CHAPTER 1: BIRTH

9 0 2
                                    

"Mr and Mrs. Min handa na po ang sasakyan maaari na po tayong umalis."

"Nasabihan mo na ba sila na paalis na tayo?".ani ni Mr.Min

"Opo chairman nakastandby narin ang iba sila po ay magbabantay ng ating daraanan once na magbigay po kayo ng go signal."

"Maraming mata ang nakatutok sa atin. Ngayon pa na manganganak na ang aking asawa.Hindi pwedeng makuha nila ang aking mga anak".ani ni Mr.Min

"Kailangan makalagpas na tayo kung saan ay nadun sila. Kailangan ay makarating tayo sa airport ng mabilisan".dagdag pa nito

Agarang nagtungo sa main bedroom si Mr.Min para asikasuhin ang asawa.

"Handa na ang lahat. Kailangan nating magmadali".sambit nito sa asawa

"Masakit na ang aking tiyan.Ano mang oras ay manganganak na ako."ani ni Mrs.Min

"Natatakot ako para sa mga anak natin. Natatakot akong mahiwalay sakanila. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon." ani ni Mrs.Min na lumuluha ang mga mata.

"Walang masamang mangyayari satin at lalo na sa mga anak natin. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sakanila." saad ni Mr.Min

Sumakay sila sa sasakyan at agarang pinatakbo ito ng kanilang driver. Hating gabi na at tahimik ang daan. Nakakatakot dahil sa malakas na ulan.

"Malapit na po tayo chairman."

"Nick manganganak na yata ako sobra na ang sakit ng tiyan ko." ani ni Mrs.Min

"Ahhhhhh, ang sakit na ng tiyan ko Nick, lalabas na ang mga anak mo." sabi ni Mrs.Min na halatang nahihirapan na.

"Drive the car as fast as you can!" ani ni Mr.Min na may halong pagaalala.

"May sumusunod po sa ating pulang kotse chairman."

"Kailangan mong magmadali. Tawagan mo ang iba at iligaw nila ang pulang kotseng nakasunod sa atin." ani ni Mr.Min

"Tatlong kotse na ang nakasunod sa atin chairman"

"Sa rest house muna tayo dumiretso.Dalian mo". ani ni Mr.Min

"Masusunod chairman."

Sa mga sandaling iyon. Nababalot ng takot ang lahat.
Sa lakas ng ulan at sa tatlong kotseng sumusunod sa kanila.

Maya maya pa'y........

"Baba, hindi niyo kami matatakasan!" ani ng isang lalaki na may hawak na baril sa kanyang kanang kamay.

"Sinabi ng baba, o babarilin ko yang asawa mo.Mr. Chairman." dagdag pa nito.

"Huwag mong sasaktan ang asawa ko.Ako, ako na lang ang isama ninyo."sambit ni Mr.Min

"Lintik lang ang walang ganti Mr.Chairman." sabi ng lalaki na nakangisi at nakakaloko ang ngiti.

"Hindi ikaw ang kailangan namin.Ang asawa mo at ang mga anak mo ang isasama namin".dagdag pa nito

"Sumama ka samin Mrs.Min kung ayaw mong may mangyari diyan sa mga anak mo."sabi ng lalaki

"Bitawan mo ang asawa ko".sabi ni Mr.Min

Magkabilang suntok sa mukha ang inabot ni Mr.Min dahil dito.

"Hindi lang yan ang aabutin mo Mr.Chairman."sambit ng lalaki

Hawak ng lalaki sa kanang braso si Mrs.Min at isinakay ito sa pulang kotse. Naiwan si Mr.Min at ang mga tauhan nito.

"Hindi maaring may mangyaring masama sa mag iina ko. Tawagan mo ang iba kailangan nating mabawi ang asawa ko!" Ssabi ni Mr.Min na may galit sa kanyang mga salita.

SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon