CHAPTER TWO

12 3 0
                                    

CHAPTER TWO: RED EYES

"Myra! Ibigay mo sa akin ang aking anak!" Sigaw ng isang lalaking duguan at s'yang nagtataglay ng mapupulang mata matapos humarang sa harap ng isang babaeng nababalot ang mukha ng itim na belo at may bitbit na isang sanggol.

"Magtigil ka sa mga ilusyon mo Bernardo!" Pasigaw na sagot ng babaeng nakabelo.

"Anong ilusyon!? Anak ko 'yang sanggol!"

"And so am I."

"HOY ANO BA! HINDI KAPA BA GIGISING D'YAN!?" Huh? boses ni heart 'yon ah?

Naguguluhan sa napanaginipan, ay nagmulat ako ng mata. What a weird dream, Nabuka bibig nung lalaking duguan pero ang naririnig kong boses ay yung kay heart.

"ANO NA ISSA HERMOSA DEPOTA? ANONG ORAS NA OH TANGHALI NA!" Nagunot ang noo ko, Kaya naman pala kahit sa panaginip naririnig ko si heart e. Ke aga aga parang nakamicrophone ang bruha.

"ISSAAA—" Napatigil sa pagsigaw si heart at pagkatok, Nang walang pakundangan kong binuksan ang pinto at binulyawan s'ya na kan'ya namang ikinagulat.

"ANO BA 'YON ANG INGAY INGAY MO! ALAS SINGKO PALANG NG MADALING ARAW PERO TALAK KA NA NG TALAK D'YAN DAIG MO PA MANOK! IDAGDAG MO PA 'YANG BOSES MO NA ANIMO'Y NAKALUNOK KA NG MICROPHONE SA SOBRANG LAKAS MO MAMBULABOG! DINAIG MO PA ALARM CLOCK KO!" Sigaw ko.

"ANAK KAYO NG TOKWA SIGAWAN KAYO NG SIGAWAN MAY MGA NATUTULOG PA! PUTANGINA N'YONG DALAWA!" Napakurap kurap ako nang biglang lumabas din si inang sa kwarto nila sabay pumasok rin kaagad kung kaya't kinaltukan ko ng marahan sa ulo si heart tsaka inismiran.

"Hehe oh ano na? kilos na! andito na ang damit mo, ang sapatos at tuwalya mo! kaya maligo kana!" Excited na sabi n'ya habang itinutulak tulak pa ako papuntang banyo.

Napairap ako saka nagpatianod nalang sa pagtulak n'ya, Sa bwisit ko sakan'ya ngayong umaga baka mamaya s'ya maalmusal ko.

Pagkapasok sa banyo ay napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maligo at magayos.

At nasa kalagitnaan ako ng pagpapatuyo ng buhok ko ng marinig kong sumigaw si heart kaya naman ay dali dali akong napalabas sa banyo habang hawak pa ang hair blower.

"Omygod sismars! Tignan mo chinat ako ni wil!"

"Huh? sinong wil? Kuya wil?" tanong ko.

"Boba. Si wil, yung kaklase natin nung grade 12. Eong pogi, si wilbert." Napairap ako. As if i care.

"Huh? teka, Bat namumula mata mo?" Dagdag n'ya pa kaya umirap ulit ako. "Malamang, ikaw kaya gisingin tapos paliguin kaagad-agad? sinong hindi mamumula ang mata?" Ismid ko at pinagpatuloy nalang ang pagpapatuyo sa buhok ko.

Nang matapos na akong mag-ayos ay 5:30 palang at lumarga na kami at nagsimulang magjogging papuntang Mejia's field.

Mabilis na lumipas ang oras at iba't ibang exercises na ang nagawa namin sa Mejia's field, Dumami narin ang mga taong nageehersisyo kung kaya't napagdesisyunan namin ni heart na lumipat sa school's oval at doon na nagpatuloy Magjogging.

Sa kalagitnaan ng pagjojogging ay nakaramdam ako ng pagkirot sa aking binti. Looks like I'm having cramps wtf. Kung kaya't huminto muna ako sa pagtakbo at naupo muna sa pinakamalapit na bench na nakita ko.

Marahan kong hinihimas ang muscle sa likod ng binti ko habang nginingitian ang mga taong nagjojogging na nadaraan at napapatingin sa gawi ko.

Nagsimulang umasim ang timpla ng mukha ko nang maramdamang lumalala ang sakit.

Sa kalagitnaan ng pag-inda ng sakit sa binti ko ay otomatikong lumipad ang kabilang kamay ko sa aking kanang braso nang tila ba'y bumigat 'yon at nangalay.

Nanlalaki ang matang mahina akong dumaing ng likuran ko naman ang sumakit hanggang sa hindi ko namamalayang nakahiga na pala ako sa field at nagpapagulong-gulong sa sakit.

Malapit na akong maiyak at sumigaw ng tulong dahil sa hindi ko na alam kung anong sakit ang una kong dadaluhan at iindahin nang may isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking balikat na s'yang naghatid sa akin ng kakaibang kilabot at enerhiya at s'yang dumaig sa kirot na nararamdaman ko sa ibat ibang parte ng katawan.

Naguguluhan sa nangyayari, Ay iminulat ko ang aking mata at tumambad sa akin ang lalaking may napakalaking atraso sa akin nitong nagdaang linggo.

"Are you okay?" Mababakas sa mukha nito ang pag-alala kung kaya't tinaasan ko lang s'ya ng kilay hindi sinagot. Aba, akala mo kung sinong concerned citizen kung makaasta ngayon e samantalang iniwanan n'ya kami ng kawawa kong bike nitong nakaraan matapos n'yang banggain hmp.

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko, Nakatingin parin sa'kin ang lalaki hanggang sa tinalikuran ko na s'ya at nagsimulang maglakad.

"BTW, I LIKE YOUR RED CONTACTS!" Rinig kong sigaw n'ya kung kaya't hindi na ako nagaksaya pang lumingon dahil alam kong hindi naman ako 'yon.

I don't wear any contact lenses after all.

Agad akong dumiretso sa banyo nang makapasok sa building namin at nagsalamin. Pinapagpag at tinatanggal ko ang mga dumikit na damo sa damit ko nang magsalita ang babae na nasa gilid ko na kapwa ko'y nagsasalamin rin.

"I like your contact lenses, It looks surreal. Where did you bought those?" Tanong n'ya habang naglalagay ng lipstick. And so myforehead knotted, Sino ba ang kausap ng isang 'to?

Nagpalinga-linga ako sa loob ng banyo para tignan kung may iba pabang tao dito sa banyo. And to my surprise, kaming dalawa lang.

"Hey miss, are you nuts?" Pinameywangan n'ya ako tsaka marahang tinulak ang balikat ko para magkaharap kami. Mas maliit s'ya kung ikukumpara sa akin na 5'7 ang tangkad.

"Oh sorry, I didn't notice that you were talking to me" I said, At inismiran n'ya lang ako.

"So ano? San mo nabili 'yang contacts mong pula?" And for the second time, My forehead creased. Kaya naman ay dahan dahan akong humarap sa salamin. Kabado sa kulay pulang contacts na pinagsasasabi ng babaeng 'to.

Napataas nalang ako ng kilay ng makita ko ang sariling repleks'yon sa salamin. "What are you talking about?" I asked almost a whisper while staring unamazed at my black bored eyes.

Tila'y naestatwa ang babaeng kausap ko hanggang sa maya-maya ay nagtatakbo na ito palabas habang sumisigaw ng Freak.

TERRAIN SECRETS #1: (CRAVLOISM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon