nito at doon na siya tuluyang nalunod sa kakaibang pakiramdam na ang lalaking ito lang ang nakagawa sa kanya.

She let him have her virginity, it is painful, not just because she's a virgin, but it hurts because she needs to do this. And the last thing she knew, she did not regret anything of what happened.

~0~

Acquisitive Billionaires Series Last Installment: Ravished and Vanished.

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2022


Ravished And Vanished [Acquisitive Billionaires Series #5 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon