CHAPTER 3: SEARCHING

2 0 0
                                    

CLAIRE'S POV

Nakakapagod ang pagbiyahe ko mula Seoul hanggang London halos kalahating araw din akong nakasakay sa eroplano ngunit habang papalapit ako sa pupuntahan ko ay hindi ko nararamdaman ang pagod. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko dahil ano mang oras makikita ko na si Yoongi. Makikita ko na ang anak ko.

Mag-isa akong bumiyahe papuntang London. Iniisip ko kung ano ang maaaring gawin ni Nick kapag nalaman niyang gumawa ako ng hakbang magisa. Alam kong magagalit siya. Ngunit di ko na iniisip ang galit ni Nick. Wala akong ibang iniisip kundi ang muling pagkikita namin ng anak ko. Iniisip kong mabubuo ng muli ang pamilya namin.

Nang makababa ako ng eroplano. Sumalubong sakin ang isang mahabang puting kotse. Bumaba ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 40. Alam kong British siya dahil sa itsura niya.

"Good afternoon Ms.Min, I am Mike I will accompany you to your destination today. Pleasure to meet you." ani niya na may magandang ngiti

"Thank you, Nice meeting you too."sagot ko sakanya habang binigyan ko rin siya ng masayang ngiti.

"Get in the car Ms." sabi nito habang pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

"Thank you." sabi ko saka ako sumakay ng kotse.

"You have a reservation in a restaurant Ms.Min. It is the most popular restaurant here in London yet very expensive." sabi niya

"You don't need to. I am ok." sagot ko sakanya

"It was an instruction to me Ms.Min I have to drop you off to the restaurant for you to eat your late lunch first. Then we will go to the hotel where you will stay." sabi niya

"I need to see my son. That is what most important to me now." sabi ko sakanya.

"After that we will go to your son Ms.Min." sagot niya

*Sighs*

Gusto ko na talagang makita si Yoongi. Nakarating na kami sa restaurant at bumungad sakin ang dalawang receptionist.

"This way Madam." sabi ng isa sakanila

Agad naman akong sumunod dito.
Umupo na ako at nakita kong nakahanda na ang pagkain sa mahabang lamesa. Napakaraming nakahandang pagkain. At ang laking gulat ko ay lahat ito ay paborito ko. Hindi ko alam kung paano at saan nila nalaman na paborito ko ang mga pagkaing nakahanda ngayon sa harapan ko. Nagtataka kong napapaisip. Hindi kaya'y may nagspy sakin para malaman ang mga gusto at ayaw ko?

Pinagsilbihan ako ng dalawang receptionist na bumungad sakin kanina. Mula sa appetizer, main dish hanggang sa dessert. Pati ang paborito kong champagne ay alam nila at nakahanda rin. 

Nang matapos akong kumain ay agad akong nagpunta sa parking area para puntahan si Mike. Nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng kotse habang may kausap sa cellphone.

Agad niyang binaba ito nang makita niya akong nakatayo sa harap niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at agad inalalayan pasakay dito.

"Did you enjoy your food Ms.Min?" tanong niya

Tumango lang ako bilang pagsagot. Medyo di maganda ang pakiramdam ko.  Masakit ang aking ulo. Siguro ay sa pagbiyahe ko ito. Matagal na rin nung huli kaming nagtravel ni Nick. Nakatulog ako sa sasakyan.

"Ms.Min we are here." dinig ko na lang sabi ni Mike

Unti unti kong binuklat ang aking mga mata. Nasa main entrance kami ng isa sa pinakamalaking hotel dito sa London.

"I will wait for you in the lobby Ms.Min" sabi ni Mike habang ibinababa ang dala kong maleta.

"Yes, please." sagot ko sakanya habang binigyan ko siya ng bahagyang ngiti.

SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon