"Ma, Pa, bakit naman po ganito niyo ako iniwan?" patuloy ang pag-agos ng mga luha ko habang hagkan ang kanilang litrato sa harap ng kanilang puntod.
Dalawampu't isang taon na ako, patuloy na nag-aaral. Bilang nagiisang anak, wala na akong aasahan kung hindi ang sarili ko. Bukod pa ro'n ay naiwan ang lahat ng problemang pinansyal ng mga magulang ko sa akin.
"Paano na 'yan, Tol? Malamang, ikaw na ang bubulabugin ni Mang Cholas sa utang nila Tita..." naramdaman kong inalo ako ng kaibigan kong si John sa likod.
Napasapo na lamang ako sa akin noo sa pag-iisip kung paano ko ang mga problemang hinaharap at kahaharapin ko pa.
"Hayaan mo na, Tol. May paraan ang Panginoon... Sa ngayon, samahan mo ako mamayang mag-apply, ha?" Pinahid ko ang mga luhang natira sa mukha ko tsaka ako tumayo at pinagpag ang dumi sa puwetan ko.
"Seryoso ka d'yan, Hoswe? Kalilibing lang nila Tito at Tita ngayon! Hindi ka ba magluluksa man lang kahit isang araw?" pagtataka niya.
"Walang ng oras sa pagmumukmok at pagsasarili, John. Katulad ng sabi mo, may mga utang ang pamilya ko na kailangan kong bayaran. Okay lang din kung 'di mo ako masasamahan. Umuwi ka na muna at alam kong pagod ka rin sa pagsama sa akin simula kamatayan hanggang sa libingan nila." sinuot ko na ang sumbrero ko at binigyan ng pilit na ngiti.
"Maraming salamat talaga, kaibigan." Tinapik ko ang balikat nito at naglakad na papalayo.
Sumakay na ako ng jeep at naglakbay patungo sa lugar ng pinagpasahan ko ng mga papeles sa online websites. Sobrang init na talaga sa Pinas, tagaktak na agad ang pawis ko!
Ang aking pinuntahan ay ang Call Center Agency na malapit sa aming lugar dito sa maynila. Dito ako nagpasa application form sa website nila at ngayon ang araw ng unang interview ko. Medyo maliit na kompanya pero dalangin ko na sana ay matanggap ako.
"You applied for this job, what work do you think we offer here, Mr. Mercado?" patay tayo riyan! Hindi ako gano'n kagaling magsalita ng ingles!
Diyos ko, gabayan niyo po ako... Bulong ko sa aking isipan. Tanging tingin at ngiti lamang ang naisagot ko sa naguusisa sa akin ngayon.
"So tell me, Mr. Mercado, how will you entertain our beloved customers?" isa pang katanungan niya sa akin.
"Uh, eh... I-I will... Uh..." nakita kong napahilot sa sentido ang babaeng kausap ko.
"Mr. Joshua R. Mercado, undergrad ka na nga, palpak pa ang confidence mo pagdating sa pagsagot. How can you do this job if you can't speak and understand the international language? How will you able to entertain them if you have lack of confidence? I really scent that you doesn't have enough courage to do this work. I'm sorry, Mr. Mercado." at inabot niya sa akin ang envelope ko na sa tingin ko'y mga pinasa kong papeles.
BINABASA MO ANG
Ang Nagdaang Silakbo | One Shot HisFic Story
FanfictionMaagang pumanaw ang mga magulang ni Joshua Reynoso Mercado, kaya't ang lahat ng problema ng kaniyang pamilya ay siya ang dumadala. Isang gabi ng kalugmukan niya, tinulungan at pinalakas ng babae ang kaniyang loob sa pagharap sa hamon ng buhay. Labis...