PROLOGUE

53 4 0
                                    

PROLOGUE

Nang makaramdam si Issa ng pagkirot sa kan'yang binti ay agad s'yang huminto sa pagtakbo at naupo muna sa gilid. Habang pasikretong marahang hinahagod ang kan'yang binti ay masiglang ginagawaran n'ya ng ngiti ang mga kasamahan n'yang patuloy parin sa pag-jogging.

Medyo nasasanay na si Issa sa mga ganitong sitwasyon na biglaang pagkirot ng kung ano anong parte ng katawan n'ya dahil sa napapawi rin ito agad. Ngunit nagsisimula na s'yang mapangiwi ngayon dahil sa patindi ng patindi ang sakit.

Otomatikong napahawak si Issa sa kan'yang kaliwang braso ng tila ba ay biglang bumigat yon at nangangalay. Maya-maya pa ay namalayan nalang ni Issa na gumulong na s'ya sa damuhan dahil sa masakit narin ang kan'yang likuran.

Hindi iniinda ni Issa ang mga bulungan at mga itinatapong tingin sakan'ya ng mga taong nageehersisyo ngayong umaga sa kanilang school oval.

Paiyak na si Issa dahil sa hindi n'ya na alam ang gagawin nang may isang kamay ang humawak sa kan'yang balikat na naghatid sakan'yang buong katawan ng enerhiya na s'yang biglang dumaig ng mga karamdaman n'ya sa ibat-ibang parte ng katawan.

Naguguluhan sa nangyayari, kaya ay Iminulat ni Issa ang kan'yang mga mata at tumambad sakan'ya ang lalaking kinasusuklaman n'ya.

"You okay?" Imbes na sagutin ay inirapan n'ya na lamang ito at tumayo saka nagsimulang maglakad na para bang walang nangyari.

"BTW, I LIKE YOUR RED CONTACTS!" Napataas ang kilay ni Issa sa narinig na sigaw nung hindot na lalaki ngunit isinawalang bahala n'ya na lamang ito, by the fact that she don't wear any contacts so it must not be about her.

Dumiretso si Issa sa banyo at nagsalamin. Nililinisan n'ya ang kan'yang katawan at binubunot ang mga damong dumikit sakan'ya ng bigla'y magsalita ang babaeng katabi n'ya.

"I like your contacts, it looks surreal. Where did you bought those?" Nakakunot ang noong nagpabaling-baling ng tingin si Issa at hinahanap kung sino ang kausap nung katabi n'ya.

"Hey, are you nuts?" Hinarap s'ya ng babae. Mas maliit ito kumpara sakan'ya na 5'7 ang tangkad, kung kaya't hindi nakaramdam ng sindak si Issa sa ginawang pagtataray nung babae.

"Oh, sorry. I didn't know that you were talking to me" Inirapan lamang s'ya ng babae.

"So ano? Sa'n mo nabili 'yang contacts mong pula?" And For the second time, Her forehead creased.

Tamad na Humarap sa salamin si Issa at tumambad sakan'ya ang kan'yang black empty eyes. "What are you talking about?" She whispered, Staring Unamaze on her boring eyes.

Tila'y naestatwa ang babae at maya-maya pa ay biglang nagsisigaw ng freak saka nagtatatakbo palabas.

COPYRIGHTS ©
ALL RIGHTS RESERVED ®
2020

TERRAIN SECRETS #1: (CRAVLOISM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon