CHAPTER FOUR

6 1 0
                                    

CHAPTER FOUR: FIRST BITE

     Sinasabi ko na nga ba at hindi ako dapat nagtitiwala rito kay Heart eh. Jogging lang dapat ang pinunta ko dito sa outside world pero heto at kung saan saan na kami napadpad at nakailang palit narin kami ng damit sa bahay nila. Eh pa'no ba naman, Sa bahay nalang daw nila ako magpalit ng damit tutal magkasize lang naman daw kami.

     Eh for i know, Takot lang s'yang matakasan ko s'ya. And speaking of takot, Hindi parin maalis sa utak ko 'yong pangyayari kanina sa restau. Myghad, I can't believe doppelgangers are so so true!

     Tinakasan nga lang namin kanina 'yong doppelganger na 'yon sa restau eh. Pero what if, S'ya pala yung tunay na keen? tapos yung naunang kausap namin kanina ay 'yon yung doppelganger pala? Ah, basta. May isang doppelganger sakanila and hindi namin alam kung sino sakanilang dalawa period.

     But back to present ano, kanina ko pa gustong paltukan 'tong si Heart eh. Kita mo ngayon, Ang kapal na ng mukhang sumayaw sa stage dahil sa kalasingan. Obviously, we're on a bar. Pero wala kami sa Cavite na hometown namin. Lumayo kami d'on ng kaunti dahil sa takot na baka makasalubong ulit namin ang doppelganger ni keen.

     "HOY BRUHA! TAMA NA KAKASAYAW! UMUWI NA TAYO!" Sigaw ko sakan'ya pero nagmistulang hinihika lang ako dahil sa walang marinig na boses galing sa'kin at kasalanan 'yon ng pantanggal tutuling tugtugan dito sa bar.

     I've got no choice kaya umakyat narin ako sa stage. "WOOH! THERE'S A NEW BABE IN TOWN" Napairap ako ng magsigawan ang mga tao na nasa baba at nanonood.

     Agad akong lumapit kay Heart na abala sa pagsayaw ng budots saka s'ya malakas na binatukan. Tanginang 'to, Pag hindi pa nawala kalasingan neto dahil sa pagbatok ko sakanya tatanggalan ko 'to ng hininga.

     Napakurap-kurap ako nung bumulagta sa sahig si heart matapos ko s'yang batukan. Ready na sana akong tumawag sa St. Peter at ngumawa ng parang bata sa presinto nang makita ko s'yang ngumiti tapos may mga binubulong bulong pa ang bruha.

     Nagpatulong nalang ako sa mga bouncer na buhatin si Heart at isakay sa kotse, Aba baka itapon ko s'ya sa Manila bay pag ako pa nagbuhat sakan'ya.

     Pinasalamatan ko ang mga bouncer na tumulong sa'min saka sinarado ang pinto sa side ni Heart at sumakay na na sa driver's seat.

     Magdadrive na sana ako nang mapansin kong hindi pa pala nakaseatbelt ang bruha, And since isa akong mabuting mamamayan ng pilipinas, Inayos ko.

     Nasa kalagitnaan ako ng pagaayos ng seatbelt ni Heart ng mapadako ang tingin ko sa leeg n'ya. I can trace the heat that the liquor draw to her tounge down to her stomach—Wait, WTF was that thoughts Issa?

    Napapailing na mabilis ko nalang na inayos ang seatbelt ni Heart saka itinuon ang pansin sa unahan upang sana'y magdrive na ngunit napansin kong may itim na ibon ang nakatambay sa unahan ng sasakyan.

     Bubusina sana ako para sana ay magulat yung ibon at lumipad na palayo nang magulat ako n'ong bigla itong humarap sa direks'yon ko at nagsimulang mag-ingay. Hindi ko naman masyadong naririnig yung ingay nung ibon since nasa loob ako ng kotse pero ang creepy kase para s'yang may tinatawag.

     And to my relief, Tumigil na sa pagiingay ang ibon at tumingin ulit sa'kin—Wait, WTF? It's eyecolor is red! Ngayon ko lang napansin since ngayon lang din ako napatingin sa mata nito. jusq, May sore eyes pa ata ang ibon na'to.

     I've got no choice, ayoko namang lumabas para lang bugawin ang uwak na'to kaya naman ay bumusina na ako. And to my surprise, Imbis na umalis ang ibon eh nag-ingay din ito ulit.

TERRAIN SECRETS #1: (CRAVLOISM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon